Part 18

1.5K 78 6
                                    

Maghahating-gabi na nang pumunta ko sa MiniStop. As usual, bumili ako ng pagkain. Nakita ko yung P.3 sa itaas na kaliwang sulok ng dyaryo. Ang tagal ko na ring di nakakabasa ng Tagalog na dyaryo kaya binili ko rin 'yun. Nagtataka nga ko kung bakit tres lang. Hindi ko kinuha yung resibo ko pagkabayad. Pagkalabas ko sa MiniStop, napaisip ulit ako. Pagkarating ko sa bahay, tiningnan kong mabuti yung dyaryo. Nakalimbag yung P.3 pagkatapos ng headline sa pinakataas na bahagi ng dyaryo. Pahina 3 pala, hindi tres. Sa baba noon, nakalimbag yung petsa at sa baba pa noon makikita yung presyo ng dyaryo - P10.00. Ok.

Pagkababa ko ng fx, nagtricycle na ko pauwi. Tinanong ng driver kung saan ako bababa. "St. Joseph," sabi ko. Nagdrive na si Manong. Pagkatapos lagpasan yung mga karinderya, may dalawang daan - kanan o kaliwa. Tinanong ulit ako ni Manong Driver kung saan ako bababa. Medyo nairita ko kasi sinabi ko na nga. Tapos napaisip ako... Syet. Nasa St. Joseph na nga pala ko. "DABBA po pala," sabi ko kaya lumiko na kami sa kaliwa. Two (tanga) points!

---

Dear Wisdom Tooth,

FVCK YOU!!!

- Mel

Wisdom Tooth Part 2

Kasalanan ni WT kaya ko napakain ng lugaw, mami at oatmeal. Sinabayan pa ng sakit ng lalamunan ko. Kahit uminom ako ng mefenamic acid, masakit pa rin. Hindi ako makakain nang maayos! Alam mo yung excited kang sumubo ng pagkain tapos di ka makanganga? Hindi ko na nga nginunguya yung kinakain ko, diretso lunok na. Hahaha!

Hindi ako sanay na masaya dahil madalas akong malungkot. Hindi kayo sanay na makita akong malungkot dahil akala ninyo, lagi akong masaya. Joke lang 'to. Epekto ng wisdom tooth.

Pulutan Pa!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon