Part 28

1K 40 16
                                    

Noong Dec. 23, 2015, tumagay kami sa bahay nila Derl sa Cavite.

Sa Gateway, Cubao kami nagkita ni Yowen tapos sabay kaming pumunta sa MOA dahil doon kami susunduin ng GF niyang si Derl. Nag-LRT na kami ni Yow para mas mabilis yung biyahe. Ang tagal na rin naming di nakasakay sa LRT kaya nagulat kami nang makitang ita-tap na lang yung card. Habang nasa van papuntang Cavite, binigyan ako ng tatlong condom ni Derl. Dagdag koleksyon! :)

Mawawalan ba ko ng joke? Kinuwento ko yung nabasa ko sa Fb. Tinanong ko sila kung nabasa na nila yung bagong ahas na nadiskubre na mabilis humaba, kain nang kain at ang tanging makakapatay lang dito ay pag nakagat niya yung sarili niya. Ang hirap magpigil ng tawa habang kinukwento ko iyon. Sa Snake Xenzia nga lang kasi iyon matatagpuan.

Dumaan muna kaming SM Bacoor bago pumunta sa bahay nila Derl. Naroon kasi yung ka-Ranger din namin na si Pete. Sa National Book Store yung tagpuan namin. Nang makita na namin siyang pumasok sa Book Store, nagtago kami na parang mga bata. Pero syempre, nakita niya rin kami. Kumain muna kami sa Jollibee tapos tinake-out namin yung mga natirang chicken pampulutan. Pero bumili pa rin kami ng junk food para maraming pagkain. Kumakain pa nga ko ng chocolateS (pasalubong samin ni Yow) habang tumatagay. PG lang.

Sa MiniStop...

Kumuha si Derl ng Emperador.

Ako: Yung light lang.

Derl: Light nga 'to.

Oo nga naman. Emperador LIGHT.

---

Yatchie (bff ni Derl): Nag*** kami.

Nagkatinginan kaming magtotropa. Nagsex kasi yung narinig namin, nag-Zark's pala. Hahaha!

May Part 2 pa. Habang naglalakad papunta sa bahay nila Derl...

Derl: *enis

Tennis pala. Akala namin pen*s. Hahaha!

MANONOOD sana kami ng movie pero nagsound-trip na lang kami tapos tamang kwentuhan. Madaling araw na pero wala pa kaming tama. Eto na... ito talaga yung higlight ng inuman eh - napalayas kami sa bahay nila Derl. Hahahahaha!

May tinda kasi sila Derl kinaumagahan. Kailangan lang talaga niyang gumising nang maaga. Dapat daw 4:00 am gising na kaya naidlip lang kami. Kahit puyat at bangag, bumiyahe kami mula Cavite hanggang Caloocan para mag-part two. Para nga kaming magjojogging kasi nakashorts kami at naka-sneakers nang umalis kami kanila Derl. "Akala ko magjojogging tayo, trekking pala!" sabi ko habang naglalakad sa paahon na daan papunta sa sakayan ng jeep pa-Deparo. Pero nakapagjogging naman kami nang maglakad kami mula Robinsons Galleria hanggang SM Megamall. Di naman natuloy yung inuman sa bahay nila Yow. Nagvideoke lang pero masaya pa rin syempre. 


Pulutan Pa!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon