Part 21

1.3K 59 11
                                    

May 25

Enzo: Bili ka ng calbee ulet nakain ko na kasi. (8:25 AM)

Enzo: Camote pla to. (8:32 AM)

Ako: Anong calbee? Anong camote??? (12:08 PM)

Hindi ko maintindihan kung ano yung calbee at camote na pinagsasabi niya. Nalaman ko lang nang malapit na ko sa bahay. Bumili nga pala ko ng chichirya sa isang tindahan sa Ortigas. Di ko talaga alam na calbee yung binili ko. Basta ang alam ko lang, bumili ako ng pagkain. Kamowt yung basa ko sa camote. Nasobrahan sa pagka-slang kaya di ko naintindihan. Kamote pala. Kamowt kamowt. 

***

May bagong bukas na laundry shop. Mas tipid doon ng sampung hakbang kaysa sa dating laundry shop kung saan ako nagpapalaba ng mga pogi kong damit.  Naipit ko si Ate pagkabukas ko ng pinto. Di ko naman sinasadya. Nagsorry naman ako. Habang binibilang niya kung ilang damit yung palalabhan ko, bigla kong nagtanong sa kanya. Buti na lang di siya nawala sa bilang. Ang hirap talagang maging makulit.

***

Pumunta kaming Buendia ni Enzo para kumain sa paborito niyang Shawarma house. Gumala muna kami sa Makati tapos napadpad kami sa BookSale. Bumili ako ng libro tungkol sa vocalist ng Creed at ng Playboy Magazine kung saan si Mae Dela Cerna ng Mocha Girls yung cover. June 2013 ko pa sila huling napanood sa 22nd Street Bar sa Marcos Highway. Napasayaw pa nga ko ng "Gimmie Gimmie" sa stage noon eh. Balik na tayo sa kwento ko. Pagkauwi namin ni Enzo, may tumabi saming tatlong lasing sa bus - dalawang lalaki at isang babae. Ang ingay at ang emo ng isang lasing na lalaki. Kahit medyo nakakainis siya dahil ang ingay-ingay niya, nakadama pa rin ako ng awa para sa kanya. Nagdadrama siya dahil sa isang babae. Ayon sa mga impormasyong nasagap ng tainga ko (wala kong antenna, sorry), kabit lang siya ng babaeng mahal na mahal niya. Naiintindihan ko siya dahil walang forever. Buti na lang napasaya niya ko kahit papaano. "Go what you want!" sabi niya sa babae niya nang magkausap sila sa cellphone. Di naman ako grammar nazi. Natuwa lang talaga ko dahil naisip ko yung kantang Wiggle Wiggle tapos ganito 'yung lyrics:

Go what you want with that big fat butt

Wiggle, wiggle, wiggle

***

Meron po pala kong Instagram. Search niyo lang yung pogi kong pangalan - EmosyonSupremo. 

Pulutan Pa!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon