Kabanata 5

66 27 0
                                    

Domenico

I was little bit uncomfortable when  the two prince introduced their selves to me.

"I'm Edward Stefan Domenico.. The second prince of Vlademort. It's very pleasure to meet you Rosalind." Hinawakan niya ang aking kamay at hinalikan ito. Napakalamig ng kamay nito at pati na ang labi nitong humalik sa aking kamay.

"My name is Henry Casper Domenico.. The third prince." Tipid na pakilala nito at hinalikan rin ang aking kamay.

"It's nice to meet you too.. Princes of Vlademort." Naiilang na yuko ko sa kanila.

Matapos ay biglang nasa harapan ko ang hari? Sandali? Hindi naman siguro siya ang unang prinsepe na tinutukoy ng dyosa diba?

"I'm Alessandro Vlademort Domenico... King of Vlademort." Hinalikan niya rin ang aking kamay. Ganyan ba talaga sila magpakilala? So hindi siya ang first prince diba? Kasi hari siya. Pero sa nababasa kung kwento tungkol sa mga prinsepe at hari ay ang unang anak ang magiging hari... So...

"Hindi namin isinama ang unang prinsipe dahil malubha ang kalagayan nito. At kailangan mong sumama dahil ikaw lang ang makakatulong sa anak ko." Kwento nito.

"Po?.. Hindi naman po ako isang manggagamot na kayang gumamot ng may sakit. Isa lamang po akong normal na tao.. k-kamahalan." Sabay yuko.

"Ngunit ikaw ang nakatadhana para sa aking anak at ikaw lamang ang makakatulong sa kalagayan nito." Seryosong sabi nito.

Naguguluhan man ngunit kailangan ko ngayon ay makita at makasama ang aking Lola.

"Sasama ako, basta't tulungan niyo akong mahanap ang aking Lola." Paghihingi ko ng tulong sa kanila.

"Makakaasa sa amin Rosalind, tutulongan ka namin dahil kasama ka na sa pamilya namin." Sagot ng ikalawang prinsepe na si Edward.

"Kami ng bahala maghanap sa iyong Lola. Makakaasa ka sa amin." Ang ikatlong prinsepe.

"Maraming salamat." Sabay yuko ko.

"Huwag ka munang magpasalamat. Magpasalamat ka na sa oras na makuha na namin ang iyong Lola galing sa dumukot sa kanya. Ngayon ay sasama ka na ba sa aming kaharian?" Nang marinig ko ang tanong na iyon sa hari ay nagdadalawang isip ako. Mapagkakatiwalaan ko ba sila? Ngunit kailan mahanap si lola... Siya na lang ang pamilyang meron ako. Makakaasa ba ako sa kanila?

"Just trust us." Rinig kong sabi ni Edward. Kaya napatingala ako dito ngunit hindi ko man lang mabasa kung nasa isipan nila ngayon.

"Okay, sige sasama na ako." Kailangan ko sila para mahanap ko si Lola.

"Here we go." Bigla na lamang akong hinila ni Henry. Palabas kami ng bahay papuntang kagubatan.

"Henry, let her go." Malamig na tugon ni Edward sa ikatlong prinsepe.

"Woah? Wala naman si Kuya dito ha? I just want us to be friends. You want me to be your friend Rosalind?" Ramdam kong baling nito sa akin ngunit hindi ko pinansin. Hawak parin nito ang pulsuhan ko ngunit hindi naman ito ganoon ka higpit.

"Silence means yes." Sabi nito.

"Tsk." Rinig kong singhal ni Edward.

Napahinto kami ng huminto na ang dyosa sa isang malaki at napakataas na puno. Bakit parang pamilyar ito sa akin? Tiyak akong nakita ko ito sa aking panaginip.

Hinaplos ng dyosa ang kanyang kamay sa katawan ng puno. At dahan-dahan may lumitaw na kulay asul na gaya ng tubig sa dagat ngunit para rin salamin dahil sa hugis bilog ito at makikita mo ang iyong kabuohan. Biglang pumasok dito ang dyosa kasunod nito ang hari. Sumunod rin si Edward. Hihilahin na sana ako ni Henry nang maramdaman nitong hindi ako gumalaw.

"Don't say you're afraid of going inside that portal?" Tanong nito na may pagkamangha.

"No." Mahinang sagot at nagpahila na lang sa kanya.

Nang papasok na kami ay nabitawan ko ang kamay nito ng naramdaman kong bigla akong nakaramdam ng hilo. Parang hinigop ang aking katawan sa kung saan at pagmulat ko ng aking mata ay bigla akong nakaramdam ng lamig. Muntik na sana akong matutumba ng masalo ako ng isang braso. Napatingala ako ng makita kong si Henry iyon. Kaya napaayos ako ng tayo.

"Here, wear this." Sabay lahad nito ng itim at mahabang kasuotan. Pagkasuot ko nito ay pinagmasdan ko ang paligid. Medyo madilim na at parang maggagabi na ata dito. Napansin kung maputi ata ang lupa dito at napansin ko ang mga kahoy ay nababalutan ng mapuputing lupa? Wait...

Napahinto ako ng maramdaman kong sumasakit ang aking paa at parang naninigas ito sa.... Lamig!

"Are you okay?" Baling ni Henry sa akin. Nasa unahan na pala ito.

"N-Namamanhid yung paa ko!" Sigaw ko sa kanya!

Narinig kong mura nito at nagtungo sa akin. Bigla niya na lamang akong binuhat sa kanyang bisig.

"Hindi niyo sinabi sa akin na umuulan pala dito ng yelo. Nakaflat sandals lang ako." Saad ko sa kanya.

"Sorry." Tanging sagot lamang nito.

Napagtanto ko na ang tanga ko sa part na sinabing nakasandals lang ako, e hindi ko naman inasahan na makarating ako sa lugar na ito.

"Malayo pa ba yung palasyo niyo?" Tanong ko.

"Malapit na. Matulog ka muna. Gigisingin na lang kita mamaya."

"Ayaw ko. Maglalakad na lang ako baka sobrang bigat ko at mapagod ka." Ibaba ko sana yung paa ko ng pigilan niya ako. Doon ko lang napansin na kami na lang pala dalawa ang naiwan. Nasaan na kaya sila? Bakit iniwan kami?

"Nasaan na sila? Yung dyosa?" Nagtataka kong tanong.

"Bumalik na ang dyosa sa kaharian nila." Tipid na tugon nito.

"Yung Hari at kapatid mo? Ang bilis naman ata nilang..." Hindi natapos ang aking sasabihin ng makaramdam akong ng hilo at biglang hinigop ng kadiliman ang aking sistema.

Nagising ako bigla ng naramdaman kong malambot ng higaan. Nang tuluyan kong naimulat ang aking mata ay inikot ko ang aking mata sa paligid. Narito ako sa isang silid kung saan may mga candle sconce sa pader. Ngunit hindi ito ganoon ka kaliwanag sa loob. Napalingon ako sa mesa na malapit sa kama may candelabra dito. At may isang candle chandelier rin dito sa kwarto. Puro antique yung desinyo ng kwarto. Para itong kwarto sa napakalumang mansyon. It's like century ago.

Napasyahan kong bumangon at lumabas ng kwarto. Paglabas ko ay napalingon sa magkabilang direksyon. Napahaba ata ng pasilyo ng mansyon na ito. Medyo naninidig na ang aking bahalibi dahil parang nasa palabas ako sa telebisyon na kung saan nasa abandonadong mansyon. Ang pasilyo ay may mga candle chandelier at may mga sconce rin. Hindi ko alam kung saan ako patungo. Sa kaliwa ba o sa kanan? Nasaan ba sila.

Bigla akong nagulat ng may marinig akong kalampag kaya napalingon ako sa kanan dahil doon nanggagaling ang kalampag. Baka doon ang daanan palabas ng pasilyo. Habang naglalakad ay napansin kung maraming mga kwarto pala dito. Hindi parin tumigil ang kalampag at napatigil ako ng nasa pinakahuli na ako ng pasilyo.

May isang pintuan kung saan may kumakalampag dito. Medyo nakaramdam ako ng takot kaya napaatras ako. Aalis na sana ng may marinig akong tumawag.

"Rose...." Napalingon ako sa paligid ko ng wala naman akong nakita. Kaya napabalik ang tingin ko sa isang pintuan kung saan doon nanggagaling ang kalampag kanina.

Kaya lumapit ako sa pintuan. Kinabahan man ay pinihit ko ang seradura ng pinto ng tumunog ito at naramdaman kung hindi ito nakakandado.

Nang itulak ko ang pinto ay bigla na lamang may humilang kamay mula sa loob at biglang bumagsak pasarado ang pinto. Biglang tumibok ng malakas aking puso kaya napapikit ako.

"Don't be afraid.."


*A/N: Votes or Comments are deeply appreciated. Thanks for reading ❤️!*

The Evil's BiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon