Sinundan ko sa loob ng bulwagan ang binibini upang pangalan nya sana ay tanongin. Ngunit nahinto ako nang hilain ni ama ang aking braso.
"Ano ka ba kitano bakit ka tumatakbo?" Tanong ni ama
"Ama nakita ko na ang babaeng bumihag ng puso ko" masaya kong binalita ito kay ama.
"Aba'y nasaan siya upang aking makilala" tanong ni ama
"Hinahabol ko nga po eh, tumakbo siya noong tumunog ang trumpeta" sabi ko
"Magsasalita na ang Gobernador, mamaya mo nalang ulit hanapin anak" sabi ni ama.
Kagaya nga ng plano ay ipinakilala ng Gobernador ang kaniyang anak at kagaya nga ng inaasahan ko parang nakatali ang dila nito habang nagsasalita ng tagalog.
"Binabati ko kayoow mga kababayen, salemat at malugowd ninyo akowng sinaluwbong" sabi niya at ibinigkas ito sa pinakaslang na tagalog na narinig ko.
"Tss sabi na nga ba pati pag tagalog di niya alam paano sasabihin, paano niya pamumunuan ang bayan nating kung ganun" sabi ko kay ama
"Tumahimik ka nga at baka mayroon saiyong makarinig, pabayaan mo siya at sigurado akong kanya rin namang matututunan iyan" sabi ni ama
Tinitigan ko ang lalaking iyon ng puno ng pagkadismaya hanggang sa aking mahagilap ang mukha ng ng binibining aking napagmasdan kanina lamang.
"Ama halika tignan mo iyon, siya ang babaeng aking sinasabi sayo" sabi ko kay ama.
"Aba magaling kang pumili anak, ano pa ang iyong ginagawa lapitan mo na at baka sa iyo ay mayroon pang mauna" sabi ni ama
"Sige po ipadasal niyo ako ama" sabi ko
"Hindi mo na kailangan non anak, ngunit sige isasali ko rin iyan sa aking mga hiling" sabi ni ama.
Pupunta kasi sila ng kanyang mga kasamahan sa hardin upang mag-alay ng mga bulaklak sa altar na naroon at upang magdasal na rin ng mapayapa at maayos na pamumuno rito sa aming bayan. Nakagawian na ito ng mga matatanda upang patuloy na umunlad ang aming munting bayan.
Naglakad ako papunta sa binibini, sya ay nakaupo lamang sa isang hapag na walang kasama.
"Maari ba akong umupo binibini?" Tanong ko
"Kung yun ang inyong gusto" sagot niya
"Ako ay nagtataka kung bakit ang isang sampaguitang katulad mo ay nakaupo at sa wariy nababagot sa kasiyahang ito?" Sabi ko
"Hindi kasi ako marunong sumayaw, wala rin akong kilala rito dahil lagi akong nasa bahay lamang" paliwanag ng binibini.
"Ako nga pala si Kitano, at ikaw naman si?" Tanong ko
"Ako naman si Louisianna" sagot ng dalaga
"Kung ikaw ay di mahilig sa sayawan, maari bang yayain nalamang kitang sumilip sa mga bituin doon sa labas?" Tanong ko
"Hindi kasi ako pinapayagang umalis sa bulwagan ng aking ama eh" sabi ng binibini.
"Gayun ba? Maari ko bang malaman sino ang iyong ama binibini upang akin kang maipagpaalam." Sabi ko
"Ang aking ama ay si..." naputol ang sasabihin niya.
"Louisianna kanina ka pa ipinapahanap ng iyong ama, pasensya na ginoo kailangan ko ng ihatid ang aking alaga sa kanyang ama" sabi ng isang ginang kaya namaalam na ako sa kanya.
Ayos lang yun marami pang mga gabi na pwede kaming sumilip sa mga bituin.
"Kitano halika rito" tawag sakin ni Miguel ang isa sa aking mga kaibigan.
BINABASA MO ANG
Miranasa: Unang Kabanata[COMPLETED]
FantasySa mundo na puno ng sakim sa kapangyarihan at mayayabang na tao maniniwala ka ba kung sabihin nila sayong intensiyon nila'y mabuti? Si kitano ay hindi lamang magandang lalaki matalino rin ito kung kaya't alam niyang di maganda ang pamumuno ng mga Es...