Kabanata 2

87 33 0
                                    

Fangs

Lagpas alas singko na ng pauwi ako sa aming bahay. Medyo malayo kasi ito sa eskwelahan na aking pinag-aaralan. Habang nagbibisekleta ako pauwi galing skwelahan ay may naramdaman na naman akong kakaiba na parang may nakamasid sa akin.

Hindi ko na lamang ito pinansin at mas binilisan ko ang pagpedal ng bisikleta dahil makulimlim na at baka mapagalitan ako ng aking lola dahil delikado ang daan pauwi sa amin dahil medyo magubat na ito. Nang bumilis na ang pagtakbo ng making bisikleta ay biglang lumakas ang hangin. Ang mga nagtataasang mga puno na aking nadadaanan ay sumasayaw kasabay ng malakas na hangin.

Ngunit hindi ko na pinansin iyon at tumingin nalang ako diretso sa aking dinadaanan. Dahil medyo madilim na nga ay medyo takot na din ako dahil naalala ko ang sabi sa akin ng aking lola.

"Kahit anong mangyari ay huwag kang magpapagabi sa daan dahil baka magalit siya pag may masamang mangyari sa iyo at hindi niya iyon magugustuhan. " iyon ang sabi sa akin ni lola nong nakaraan. Ngunit sino naman yung tinutukoy ni lola na 'siya' eh dalawa lang naman kami sa bahay.

Habang naisip ko iyon ay may narinig ako na parang nabali na kahoy. Ngunit hindi ko na pinansin pero bigla na lamang akong natumba ng may mabangga akong poste? Puno? Pero bago pa masagot ang katanungan na iyon sa aking isipan ay bigla na lamang akong kinarga ng isang medyo matangkad ay kalakihan na tao. Isa itong lalaki! Bigla niya lamang akong binaba at tinulak sa malaking puno.

"Argh!" Napadaing ako sa sakit dahil malakas ang pagkatulak niya sa akin sa puno. Pakiramdam ko nabali ang buto ko sa likod. Sinakal niya ako at ramdam ko na ano mang oras ay mapuputulan na ako ng hininga. Hindi pwedeng mamatay ako ng ganito. Kaya kahit nahihirapan ay sinubukan kong itulak ang lalaki sa aking harapan ngunit sa kasamaang palad ay malakas ito at di ko siya kaya. Hindi ko masyadong makita ang kanyang mukha hindi dahil sa makulimlim na kundi dahil sa mahabang buhok nito.

"P-para-ng a-awa po! 'Wag ni-yo a-kong p-patayin. " pagmamakaawa ko kahit basang basa na ng luha ang aking mata at pisngi at nahihirapan na rin. Itinulak ko ang mukha ni ng simula niyang amoyin ang aking leeg.

"Hmm. Naamoy ko ang mahalimoyak na amoy ng iyong dugo. " bulong nito na malademonyo ang boses.

Nagsitindigan ang aking balihibo ng marinig iyon at biglang may naramdaman akong matalim na bagay sa aking leeg. Pero bago iyon bumaon ng tuluyan ay nabitawan ako bigla ng lalaki na nasa aking harapan kaya natumba at bumagsak sa lupa. Napahawak ako sa aking leeg at napaubo ako dahil mukhang nawalan ako ng hangin sa aking katawan. Kahit na medyo lumalabo ang aking paningin ay inaninag ko kung sino ang humila sa lalaking nasa aking harapan. Kahit nanlalabo ang paningin ay napansin ko na hindi sila normal. At nagpatigil sa akin ay yung kinagat ng mas matangkad na lalaki yung lalaking sumakal sa akin kanina.

Pinilit kung tumayo kahit na nahihirapan ako. Gusto kong makalayo sa lalaking nasa harapan ko. Baka kung ano ang gagawin niya sa akin. Baka mas higit pa ito sa lalaking pinatay niya kanina.

Nang makatayo na akong ay pinilit kung tumakbo palayo kahit na nahihirapan. Medyo humapdi na ang aking leeg. Hindi ko alam kung anong tinurok nung lalaki na tila ba natutuyo ang lalamunan ko.

Habang tumatakbo palayo ay nilingon ko ang nasa likuran ko kung nakasunod ba ang lalaki. Kaya nagpatigil ako ng wala akong nakita na nakasunod. Ngunit nang magpatuloy ako ay hindi ko inaasahan na may nabangga ako.

Umakyat ang kaba sa aking dibdib dahil alam kung tao ang nabangga ko. Dahil sa malakas na impact nito naramdaman kung matutumba ako. Dahil rin siguro nahihilo ako.

Sinalo ako nung lalaki. Lalaki gusto ko mang itulak siya pero hindi ko nagawa dahil nanghihina ang katawan ko. Ang tanging naramdaman ko na lang ay ang pagkagat nito sa leeg na tinurukan ng kung ano ng lalake kanina.

"Ahhh!" Napasigaw ako sa sakit dahil parang hinihigop nito ang buong pagkatao ko. Ngunit ng matapos siya ay nakaramdam ako na parang unti-unti nawawala ang panunuyo ng aking lalamunan at ang aking pagkahilo. Unti-unti ring luminaw ang aking paningin kaya tinignan ko ang lalaking nakayakap sa akin. Hindi ko parin maaninag ang kanyang mukha dahil medyo madilim pero nakakasiguro sa nakikita kong kulay ng kanyang mata. Ginto!

Ngunit ang mas hindi ko inaasahan ay ang paghalik nito sa aking labi. At pagkatapos ay sinambit niya ang pangalang ayaw kung marinig sa buong buhay ko.

"Sleep tight my beautiful Rose." At unti-unti ng hinigop ng kadiliman ang paligid.

A/N: Votes or Comments are deeply appreciated. Thanks for reading ❤️!

The Evil's BiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon