Kabanata 27

6 0 0
                                    

Embrace


I was again left alone in this dark room, feeling so hopeless.

I suddenly heard a creaking sound from the window.

I walked slowly to the window to see what was behind that creaking sound. As I pushed the curtain to the side, a black creature suddenly appeared. It was a black snake! And that creature was staring at me.

It wasn't a normal snake; this snake had a black diamond between its eyes.

It hissed at me.

Napaatras ako sa pag-aakalang tutuklawin ako ng ahas na ito.

"Nais mo bang lumayo sa lugar na ito?" Hindi ko inaasahan na magsasalita ang ahas na nasa aking harapan. Nakalimutan kong hindi normal ang mundong aking kinagagalawan.

"Alam kong hindi mo nais na maging kabilang sa mundong ito," dagdag pa nito na parang alam niya kung ano ang iniisip ko.

"Sino ka? At ano naman ang kailangan mo?" tanong ko.

"Sabihin na nating isang biyaya na makapagpalaya sa iyo mula sa makasariling mundong ito." Bigla itong lumapit sa akin at saglit pumulupot sa aking baywang.

"Wala namang espesyal sa iyo... Bakit kaya parang tila sila'y baliw kung ikaw ay pag-agawan?" dagdag pa nito.

Napakunot ang noo ko sa tanong nito. Tama siya, wala ngang espesyal sa akin. Bakit nga ba ako nasa mundong ito? Para saan ba? Ang hindi ko rin maintindihan ay ang aking lola.

"Alam mo ba kung bakit kami narito? Bakit nila kinuha ang lola ko?"

Bumalik ito sa nakabukang bintana at hinarap ulit ako.

"Dahil sa propesiya. Isang babae ang magdadala ng malakas na kapangyarihan. Ang kapangyarihan na iyon ay magdadala ng kapayapaan o marahil magdadala ng malaking kaguluhan sa mundo ng Ambrogio."

At hindi ako ang babaeng nasa propesiya.

"Hindi ako ang babaeng nasa propesiya, tama ba?"

Hindi ito sumagot. Bigla na lang itong umikot-ikot hanggang sa may nahulog na maliit na bote mula sa pag-ikot nito.

Isang maliit na bote na may lamang itim na likido.

"Kung nais mong manirahan sa mundo ng mga tao ng mapayapa, maaari mong inumin ang nasa loob ng boteng 'yan. Ibabalik ka nito sa mundo ng mga tao."

"Pero—" Hindi ko natapos ang aking sasabihin nang bigla itong lumabas sa nakabukang bintana.

"Huwag mong alalahanin ang iyong lola, hindi siya gaya ng iniisip mo." Pahabol saad nito at tuluyang naglaho na parang bula.

Sakto namang may kumatok sa pinto, kaya agad kong sinara ang bintana at tinago sa loob ng aking damit ang maliit na bote na binigay ng itim na ahas.

Binuksan ko ang pinto at hindi ko inaasahan ang bumungad sa akin.

"Sebastian?!" Basang-basa ang buhok nito, at may konting putik sa kanyang pisngi. Ngunit ang ekspresyon ng mukha nito ay hindi ko mabasa. His expression was blank.

"Let's go." Malamig na saad nito at hinila ako palabas ng pintuan.

Hindi ako makaisip ng itatanong dahil sa gulat, at nagpahila na lamang ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 23 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Evil's BiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon