Mayroon kaming munting paaralan sa bayan namin kung saan itinuturo nila ang nakaraan ng bayan namin. Nakagawian na kasing ipasa sa sunod na mga henerasyon kung saan nanggaling ang bayan namin.
Noong una ay akala ko isa nanaman ito sa mga nakakabagot na araw ng iskwela ngunit mali ako.
"Ginoong Kitano, mag-aaral ka rin?" Tanong ni Louisianna na nakangiti.
"Oo, ngayun lang kita nakita rito dati ka na bang nag-aaral ng historya?" Tanong ko. Sigurado akong maalala ko ang mukha niya kung dito siya nag-aaral.
"Hindi, sa manila ako nag-aral ngayung taon lamang ako umuwi rito" sabi niya kaya ngumiti ako.
"Bakit ka ngumingiti? May dumi ba ako sa mukha?" Tanong ni Louisianna sabay punas ng mukha.
"Nagagalak lamang ako dahil meron akong bagong nalaman tungkol sayo, kung istorya mo lamang ang itinuturo ng Guro natin ay baka di ko makakatulogan ang klase" sabi ko
"Oi natutulog ka sa klase? Sutil ka!" Pang-aasar niya sa akin.
"Di naman, kung ganun kaya pala iba ang iyong pananalita dahil hindi ka rito lumaki?" Tanong ko
"Oo ganun na nga, tiyahin ko ang nagpalaki sa akin doon. Pero ayaw na akong paaralin pa ni ama kaya pinauwi niya na ako" sabi ni Lousianna.
"Ano ba ang iyong pangarap binibini?" Tanong ko
"Pangarap ko maging guro at magturo sana sa mga batang di makaluwas dito sa bayan" sagot ni Louisianna.
"Puwede ka pa rin namang maging guro kahit hindi ka na nagkolehiyo" sabi ko
"Paano?" Tanong niya
"Ibahagi mo lamang ang iyong natutunan, di naman kailangan ng diploma upang makapagbahagi" sabi ko
"Tama ka nga, ikaw ginoo anong pangarap mo?" Tanong ni Louisianna
"Pangarap ko ay ikaw" sagot ko kaya ngumiti siya ng patago.
"Naku bolero, wag ako marami na akong narinig na ganyan sa ibang lalaki" sabi ko
"Marami ka nang narinig ngunit ako pa lamang ang makakakamit" sabi ko at ngumiti.
"Kaibigang kitano, binibining Louisianna maari ba akong makiupo?" Tanong ni Miguel na kakarating lamang.
"Miguel mayroon akong nakitang bakanteng upuan doon sa likod" sabi ko at tinigna siya ng makahulogan
"Ngunit wala akong kasama roon" sabi ni Miguel
"Ayos lang ginoo maupo ka na" sabi ni Louisianna
Gusto kong makasama si Louisianna, gusto kong kinakausap siya na nasa akin lamang ang atensyon.
"Aray ko!....."sigaw ni Miguel dahil kinurot ko siya tinitigan ko siya ng masama at nag-usap kami gamit ng mata
"May langgam ata sa aking upuan" sabi niya na lamang at hinimas ang kanyang kamay.
"Kung alam ko lamang na di mo na ako tatabihan sa klase kung makikilala mo si binibining Louisianna ay di ko na sana itinuro ang bahay niya sayo" bulong ni miguel sa akin.
"Kung alam ko lamang makikiupo ka sa amin hinanapan na sana kita ng iyong nobya" bulong ko rin sa kanya at pareho kaming natawa na lamang.
Inaasar lamang ako niyan dahil alam niyang ayaw kong may tumabi sa amin ni Lousianna. Nag-usap kaming tatlo, parang bata si Miguel na nakikisali paminsan-minsan sa usapan namin upang makigulo.
"Haha tama ka ginoong Miguel kumukunot nga ang noo niya" tawa ni Louisianna nang makita ang kunot noo ko.
"Wag mo naman akong pagtawanan binibini at akoy nahihiya" sabi ko
BINABASA MO ANG
Miranasa: Unang Kabanata[COMPLETED]
FantasySa mundo na puno ng sakim sa kapangyarihan at mayayabang na tao maniniwala ka ba kung sabihin nila sayong intensiyon nila'y mabuti? Si kitano ay hindi lamang magandang lalaki matalino rin ito kung kaya't alam niyang di maganda ang pamumuno ng mga Es...