Kabanata 17

18 2 1
                                    

The Escape

Nang mabuksan ni Elora ang pinto ay pumasok si Mira tulak-tulak ang troli ng pagkain at may nakapatong din kahon. Yumuko ito sa akin bilang pagbati at itinulak niya ito patungo sa paanan ng kama.

"Maari mo na kaming iwan, Mira. Ako ng bahala sa kamahalan." Mahinang tumango naman si Mira ta tuluyan ng lumabas ng silid.

Napaangat naman ako ng tingin sa isang pendulum na orasan sa na nakapatong sa malapit sa tukador. Nakaturo ang kamay ng oras nito sa sa onse at kamay ng minuto nito sa syete. 11:40.

Hindi ko alam pero ang bilis yata ng oras. Iniwan muna ako ni Elora para kumain siguraduhin ang madadaanan namin mamaya na walang ibang makapansin. Hindi ko na kailangan pag-isipan iyon dahilo nakapagpasya na ako na tumakas.

Matapos akong kumain ay napabaling ang aking paningin sa kahon na kapatong sa trolley. Binuksan ko iyon, sa pag-aakala ko ay isa lamang kasuotan sa paa ang nasaloob. Ngunit, hindi. Ito ay ang bestida at sandalyas na binili at pinasuot sa akin ng lola ko at ang kwentas na bigay sa akin ng aking ina.

Agad naman akong napakapa sa aking leeg. Ngayon ko lang napansin na hindi ko suot-suot ang kwintas. Bakit parang napakapabaya ko sa mga bagay-bagay ngayon.

Nagtaka ako kung bakit narito ito, si Mira ba ang naglinis at nagtago nito? Pero mukhang hindi naman niya alam kung anong nasa loob ng kahon. Nakalimutan ko kasi kung saan iyon inilagay ni Elora. Siguro ay siya ang nagtago nito.

Plano ko sanang isuot ang mga iyon nang may mahinang kumatok sa pintuan, kaya mabilis kong ipinasok iyon pabalik sa kahon at itinago sa ilalim ng kama.

Sakto naman na bumukas ang pinto at iniluwa nito ang reyna at kasunod nito ay si Elora at ang dalawang tagasilbi. Mabilis naman akong napatayo ng maayos. Yumuko ako at binati ang reyna.

"Kamusta, Zahra. Maayos lang ba ang pakiramdam mo ngayon?" May kung ano sa tuno ng boses nito na hindi ko mawari kong ano, hindi naman tunong nag-aalala.

"Maayos naman po, iyong kamahalan." Tipid akong ngumiti.

"Mabuti naman kung ganoon. Napansin ko lang kanina na parang hindi mabuti ang iyong pakiramdam." Siguro ang ibig nitong sabihin ay 'yong kanina na naitulak ko si Sebastian.

"Ah, kanina lang po iyon. Hindi po gaanong mabuti 'yong pakiramdam ko, ngunit ngayon maayos na po. Huwag po kayong mag-alala." Tumango siya sa sinabi ko.

"Kung maari ay huwag ka munang lumabas sa iyong silid hanggat hindi ko pa pinahihintulutan na lumabas, kung maari ay huwag mo munang hanapin o magpakita kay Sebastian. You need to reserve yourself before the start of wedding ceremony this full moon." Sabi nito a bumaling kay Elora.

"Ikaw muna ang bahala sa kanya Elora hanggang sa nalalapit na seremonyas mamaya. At bago iyan ay paki-tingnan ang mga bulaklak na ilalagay mamaya sa bulwagan ng seremonyas, siguraduhin mong walang kulay itim na bulaklak na kasali."

"Masusunod po, iyong kamahalan." Tumango ito.

"Huwag kang mag-alala, Zahra. Sisiguraduhin ko na sa oras na matapos ang kaslal ay makakapiling mo na ang iyong lola." Alam kong walang kasiguraduhan ang sinasabi nito.
Tumango na lamang ako para ipakita na naniniwala ako sa sinabi nito.

Nang tuluyan na itong lumabas kasama ang dalawang tagasilbi ay naiwan kami ni Elora sa loob."Nasaan ang kahon?" Agadd na tanong nito kaya kinuha ko naman iyon sa ilalim at ipinatong sa kama.

Kinuha niya iyon at hinila ako papasok sa banyo. Binuksan nito ang kahon at kinuha ang kwintas at bestida. "Isuot mo iyan."

Napakunot nuo naman ako sa sinabi niya, ngunit sumunod na lamang ako. Hinubad ko ang aking kasalukuyang suot at pinalitan ng bestida na binigay sa akin ng aking lola at siya naman ang nagsuot ng kwintas.

"Kailangan mong suotin ito, dahil kapag suot mo ang kasuotan dito sa palasyo ay mararamdaman ka ng mga Domenico kahit saan ka pupunta."

Kaya pala noong nasa hardin ako ay agad dumating si Sebastian kahit wala naman ibang nagsabi sa kanya kung nasaan ako.

"Salamat po. Nanay Elora." Napansin kong napatigi ito saglit. Napatawa naman ako sa reaksyon niya.
HInaplos nito ang pisngi ko. Napangiti ito sa akin. "Matagal-tagal na rin simula nung may tumawag sa akin ng 'nanay'"
"May anak po kayo? Nasaan po siya? sila?"

"Isa lang ang anak ko. Iniwan niya rin ako at ang kanyang ama naman ay pinatay ng mga lobo."

Napayakap ako sa kanya dahil ramdam ko ang pakiramdan na mawalan ng mahal sa buhay. "I'm sorry to hear that."
"Hindi mov kailangan humingi ng tawad. Sadyang ganoon lang talaga ang itinadhana sa akin ng mga dyosa. Huwag na tayong magdrama. Mabilis ang takbo ng oras."

Sumilip naman si Elora sa labas ng pinto, nang masigurado na walang ibang tao sa hallway ay bumalik ito sa loob.
"Inumin mo na ang elixir." Agad na binuksan ang takip ng maliit na bote at ininum lahat ng nasa loob.

Parang masusuka ako sa lasa ngunit pinilit ko ang aking sarili na lunukin ang lahat ng iyon. Mga ilang segundo ang lumipas ay nakaramdam ako ng kakaiba sa loob ng aking katawan. Napatingin ko sa aking palad na hawak parin ang maliit na bote ay unti-unting nagiging invisible ito patungo sa lahat ng bahagi ng aking katawan pati ang aking kasuotan at kwintas.

Napalingon naman ako kay Elora na hinihintay na umepekto ang elixir ng tuluyan sa akin. Lumapit naman ako sa tukador kung saan may nakatayong salamin at tinignan ang aking kabuohan.
Ngunit sa inaasahan ay hindi ko makita ang aking sarili sa salamin. "Hali ka na, Zahra. Sundan mo ako." Tumango naman ako, nakalimutan na hindi niya rin pala ako nakikita.

"Opo." Sagot ko at nilapitan siya. Humawak ako sa braso nito.

"Huwag mo akong hawakan sa braso, baka may ibang makabangga o makaramdam sayo. Dumikit ka lang ng kaunti sa aking likuran. At huwag kang gumawa ng ingay o magsalita."

"Sige po."

Nang tuluyang na kaming makalabas ng normal na naglakad si Elora at sumunod naman ako sa likuran niya. May nararamdamn akong kaunting kaba, pakiramdam ko kasi parang kahit anong oras may makakita sa akin kahit na invisible naman ako.

Pababa ng hagdan ay nakita ko naman si Henry na paakyat sa taas. Napatigil ang paningin nito sa banda ko, namin. Agad na nagtago ako sa likuran ni Elora kahit hindi naman ako makikita nito.
Tumigil ito sa gilid namin kaya agad na yumuko si Elora at binati ito. "Magandang hapon po, Kamahalan.

"Oh, Elora bakit nandito ka? Akala ko ba ay sasamahan mo muna si Zahra sa silid niya.?" nagtatakang tanong niya.
"Inutusan po ako ng reyna na asikasuhin muna saglit ang mga bulaklak para sa sermonyas mamaya." Magalang na sagot ni Elora.

"Oh, alright. Pupuntuhan ko na lang siya sa kanyang silid." Kinabahan ako sa sinabi nito. Pipigilan ko sana, mabuti na lang at naunahan ako ni Elora.
"Kamahalan, kailangan po daw niyang mapag-isa muna. Kaya po ako lumabas muna ng kanyang silid." Napungoso naman si Henry ng marinig iyon.

"Alright, hahayaan ko muna siyang mapag-isa." Pabalik na bumaba at nauna na siya sa amin.

Mahinang napabuntong hininga ako. " Muntik na 'yon." Bulong ko Elora.

Hindi ito sumagot at nagpatuloy lamang sa paglalakad. Marami kaming nakasalubong na mga tagasilbi, bumabati halos kay Elora. Nang makarating na kami sa harap ng malaking pinto ay may nakabantay na dalawang gwardya sa mismong pintuan at iba ay nasa iba't ibang sulok ng palasyo.

"Utos ng mahal na reyna na tignan ang mga bulaklak sa bulwagan para sa sermonyas mamaya." Yumuko naman ang dalawa at binuksan ang pintuan.
Agad na dumikit ng kaunti sa likuran ni Elora, ngunit sa hindi inaasahan ay naapakan ko ang sandalya ng suot ni Elora kaya napatigil ito.

Mabuti na lang at napaatras ako ng kaunti, ngunit nangilabot ako ng nasa kay Elora ang atensyon ng dalawang gwardya.

The Evil's BiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon