Kabanata 21

14 0 0
                                    

Blood

Hindi ko alam kung saan ba 'ko dadalhin ng lalaking karga ako, baka itapon ako nito sa kung saang lupalop. Huwag naman sana.

"Tsk..." Rinig kong buntong hininga nito.

Nakayakap pa rin ako sa kanya at nakasiksik ang mukha ko sa leeg nito. I even smelled his rose scent, nakaramdam tuloy ako ng hiya. I felt embarrassed. Binalingan ko ito saklit, I saw a smirked formed on his lips.

Ang lamig niya... Pero mukhang hindi naman siya masama. Hindi dahil sa may itsura siya, nararamdaman ko lang na may Mabuti sa kalooban nito.

Stop it, Zahra! Walang mabuting nilalang sa mundong ito! Saway ko sa sarili ko sa isipan.

Ilang sandali pa ay naramdaman kong huminto sa paglalakad ang lalaking karga ako.

"Zahra..." Boses iyon ni Lola.

Kaya agad inilayo ko ang aking mukha nakasiksik sa leeg ng lalaki. Akala ko itatapon niya ako. Binalik lang pala ako rito.

Nasa harap na pala kami ng silid kung saan ako nanggaling kanina. Nakabukas ang pinto ng silid at nakatayo roon si Lola.

Agad naman itong yumuko at binati ang lalaking karga-karga ako.

"Paumanhin Kamahalan sa katigasan ng ulo ng aking apo." Nakayuko pa rin na saad ng aking lola.

"Cook something for her." Malamig na utos nito. Tumango naman si Lola.

"Kamahalan ako na ho ang hahatid sa apo ko sa loob." Alok ni Lola.

Hindi sumagot ang lalaki at dire-diretsong pumasok sa silid habang karga pa rin ako sa mga bisig niya. Diretsong itong tumungo sa kama. Akala ko ay maingat ako nitong ilalagay sa kama. Mali ako.

Pagkarating sa kama ay walang ingat niya akong binitawan. Naglakad na ito patungo sa nakabukas na pintuan ng silid. Mabuti na lang at malambot ang kama kaya hindi sumakit ang katawan ko pagkalapag sa kama. Kung hindi malambot iyon ay baka nabalian na ako ng spinal cord. Walang modo. Binabawi ko na ang sinabi ko kaninang may kabutihan siya sa loob.

Mas mabuti pa si Sebastian sa kanya- sandal... sino ng ba nag lalaking ito?

Magtatanong n asana ako nang tuluyan na itong lumabas sa silid at malakas na sinara ang pinto. Nagulat ako sa lakas ng pagkasara nito na nagdulot ng malakas na bagsak na tunog.

Anong problema ng lalaking 'yon?

Sino kaya siya? Kamahalan ang tawag ni Lola sa kanya. Anak kaya siya ng Hari rito?

Hays. Ano ba 'tong buhay ko. Hindi ko alam kung totoo ba lahat ng 'to. Sana panaginip lang lahat ng ito. Gusto lang naman ng simpleng buhay, hindi 'yong ganito. Tsk.

Ilang sandali pa ay may kumatok ng tatlong beses sa pintuan. Bumukas iyon at pumasok si Lola na may tulak-tulak na troli ng pagkain.

Nilapag nito ang maliit na mesa sa kama at nilagay ang nakatakip na pagkain.

"Zahra, kumain ka na apo. Nagluto ako ng sopas para sayo, ilang araw ka na kasing tulog kaya naghanda ako ng makakain mo. Saktong naghanda ako kanina bago ka nagising."

Binuksan ni lola ang takip.

Sumalubong sa akin ang mainit na sopas at ang amoy nito. Iba ang amoy ng sopas, hindi ko alam. Sopas ba talaga 'to? Hindi ako natakam o nakaramdam ng kung ano mang pagkagutom sa sopas.

Kinuha nil ola ang kutsara ang sumandok ng sopas at isinubo sa bibig ko. Marahan na itinulak ko ang kamay nito na hawak ang kutsara.

"Hindi po ako gutom, lola."

"Kailangan mong kumain, Zahra. Ilang araw ka ng walang kinain, magkakasakit ka niyan." May pag-alala sa boses niya kaya mahina akong napabuntong hininga.

"Ako na po." Kinuha ko ang kutsara sa kamay nito at sinubo ang sopas.

Nang maisubo ko na ang sopas ay nalasahan ko ang kakaibang las anito. Hindi ko mapaliwanag ang lasa ng sopas, nakaksuka. Pero pinilit ko itong lunukin.

Nakatatlong subo na ako.

Susubo pa sana ulit ako nang bigla akong nakaramdam ng pangangati sa aking lalamunan. May naramdaman akong unti-unting pamamanhid sa aking tiyan. Parang aangat lahat ng nilunok ko.

"Zahra... apo. Ayos ka lang?" Nag-alalang tanong ni Lola.

Napaubo na ako sa sobrang kati ng aking lalamunan.

"Tu-tubig..." Nanginig na sabi ko.

Agad namang inabot ni Lola sa akin ang tubig. Nanginginig ang aking kamay habang hawak ang baso. Tinulungan naman ako ni lola na hawakan iyon.

Naubos ko ang isang basong tubig, pero wala pa ring nagbago sa aking nararamdaman ngayon. Sobrang kati ng lalamunan at loob ng katawan ko ay tila namamanhid.

Nangangati na rin ang aking balat.

Hindi ko na alam kung anong tinatanong at sinasani nil ola dahil namamanhid na ang aking katawan.

Biglang napasuka ako sa harap ng maliit na mesa. Hindi ko alam kung dugo na ba ang naisuka ko dahil gustong-gusto kong ilabas lahat ng kinain ko.

Malakas kong itinabig ang maliit na mesa sa aking harapan. Parang gusto kong manira ng kung ano dahil hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon.

Marahas kong kinamot ang aking balat, hindi ko rin sigurado kong pati ang aking kasuotan ay napunit ko na.

May naririnig akong umiiyak sa aking tabi, nagsasalita ng kung ano pero hindi ko maintindihan.

I need help.

May naramdaman akong humawak sa aking magkabilang pulso ko. Ngunit nilalabanan ko iyon dahil gusto kong kamutin ang buong katawan ko.

Help me please.

Nanghihina na ako.

"Hold her"

"Rose, drink." Hindi ko alam ang sinasabi nito dahil namamanhid na ako.

May kung ano itong tinapat sa aking bibig. I don't what it was, but I loved the smell of it.

May lumapat na likido sa aking bibig, tinikman ko iyon. It tasted like a sweet like a fine wine, a rare wine.

Hindi ko mapigilan ang aking sarili sinipsip ko iyon. Bumitaw na rin ang pagkakahawak sa aking magkabilang pulsuhan.

Ang likido ay unti-unting pumasok sa aking sistema at unti-unti ring nawawala ang pamamahid at pangagati ng aking katawan.

Ngunit, hindi ko pa rin tinigilan ang pagsipsip ang pag-inom ng likidong iyon. Animo'y uhaw na uhaw ako sa klase ng likidong iyon.

Ilang sandali pa ay natigilan ako sa pagsipsip nito nang na ang pangangati at pamamanhid na naramdaman ko.

Naitulak ko ang pulsuhan nito na hawak-hawak ko.

"What did she eat?" Tanong ng lalaki kay lola.

"S-sopas, Kamahalan."

"Does that food have salt? Or garlic?"

"Mayroon ho, Kamahalan." Nalayukong saad ni lola.

I saw him smirked. Again.

Para bang may magandang narinig.

"A-anong ginawa mo?" Tanong ko sa kanya.

He smirked and shrugged at me. Binaling ko ang aking paningin sa kanang pulso nito. Wala na ang kanyang sugat.

"I helped you, because you asked for help?"

"W-what?! That was blood... your blood,"

Naguguluhan akong bumaling kay lola na nakatayo sa gilid.

"Lola?" I expect her to say something, but she stayed silent.

"Leave us." Utos ng lalaki sa aking lola.

"No!" Tatayo na sana ako para pigilan si lola. I want her to explain everything to me.

"I can explain everything to you."

The Evil's BiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon