Kabanata 18

20 2 2
                                    

Wolves

Pigil hininga akong napaangat ng tingin sa dalawang gwardya. Seryosong nabaling ng tingin ang dalawang gwardya kay Elora. Ngunit iniwas din at umayos na sa kanilang pagkakatayo sa kanilang pwesto.

Mabuti na lang at hindi nila napansin ang kakaibang kilos ni Elora.

Nagpatuloy ng naglakad si Elora palabas ng pintuan ng kastilyo. Nang makalayo na kami ay lumiko si Elora sa kanang bahagi kung saan walang ibang dumadaan na mga tagasilbi o gwardya.
Huminto ito, kaya napahinto rin ako. "Dito ka dumaan, diretso patungo sa outer gate ng kastilyo." Turo nito sa daan patungo sa gate house ng kastilyo.

Yinakap ko naman si Elora, alam kong hindi niya ako nakikita pero kahit papaano ay nararamdaman niya ako.
"Salamat, Nanay Elora." Tumango naman ito at ngumiti. Hinawakan ko ang kanyang kamay.

"Mag-iingat ka. Nasa labas ng kastilyo ang kuneho. Hinintay ka. Kaya huwag kang gumawa ng ingay o kung anong kilos na makakaagaw ng pansin sa mga tagadito sa palasyo." Lumingon naman ito sa magkabilang direksyon para masiguradong walang ibang makakita sa amin.

"Opo, maraming salamat po. Kung hindi dahil sa inyo, hindi ko alam kung may lakas na loob pa ba akong gawin ito."

"Walang anuman, apo ka ng aking kapatid at gaya niya may mabuti ka ring kaluoban. Sige na, umalis ka na. Tatlong oras lamang ang epekto ng salamangkang gamot na iyong ininom. Pakisabi na lang kay Ate Aurelia na kinakamusta ko siya."

"Makakarating po." Bumitaw na ako sa pagkakahawak kay Elora. Sakto namang may dumating na tagasilbi kaya lumayo na agad ako.

Habang naglalakad patungo sa sinasabi ni Elora na outer gate ng palasyo ay may nakakasalubong akong mga tagasilbi na may dala-dalang mga bulaklak at kung ano-ano pang mga inihanda nila para sa sermonya para mamaya. Napahawak ako sa aking puso. Naalala ko si Sebastian. Ano kayang mararamdaman nito kapag nalaman niyang tumakas ako? Alam kung may mabuti bampira si Sebastian ngunit hindi ko kayang magtiwala sa kahit sino sa mga Domenico.

Napailing ako sa sarili kong tanong. Hindi ko na dapat isipin iyon dahil nakapagpasya na akong umalis sa palasyong ito.

Sobrang abala ang mga nakakasalubong ko kaya iniwasan kong mabangga ang sarili ko sa kanila. Tumakbo na ako palayo sa mga iyon.
May mga gwardya sa kahit saang sulok na nadadaanan ko. Ngunit hindi ko na iyon pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

Nang makarating na ako sa harap ng gate house ng palasyo ay napatigil ako ng mapansin na nakasara ito at may mga gwardya na nakabantay. Paano kaya ako makakalabas nito?

Luminga ako sa magkabilang direksyon, nagbabasakali na may ibang madadaanan. Ngunit wala. Lumapit ako ng kaunti sa gate kung saan nakatayo ang mga gwardya?

Habang nag-iisip ng kung anong posibleng gawin ay may biglang lumapag na bote na may usok sa aking harapan galing iyon sa labas. Napatakip agad ako sa aking ilong.

Agad na naalerto ang mga gwardya at binuksan ang gate. Kaya sumabay ako sa paglabas nila. "Hanapin niyo kung saan nanggaling iyon!" Sigaw ng isang gwardya ngunit hindi na ako nag-atubiling lumingon.

Tumakbo ako ng mabilis hanggang sa nasiguro kung malayo na ako sa palasyo ay tumigil ako sa pagtakbo. Bigla kong naalala si Bucky.

Nasaan na kaya 'yong kunehong 'yon?
"Bucky?" Tawag ko sa mahinang boses habang naglalakad. Nakarating na ako sa lugar kung saan nagtataasang mga kahoy ngunit hindi ko pa nakikita si Bucky.

Hindi kaya, hindi niya na nakalabas na ako?

"Bucky?!" Nilakihan ko ang aking boses ngunit wala pa ring sumasagot.
Napatingin ako sa aking kamay, ngunit hindi ko parin ito nakikita. Siguro matagal pa mawawala ang bisa ng salamangka.

Mag-iisang oras na ata akong naglalakad, hindi ko alam kung saan ako patungo. "Nasaan na ba kasi ang kunehong 'yon?!"

Napakamot na lamang ako sa aking batok. Biglang humangin ng malakas at nakikita kong sumasayaw ang mga sanga ng kahoy. Naalala ko na naman si Sebastian.

Alam na kaya nila na wala ako sa palasyo? Tumigil ako sa paglalakad at lumingon sa aking dinaanan kanina. Hindi ko napansing kanina pa pala ako naglalakad sa gitna ng kagubatan. Matagal din akong nakarating sa bahagi ng lugar na ito. Dahil sobrang layo ng palasyo sa gubat na ito.

Nakakaramdam na ako ng sakit sa aking paa kaya naghanap ako ng mauupuan. Nang makakita ako ng malaking ugat ng puno ay nagtungo ako roon at umupo.
Tinanggal ko ang aking sandalya at pinisil-pisil ang aking paa. Medyo namumula na ito dahil kanina pa ako naglalakad.

Napatigil ako sa pagpisil ng mapagtanto kong nawala na ang bisa ng salamangka. Napatingin naman ako sa aking kamay at sa buo kong katawan. Mabuti na lang at malayo na ako sa palasyo.

Iginala ko ang aking paningin sa lugar kung nasaan ako. Napapalibutan ako ng mga naglalakihan at nagtataasang mga kahoy. Nasa Vlademort pa ba ako?
Tumigil na ako sa pagpisil sa aking kanang paa at Isa naman ang hinihilot ko. Tuluyan ng tnanggal ko ang sandalya sa dalawa kong paa. Ako kaya ang gagawin ko ngayon? Hindi ko alam kong saan ako patungo nito.

May narinig akong kaluskos sa kung saan kaya iginala ko ang aking paningin sa magkabilang direksyon ngunit wala akong nakita. Tanging pagsayaw lamang ng mga sanga ng kahoy ang nakikita ko. Siguro roon galing ang kaluskos.

The sky was slowly getting darker so I decided to put on my sandals. While wearing it I suddenly heard the howl of a wolf. Not just one howl but two, three.
Nakaramdam ako ng kaba kaya dali-daling sinuot ko ang aking sandalya at umatras ako patungo sa malaking puno para magtago.

Lumingon ako sa aking paligid. Ang kulay ng langit at ulap ngayon ay kulay kahel na parang may pagkapula. Habang umaatras patungo sa malaking puno ng ugat na aking inupuan ay naririnig ko ang mga yabag. Mabilis kong dinikit ang likuran ko sa malaking puno.

Hindi pa naman gaano kadilim sa mga oras na ito. Wala na ang mga yabag na narinig ko. Kaya sumilip ako para tingnan. Pigil hininga ako ng makitang dalawang malalaking lobo malapit lamang sa puno na pinagtataguan ko. Kaya nakabalik ako ng pagtago at sinubukang hindi gumawa ng kahit anong ingay.

Gusto kong tumakbo palayo ngunit nandito lamang sila sa likuran ng punong tinataguan ko. Huwag lang sana akong makita, baka maging hapunan ako ng wala sa oras. Hindi ko pa nakikita ang Lola ko.

Habang nakadikit ang sarili ko sa puno ay nakita ko sa aking harapan ang kaunting liwanag ng papalabas na kahel buwan. Gusto kong mang e-appreciate ang ganda nito ngunit naririnig ko ang mga yabag patungo sa pinagtataguan ko. Mga tuyong dahon ay naapakan nito. Nawala saglit ang ingay ng mga yabag nito.

Dahan-dahan akong lumingon ng magulat akong nasa nakatayo ito sa kanang bahagi ko. Nanlaki ang aking mata sa gulat, isang malaking lobo ang aking nakikita. Hindi ito lumingon sa aking pwesto. Ngunit rinig ko ang pagsinghot nito, na para bang inaamoy kung nasaan ang biktima nito.

It was as if I would lose my breath at any moment. I heard another wolf hovering in the far direction but that wolf ran away to the right. Somehow I felt relief.

Sumilip ako sa para makita kung wala na ba ito. Ngunit sa kasamaang palad sa mismong pagsilip ko ay nasa mismong harap ko ito.

"Ahh!" Napasigaw ako sa gulat at napaatras ako ng wala sa oras at natumba.

Glamoursilhouette: So sorry everyone, I know there are a lot of errors in grammar and typos in every chapter. I actually started this story 3 years ago, at masasabi ko na maraming flaws tong story ko. But I'll edit this once tapos ko na po ipost lahat ng chapters. I hope you'll understand. This story is still on-going. Marami pang kulang na chapters. Hindi pa ako sure how many chapters 'tong story kasi nahihirapan pa ako sa ending haha.

The Evil's BiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon