Kabanata 3

83 30 0
                                    

Black Rose

Nagising ako mga alas singko y medya na may maraming katanungan sa aking isipan at medyo kumakalam ang aking sikmura. Hindi ko batid kong paano ako napunta sa making higaan na wala naman akong maalala na nakauwi ako kagabi. Ang tanging naalala ko lamang ay yung nagbibisekleta ako sa gitna ng daan pauwi sa aming bahay ngunit bigla na lamang hinigop ng kadiliman ang making dinadaanan. Marahil ay panaginip lamang iyon! Kaya nagpasya na lamang akong bumangon dahil may pasok pa kami ngayon. Araw ng biyernes ngayon at huling araw na ito ng aming klase. Kaya kahapon ay naging abala ang mga nasa ika-12 na baitang sa pagpasa ng mga requirements dahil sa lunes ay graduation na namin.

Nang matapos na ako sa pagligo, pagbihis o ano pang daily routine ko sa umaga ay nagpasya na akong lumabas at bumaba galing sa aking kwarto.

Nang makababa na ako ay nagtungo ako sa kusina at nakita kong naghahanda ang aking lola ng almusal sa lamesa.

"Magandang umaga La!" Bati ko kay lola at niyakap siya galing sa likuran.

Napatigil si lola sa ginawa ko kaya dahan-dahan niyang inalis ang aking braso na nakayakap sa kanya. "Oh sya! Umupo kana at mag-almusal baka mahuli ka pa sa klase hindi ka pa nakapaghapunan kagabi! " striktang saad ni lola. Pero kahit may pagkastrikta si lola may pagkamalambing din naman siya pero minsan lang. Malamig palagi aura niya kaya hindi na ako magtataka na ganun ako minsan kasi namana ko yun galing sa kanya.

Habang kumakain ako ng pandesal na sinawsaw sa kape ay may sumagi sa aking isipan.

"Lola? May itatanong lang po sana ako sayo. " ang nasa isip tanong ay yung kagabi.

"Ano ba yun Rosa? " seryosong saad ni lola ngunit ang atensyon nito ay nasa pagkain.

"A-ah.. Paano po ako nakauwi kagabi? " Nakamot ako sa aking ulo kahit wala namang makati.

"Bakit mo ba ako tinatanong apo? Syempre nakauwi sakay ng iyong bisekleta kagabi hindi ka na nga naghapunan at dumiretso sa kwarto mo dahil inaantok ka." At nasaakin na ang atensyon niya. Hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip ng aking lola ngayon. Pakiramdam ko kasi may hindi tama sa nangyari kagabi.

"A-ah h-hindi ko po kasi maalala kung paano ako nakauwi lola eh. Baka sa sobrang pagod at pag-iisip ko sa mga requirements kahapon kaya lutang yung isip ko. Hindi ko maalala kung paano ako nakauwi." kaya pala kumalam sikmura ko kanina paggising ko kasi hindi ako nakapaghapunan.

"Kaya nga ilang beses kita sinabihan na hindi ka magpapagabi ng uwi dahil kung ano-ano naiisip mo pagkaumaga dahil hindi mo maalala kung paano ka nakauwi. Kumain ka na. Huwag na natin itong pag-usapan. Mahuhuli kana sa klase. "

I sigh. Hindi lang naman ito ang unang beses na nagabihan ako ng pag-uwi. Ngunit ang pinagtataka ko lamang ay palagi kung hindi naalala kung paano ako nakarating sa bahay. Tapos may napapaginipan akong mga bagay o pangyayari na hindi pangkaraniwan. Hays! dapat nga talaga sumunod na ako sa sinasabi ni lola na hindi ako magpapagabi ng uwi.

Matapos akong kumain at magsipilyo ay dali-dali akong pumasok sa aking kwarto para mag-ayos ng kunti at lumabas ng bahay. Hindi na ako sumuot ng aking uniporme dahil huling araw na naman ito ng pasukan. Kaya nakasuot lamang ako ng plain gray T-shirt, maong jeans at sneakers na nabili ko sa ukay-ukay ng nakaraang araw.

"Lola! Aalis na po ako! " malakas na saad ko kaya lola na nagdidilig ng mga halaman sa aming bakuran. Napatango na lamang si lola. Hindi lamang ito lumingon sa akin.

Bitbit ang aking maliit na backpack ay nagtungo ako sa aming maliit na kubo malapit sa bahay para kuhanin ang aking bisekleta. Nang biglang may dumaan ng malamig na hangin sa aking likuran kaya napalingon ako ng walang dahilan. Wala naman akong nakitang kung ano sa aking likuran kaya napailing na lamang ako sa aking sarili. Praning na ata ako.

The Evil's BiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon