Kabanata 20

14 1 0
                                    

Reunited

    Nagising ako at biglang napabangon ng may naramdaman akong humaplos sa aking mukha. Saktong pagmulat ng aking mata ay bumungad sa akin ang hindi pamilyar na silid. Walang ibang tao sa loob ng kwarto kundi ako lang.

Bigla akong nanlamig nang maramdaman ko ang pag-ihip ng hangin mula sa nakabukas na malaking bintana. Umalis ako sa pagkakaupo sa kama at lumapit sa nakabukas na bintana.

Pagkaapak ko ng aking mga paa sa sahig ay napansin kong wala na ang mga sugat sa aking paa. At wala na ring masakit sa paa ko.

Nagtungo na ako sa nakabukas na bintana. Hinawi ko ang kurtinang nakaharang dito at saktong bumungad naman sa akin ang malamig na hangin.

Maulap ang kalangitan, tiyak ko'y uulan. Isasara ako na sana ang bintana nang napatingin ako sa baba, natigilan ako sa nakita. May isang taong nakatingin sa akin mula sa ibaba, nakaitim na balabal. Nakatayo lamang ito at hindi gumagalaw, parang estatwa. Hindi ko alam sigurado, pero ramdam kong nakatitig ito sa akin.

Sinubukan kong aninagin ang mukha nito pero hindi ko maaninag dahil nakatalukbong ito. Umiihip ang malakas na hangin kasabay nito ang mahinang patak ng ulan na siyang pumasok sa mata ko.

Napapikit ako at agad pinalis ko ang tubig ng ulan na pumasok sa mata ko. HInarang ko ang aking mga palad malapit sa aking mata para hindi pasukin ng tubig ulan.

Pagmulat ko ay wala na ang nakatayo roon na nakaitim na balabal. Nasaan na 'yon? Bakit pakiramdam ko parang pamilyar siya sa akin.

Sandali? Nasaan nga ba ako? Bakit ako narito? Nasa Orpheus na ba ako? Sa pagkakaalala ko ay tumakas ako sa palasyo ng mga Domenico, tumaka ako mismo sa araw ng kasal namin ni Sebas--

"Ahh-!"
Napahawak ako bigla sa aking ulo nang may biglang itong sumakit. Unti-unting lumalabo ang aking paningin at siya namang paglakas lalo ng ihip ng malamig na hangin.

Nahihilo man ay pinilit kong sinara ang bintana. Pagkasara ko nun ay hindi parin mawala ang sakit ng aking ulo na para bang pinupokpok iyon ng martilyo.

"T-Tulong..." Mahinang usal ko na nakaluhod ako ngayon sa sahig.

Nakapikit pa rin ako dahil sa sakit ng aking ulo, sinubukan kong imulat ang aking mga mata ngunit nanlalabo pa rin ito. Gusto kong pumanta sa kama, kahit namimilipit pa rin ako sa sakit.

Kumapa ako sa pader ng maaring mahawakan para sa suporta sa aking pagtayo. Nang may mahawakan akong tela, kaya hinila ko iyon.

Nanlalabo pa rin aking paningin ngunit pinilit kong tumayo ng maayos at naglakad patungo sa kama. Kahit nanghihina ay nilakasan ko ang aking loob, malapit na sana akong makarating sa paanan ng kama ng simiklab ang kirot at nakapagpahina sa akin lalo.

Ramdam kong matutumba na ako nang may naramdaman akong braso na umalalay sa bewang ko. Kaya napaangat ako ng tingin sa may-ari ng brasong iyon.

Una ay hindi ko maaninag ang mukha nito dahil nanlalabo pa rin ang paningin ko, pero hindi naman ako bulag. Nakikita kong malapit lang mukha nito sa akin. Ramdam ko rin ang hininga nito na tumatama sa aking pisngi.

I gasped when he suddenly carried me in his arms. In shock I hugged his neck, afraid I might fall. I could feel his cold skin in my thighs. I could even smell the familiar scent of fresh roses on him.

Gusto kong tanungin kung sino siya, pero walang salita na kusang lumabas sa aking bibig. Unti-unting nawala ang kirot na aking naramdaman sa aking ulo. At dahan-dahang niya akong binaba at sa kama, pero hindi pa rin natanggal ang pagkakayapos ng mga kamay ko sa leeg niya. 

Nakaangat pa rin ang paningin ko sa kanya hanggang sa unti-unting nawala panlalabo ng aking paningin.

A beautiful man staring coldly at me, his hair is a bit messy. Dark chocolate medium length hair, pale skin, dark blue eyes, thick eyebrows, red and pouty lips.  He looks like Sebas-

The Evil's BiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon