Part 12

1.9K 73 4
                                    

Ang PP ay nangangahulugan ding Poging Patay-gutom. 

Pumunta kami ni Bobbie sa Greenhills dahil trip nyang bumili ng pabango. Mas mura kasi yung mga pabango doon. P2500 lang, dalawa na. Bumili siya ng Meow ni Katy Perry, Lacoste at Calvin Klein. Kung hindi ako nagkakamali, meron pa siyang anim na pabango. Alam ko talaga kasi sinisinghot ko siya. Hehe. Ang tao talaga, kahit meron na, naghahangad pa rin ng mas marami. Basta masaya siya, masaya na rin ako. Wag niya lang akong pagbabawalang kumain. 

Sa Isdang Pulo kami kumain. Umorder ako ng sinigang na hipon. Rellenong bangus naman 'yung sa kanya. Abot-tenga yung ngiti ko nang ilapag na sa mesa 'yung order ko. Ang laki kasi ng mangkok. Dumarami yung customers habang tumatagal tapos kaming dalawa lang yung nakapambahay. Sadyang PG lang talaga ko. Di lang halata. Naalala ko tuloy yung pumunta ko sa bangko ng mama ko last year sa Makati. Hinarang ako ng guard at tinanong pa ko kung anong gagawin ko sa SC. Nakapambahay din kasi ako noon. Misan, nahuhusgahan 'yung tao ayon sa damit niya. Mas komportable kaya pag naka-tshirt, shorts at tsinelas lang. Makakatakbo ka agad pagkatapos mong kumain. Hahaha!

Pagkatapos magbill-out, umorder naman kami ng shake. Sabi kasi ni Bobbie, masarap daw magyosi habang umiinom ng shake. Di ko pa na-try kaya sinubukan ko. Sa terrace na kami ng Promenade nagyosi habang tumatagay ng shake. 

 "Biruin mo 'yun! Malaki pala kaha mo!" sabi ni Bobbie sakin.

Pulutan Pa!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon