Third Person's POV
Matigas ang ulo ni Kitano sinabihan man siyang huwag na munang bumalik sa bayan ay sinuway niya pa din ito.
"Kung makakausap ko ang mga kasamahan nating tumiwalag ay siguradong magsasabi sila ng totoo" paliwanag ni Kitano kay Miguel
"Alam kong hindi kita mapipigilan kaibigan. Di man ako makakasama sa iyong paglalakbay tandaan mong nasa likod mo lamang ako lagi" sabi ni Miguel.
Humayo na si Kitano. Sa kanyang isip ay maaring tinakot ng mga Escobar ang mga kasamahan upang magsinungaling. At doon nagsimula ang mapanganib na paglalakbay ni Kitano.
Samantalang sa bayan si Jallente ay nag-iimpake ng kakonting pagkain at inumin upang hanapin ang pinagtataguan ni Kitano. Nanalo na siya sa halalan ngunit di pa tapos ang termino ng ama kung kayat d pa siya tuluyang naging Gobernador.
Tinatahak ni Kitano ang mahabang daan kung saan mayroong mga ligaw na hayop tulad ng mga Ahas, tigre at buwaya. Umiiwas siya na makaingkwentro ng tao o kaya makita ng mga ito.
Si Jallente naman ay walang alam sa gubat kung kayat tinahak niya ang gitnang daan, kumpara sa mahabang daan ay mas ligtas ang gitnang daan dahil maraming mga tao rito kung kaya't walang mga hayop na ligaw, yun nga lang ang mga taong naninirahan rito ay hindi ganaanong pabor sa pamamalakad ng kanyang ama ngunit wala ding ginawa upang mapatalsik ito.
Sa loob ng isang araw na paglalakad ay naabot ni Jallente ang munting Baranggay ng Santa Barabara.
JALLENTE'S POV
"It's freaking hot, normal pa ba ang init na toh?" Tanong niya sa Sarili.
Tila baliw na ako habang kinakausap ang sarili upang hindi mabagot o di kaya ay kumakanta paminsan-minsan hanggang sa may nakita akong mga bahay.
Nagmistulang hardin ang buong paligid sa dami ng mga bulaklak at halaman sa paligid, ngunit isa sa napansin ko ay ang tingin ng mga tao sa akin lahat sila ay tila galit. Lahat sila ay nakakunoot ang noo habang nakatingin sa akin dahilan upang ako ay matakot at yumuko na lamang.
Maya-maya pa ay may lalaking lumapit sa akin.
"Ano ang sadya mo sa aming baranggay?" Tanong ng lalaki mukhang pinuno ng mga tao rito.
"Pupunta po ako sa bundok, napadaan lang po ako dito. Maari po ba akong humingi ng kaoting tubig?" Tanong ko. Wow straight yung tagalog ko dun ha.
"Urduja bigyan mo ng tubig ang ating panauhin" sabi ng lalaki.
"Ako si Tiago ako ang namumuno sa Santa Barbara, nanggaling ka ba sa bayan?" Tanong ni Tiago.
"Opo doon nga po ako nanggaling" sagot ko
"Urduja bigyan mo siya ng makakain nang makaalis na, hanggang jaan na lamang ang maitutulong namin sa iyo dahil hindi kami nagpapatira ng mga dumadaan rito" sabi ni Tiago at umalis na.
Tahimik lamang na naghahain si Urduja ng makakain sa akin.
"Kumain ka" sabi niya habang inilalapag sinabawang gulay, Roasted Vegetables, mga binalatang prutas at juice na gawa sa prutas.
"Salamat, pwede ba akong humingi ng kanin?" Tanong ko
"Wala kaming kanin dahil walang bigas dito sa amin" sagot ni Urduja. Okay this is creepy, lahat sila masama ang tingin sa akin habang kumakain.
"Ah pasensya na di ko alam, matanong ko lang bakit mukhang galit kayo sa akin?" Tanong ko kay Urduja.
"Wag ka nang magsalita at bilisan mo na kumain kung ayaw mong hindi na makaalis dito, nangigiliiti na ang mga kasamahan ko sa presensya mo at baka hindi ka nila matansya" sabi ni Urduja.
BINABASA MO ANG
Miranasa: Unang Kabanata[COMPLETED]
FantasíaSa mundo na puno ng sakim sa kapangyarihan at mayayabang na tao maniniwala ka ba kung sabihin nila sayong intensiyon nila'y mabuti? Si kitano ay hindi lamang magandang lalaki matalino rin ito kung kaya't alam niyang di maganda ang pamumuno ng mga Es...