Kabanata 4

78 32 1
                                    

Itinakda

Narito kami ngayon sa Sementeryo ng San Diego. Kasama ko ang aking lola na may dalang mga bulaklak.

"Ma, Pa andito na po uli ako." Sabay lagay ng bulalak sa puntod nilang dalawa, habang si Lola naman ay sumindi ng kandila. Hinaplos ko sa lapida ng aking mga magulang.

Nakaramdam na naman ako ng sakit sa aking damdamin ngunit kailangan kung tanggapin dahil matagal na iyon. Ngunit minsan ay hindi ko mapiligilan. Ako lang naman ang dahilan.

"Tila kay lalim ng iyong iniisip apo. Huwag mo nang sisihin ang sarili mo. Mas malulungkot ang magulang iyong magulang pagnalaman nilang ganyan ka." Saad ni lola niyakap ako habang nakaupo kami sa puntod ng aking magulang.

Biglang tumulo ang aking luha dahil sa yakap ng aking Lola. Nais kong mayakap din ang aking ina at aking ama ngunit wala na sila.

"Apo huwag mong ikulong iyong sarili sa pagsisi. Nandito naman ako nagmamahal sayo. Alam kong nanunuod ang iyong mga magulang. Masaya sila dahil dahan-dahan mong inaabot ang iyong mga pangarap para sa kanila at para sa sarili mo."

"P-Patawad Lola." Mahinang sabi ko dito.

"Hindi mo kailangan humungi ng tawad sa akin Apo. Sarili mo dapat ang iyong patawarin dahil buong buhay mo nagsisi ka sa mga bagay na hindi mo naman ginawa at sinadya. Kailangan mo din maging masaya apo. Kailangan mong tanggapin na wala na sila. Ngunit huwag mong kalimutan na kahit kailan hindi mawawala ang pagmamahal ng iyong magulang kahit nasa kabilang buhay na ang mga ito." Sabay haplos ni Lola sa aking mahaba na buhok.

"I love you Lola..." Sabay halik ko sa pisngi nito. "Pangako po lola subukan kong maging masaya. Mabuhay ka din ng mas matagal lola. Hindi ko po alam ang gagawin ko pag pati kayo mawala sa buhay ko." Sabay harap ko kay lola at hinawakan ang mga palad nito.

Tanging ngiti lamang ang isinukli ng aking lola. At biglang lumakas ang hangin at namatay ang kandila puntod ng aking mga magulang. Nanindig ang aking balahibo kaya mabilis akong tumayo at inalalayan ang aking Lola.

Ang kaninang maaraw na kalangitan ay bigla itong nilukopan ng ulap at biglang dumilim ang kalangitan. Hindi ito normal na dilim na gaya ng uulan.

"Lola, uulan ata, mubuti na lang ay may dala akong paying." Kukunin ko na sana ang bag kung saan nilagay ko ang aking payong nang hilahin ako bigla ni Lola.

"Uuwi na tayo." Seryosong saad nito na naghatid sa akin ng kaba.

"Ngunit ang bag ko lola ay naiwan." Hindi ako pinakinggan ni Lola at dire-diretso ang lakad paalis ng sementeryo.

Habang naglalakad kami ay biglang pinasukan ng alikabok ang aking mata kaya napakuskus ako sa aking mata para mawala ang alikabok. Kaya ng maimulat ko na ang aking mata ay kinabahan ako ng wala na sa aking harapan ang aking lola. Napabitaw pala ako sa pagkakahawak niya! Kaya dali-dali akong tumakbo baka nasa labas lang ito nakahintay.

Ngunit nang tumakbo ako ay biglang nabangga ako. Napatingala ako ng makita ko isa itong tao nakaitim ito na kasuotan at nakatalukbong ang ulo nito. Hindi ko makita ang mukha nito dahil sa itim na pandong nito.

"S-Sino ka?" Kinakabahang tanong ko ngunit dahan-dahan itong humakbang patungo sa akin kaya mabilis akong umatras at bumalik sa direksyon ko kanina. Sa hindi inaasahan ay nasa harapan ko na ulit ito.

"Anong kailangan mo sa akin?!!" Umaatras uli ako. Ngunit hindi ito sumagot sa akin. Biglang dumilim ang aking paligid na parang isang madilim na gabi. Naalala ko ang aking lola.

"Nasaan ang lola ko? Anong ginawa mo sa kanya?!!" Pilit na galit ko sa aking boses kahit nanggigigil na ako sa takot. Anong gagawin ko?!

"Sagotin mo ako?!!" Tinapangan ko ang aking boses ngunit malademonyong tawa lamang ang aking natanggap mula dito.

Sa isang iglap ay nawala ito sa aking harapan. Ngunit may naramdaman akong haplos sa aking likuran. Nagsitayuan ang aking balahibo dahil dito.

"Rose...." Bulong nito sa aking tainga na siyang nagpakaba sa akin ng sobra.

Biglang humangin na naman ng malakas at tinangay ang mahabang buhok ko galing sa likuran. Kaya napapikit ako.

May naramdaman ako kakaiba kaya iminulat ko ang aking mata. Ang kanina'y malagabi ang kadiliman ay napalitan ito ng maulap na kalangitan. Kaya napamasid ako sa aking paligid ng mapansin kung wala na ako sa loob ng sementeryo.

P-Paano nangyari iyon? Tanong ko sa aking isipan. Ngunit bigla kung naisip ang aking lola. Baka nasaloob ito? Kailangan ko siyang balikan. Ngunit bago pa ako mahakbang papunta sa loob ng sementeryo ay biglang may humila akin.

Nang lumingon ako ay walang tao. At biglang nagbago ang aking paligid. B-Bakit nasa bahay ako? Nanginig bigla ang aking tuhod at napaupo ako sa sala.

Anong nangyayari? Sabay sabunot ko sa aking buhok. Baka panaginip lang to? Kaya sinampal ko ang aking sarili ng makaramdam ako ng sakit.

Hindi! Hindi maari! Si Lola? Kailangan kong balikan si Lola!

Tatayo na sana ako kahit nahihirapan ng biglang may sumulpot na magandang babae sa aking kaya napaupo ako pabalik.

"S-Sino ka?" Tanong ko dito.

"Ang pangalan ko ay Selena." Sabay lahad ng kamay nito sa akin. Nagdadalawang isip man ay tinanggap ko ito at tumayo. Biglang nawala ang aking kaba ngunit hindi nawala ang aking pag-aalala sa aking lola. Nang mahawakan ko ang kamay nito ay may naramdaman akong parang mahika galing dito.

"Ako ang dyosa ng buwan." Patuloy nito na nagpatigil sa akin.

"D-Dyosa ng buwan?" Manghang tanong ko sa kanya. Totoo ba ito? Akala ko'y sa aklat ko lamang mababasa at makikita ang tungkol sa dyosa.

Tumango ito at ngumiti. "Anong ginawa mo sa aminv tahanan?"

"Narito ako para sunduin ang babaeng itinakda." Sabi nito.

"Babaeng itinakda? Anong klaseng itinakda? At anong kinalaman ko roon?" Nagtatakang tanong ko.

"Ikaw ay itinakda para sa unang prinsipe ng Kaharian ng Vlademort." Seryosong sabi nito habang pinagmamasdan ang magiging reaksyon ko.

"Prinsipe? Kaharian? Nagpapatawa ho ba kayo? Mahal na dyosa o kung sino ka man ay wala po akong alam sa mga pinagsasabi mo." Sagot ko dito.

"Alam na ito ni Aurelia." Sambit nito sa pangalan ng aking Lola.

"Saan mo dinala ang lola ko?"

"Hindi ako ang kumuha sa iyong Lola. Paumanhin dahil nahuli ako." Yumuko ito sa akin.

"Anong ibig mong sabihin? "

"Kinuha ng taga Orfeo ang iyong Lola."

"O-Orfeo? Saan yun?!"

"Isa rin itong kaharian sa Ambrogio gaya ng Vlademort ngunit hindi ka basta-basta makakapunta doon dahil napaplibutan ito kadiliman at kasamaan. Kung nais mong masagip ang iyong lola ay kailangan mong sumama sa akin papuntang mundo ng Ambrogio."

"Ngunit paano ako maniniwala na totoo ang iyong sinasabi?" Paninigurado ko dito.

"Dahil nandito ngayon ang hari at ang dalawang anak nito." Sabay tingin nito sa aking likuran at napalingon ako sa tatlong nilalang na tinutukoy nito.

Nakasuot ng itim na kasuotan pang maharlika at ang mamapansin ang tindig ng dalawang lalake na prinsipe ito. At ang nasa gitna naman ay may seryoso at malakas na aura at natitiyak ko na siya ang hari. Parang ang edad ng dalawa ay parang na 20''s sila kasi bukad sa mapuputla ang mga kutis nito ay parang may lahi silang Español. Ang kanilang Ama ay parang masa mid 30's or 40's ngunit napansin ko ay sobrang putla naman nilang lahat. Ngunit kahit ganon ay hindi nabawasan ang kagwapohan at kakisigan ng tatlo.

Sino kaya sa kanila ang unang prinsipe?



*A/N: Votes or Comments are deeply appreciated. Thanks for reading ❤️!*

The Evil's BiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon