Part 32 - Happy birthday to me!

527 35 17
                                    


 07.26.16
Dumiretso ako sa Eastwood after ng shift para magcelebrate ng birthday ko kasama ang bestfriend ko at ang girlfriend niya. 1:30 pm yung usapan. Kumain muna ko sa Auntie Anne's habang naghihintay sa kanila. Sinabi ko sa kanila na may pitik sila sa tainga sa bawat minutong male-late sila. Humigit-kumulang 15 minutes silang nalate pero dahil mabait ako dahil birthday ko, walang silang pitik. Biro lang din naman iyon. Naglunch kami sa Rufo's. Mahigit pitong buwan na kong di umiinom. December 2015 pa yung huling inom ko kaya tumagay kami. Wala sa planong iinom kami. Bigla lang namin natripang uminom kasi nakita ko sa menu yung bucket ng alak. Kaunti lang yung ininom namin kasi plano talaga naming magkape sa Uke Box.

Sa Uke Box...
Natuwa ako sa nabasa kong sulat ng isang customer:
"Kung iinumin ko ba itong kapeng ito, magigising na ba ko sa katotohanang di niya na ako mahal?"

Huhugot din sana ko pero marami na kong hugot dito sa Pulutan Pa. 

07.27.16
Kinabukasan, pumunta kong MOA dahil may date kami ng chick kong tropa na si Dane. Sa Movie Stars sana kami pero 5:30 pm pa iyon magbubukas kaya sa Seafood Island Bikers' Cafe na lang kami kumain. Gutom na ko at hindi ko kayang maghintay ng mahigit isang oras. Pagkatapos kumain, pumunta kaming Seaside Boulevard. Habang nakatingin sa kalangitan, may apat na ibong dumaan.

"F4 'yun," biro ko.

Maya-maya, may dalawa namang ibong dumaan.

"Si Dao Ming Si at si Sanchai," sabi ko.Pagkalipas ng ilang minuto, isang ibon na lang yung mag-isang lumilipad.

"Si Watchi Lei."

Hindi ko alam kung bakit Meteor Garden (Taiwan) yung nasa isip ko. Siguro kasi Throwback Thursday kinabukasan.

Si dinami-raming beses na nakapunta ko sa MOA, noong July 27 lang ako nakapunta sa Prism Plaza. Tumagay at nagpicnic kami ng pulutan. Dalawang bucket lang yung ininom namin. Kakagaling lang sa break up ni Dane. Pinagpalit siya sa iba. Alam ko kung anong nararamdaman niya kaya tumagay na lang kami. Kung magagamot lang sana ng alak ang mga sugat sa puso niya...

"Gusto kong maging vet," sabi niya. "Tapos iinjectionan ko yung animal kong ex!" dugtong pa niya.

07.30.16
Nagfoodtrip kami ni Bobbie sa SaLang Restaurant at nagkape sa Deete Espresso Organic Cafe.

08.01.16
Pumunta kami ng katrabaho kong si CJ sa Megamall para magfoodtrip sa Ho Bing. Tita niya yung nagluto ng handa kong spaghetti sa office noong birthday ko tapos siya yung nagbitbit. Hindi ako makarelate sa mga kwento niya habang nasa Ho Bing kami. Wala kasi talaga kong alam sa mga Koreanovela. Okay naman kasi nabusog ako.

08.03.16

Nagdinner kami nina Fernandez at Cabrera sa Icebergs. Kaklase ko sila noong college. Lumusog sila, ako payatot pa rin.

08.07.16
Family date sa Robinsons Galleria. Bumili ako ng chocolate chip financier at chiffon sa Tous Les Jours. Pasalubong ko sana iyon pareho sa kanila pero parang masarap kaya inuwi ko yung isa. Haha! Sa Hainanese Delights kami naglunch. Sabi ni Mama, sinasabayan ko raw dati yung theme song ng Eto Rangers. Paborito ko iyon noong bata ako eh pero di ko talaga iyon maalala kaya nasa YouTube ako ngayon, nanood ng nyorn. Joke lang!

Naglaro kami ng Piso-piso sa Tom's World at pinapalitan ko yung nakuha naming tickets ng crayons tapos binigay ko iyon sa bunso kong kapatid. Makulay naman na buhay ko eh.

08.10.16
Pagkatapos maglunch sa Jollibee, naglaro ulit ako sa Tom's World ng Piso-piso. Syet, nag-aadik ako. Naka-190 points ako tapos pinapalitan ko yung tickets ng dalawang Tom's World na flashlight, isang multicolor ballpen at isang eraser. Marami kasing pagkakamali sa buhay ko na kailangan kong burahin. Letse, di na ata ako mauubusan ng hugot.

Oo nga pala, pagkatapos lumamon, nagpabili pa ko ng super cheese fries kay Enzo. Binigay niya agad yung paper bag sakin pagkabalik niya sa table. May number siyang dala kaya tinanong ko kung ano pang inorder niya. "Akala mo may inorder ako? Tingnan mo yung loob ng paper bag."

Pucha! Ketchup lang pala yung laman. Wala pa pala yung fries ko.

08.14.16
Pagkatapos lumamon sa food court, naglaro ulit ako ng Piso-piso sa Tom's World. Meron na kong mahigit 300 points sa card! Iipunin ko yung points ko tapos papapalitan ko ng house & lot. Wahahahaha! :D

Dapat pala "Diary ng Patay Gutom" yung pamagat nitong "Pulutan Pa!"

Pulutan Pa!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon