Third Person's POV
Naglalakad si Jallente nang naisipan niyang magpahinga muna sa ilalim ng isang puno ngunit saktong pagkaupo niya ay may naramdaman itong gumagalaw sa likod niya.
"WAHHHHHHHH!!!!!" sigaw ni Jallente at tumalon mula sa pagkakaupo, mayroong napakahabang sawa sa may puno, ito ay kulay kayumanggi ng kaonti.
Gumagapang ng patalikod si Jallente ng dahan-dahan ngunit tuwing gumagalaw siya ay lumalapit din ang sawa.
"Bahala na basta tatakbo ako! Huwag kang susunod! Tatapunan kita nito!" Sabi ni Jallente na tila marunong makipagusap sa ahas.
"WAHHHH WAG KANG SUSUNOD!" sigaw ni Jallente at nagtago sa likod ng puno, sa ingay ng bunganga nya ay nabulabog niya na ang buong gubat.
Biglang namatay ang sawa nang may bolo na lumapag sa may ulo nito. Napatingin si Jallente sa pinanggalingan nito at may babaeng nagpakita.
"Thank God, salamat at dumating ka binibini. Mukhang nalimutan mo po ata magsaya ngunit ito kapa upang hindi kayo lamigin. Tanggapin niyo po itong pasasalamat ko sa pagsagip niyo sa akin" tuloy-tuloy at walang prenong sabi ni Jallente. Lumalapit siya upang isukbit sana sa babae ang Kapa niya na may kalo ngunit bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo at natumba.
Nang magising si Jallente ay nakasakay siya sa isang Kabayo nakatali ang magkabilang kamay nito sa leeg ng kabayo leeg naman nito ay may kuwintas na sumasakal sa kanya na konektado sa isang lubid na hinahawakan ng isang babae.
"WAHHHH!!! pakawalan mo ako. TULONG!!!! TULONG!!!! may tao ba jan? TULONG!!!" sigaw ni Jallente ngunit nakatikim lamang siya ng sapak mula sa babae at binatukan naman siya nito nong sinubukan nito ulit sumigaw dahilan upang mawalan ulit siya ng malay.
Sa bayan naman ay madami na ring nagdududa sa Gobernador dahil nga sa balak nitong pagpapatayo ng mga Establishimento sa bayan ay binibili na niya ang lupa ng karamihan. Mayroong iba na nasilaw na ng pera at meron naman nagmamatigas pa din at ayaw ibenta ang kinalalagyan ng mga pamamahay nila.
"Huwag na kayong magmatigas, ibigay niyo na lamang ang gusto ko upang hindi magkagulo" sabi ng Gobernador.
Nang nagdaang mga araw ay marami nang bakal at kung ano-anong mga materyales na binili niya mula pa sa kabilang dako ang dumadating sa bayan, nangangamba na ang nga tao sa kanyang mga balak na ipagawa.
"Wala tayong sapat na kaalaman at kagamitan upang magpatayo ng mga Establishimentong iyan!" Sigaw ng isang Ginang.
"Ni hindi mo nga ipinaalam sa amin na may gagawin ka palang makakapinsala sa marami, sana ay di na lamang namin ibinoto ang iyong anak" sabi ng isa pang Ginang.
"Gobernador paano na ang tulad naming mga mahihirap na mamamayan? Iyo lamang iniisip ang pag-unlad ng iyong bayan di mo iniisip ang mga mamamayan na naaapektuhan" sabi ng isang Ginoo.
Walang ni isa mang sinagot si Gobernador, tahimik lamang siyang nakatingin sa mga paparating na materyales na inangkat niya pa sa ibat-ibang dako.
Samantalang maraming nagugutom dahil hindi na niya napapasweldohan, puro mga establishimento lamang ang iniisip niya.KITANO'S POV
Tanaw ko na ang batis kung saan kami kumukuha ng ipinapaligong tubig noon. Marami pang umiigid kung kayat di pa ako makaalis sa aking pinagtataguan. Noong medyo tirik na ang araw at wala na masyadong lumalabas sa bayan kundi mga mangagawa na lamang ay naisipan ko nang lisanin ang aking taguan.
Ayon sa aking napansin ay may kung anong ipinapatayo ang mga Escobar sa gitna ng bayan. Mayroon ring mga makinaryang nasa mga palayan ngayun, maraming kalat na mga bakal at kagamitan sa lugar kung saan mayroong mga isinasaayos.
Maganda mang pakinggan na may mga pagbabagong nagaganap sa bayan ay kailangan ko pa ding manindigan sa aking tungkulin na pabagsakin ang mga Escobar, masisira ang bayan ng Miranasa kung ipagpapatuloy pa nila ang konstraksyion na ito.
Pumunta ako sa nag-iisang taong kilala kong waang kinikilingan at katotohanan lamang ang pinapanigan. Kumatok ako sa pinto at agad naman akong pinapasok hindi nga lang malugod ang pagtanggap sa akin.
"Ano ang iyong kailangan Kitano? Kung andito ka upang hikayatin akong sumali sa inyo ay wag mo akong idamay sa inyong kahangalan, ni minsan ay di sagot ang dahas sa mga problema ng ating bayan" sabi ni Ginang Baryosa.
"Andito po ako upang kumuha ng impormasyon, nais ko lang naman pong malaman anong nangyari sa mga nahuling kasamahan namin" sabi ko sa Ginang.
"Wala na sila, lumayas na. Nagpakalayo-layo na sila at posibleng nilamon na ng pagkagahaman nila sa pera" sabi ni Ginang Baryosa.
"Kung ganun sayang lang pala ang pagbaba ko dito sa bayan" sabi ko
"Ano ba ang iyong sadya sana?" Tanong ng Ginang.
"Nais ko sana silang makausap upang bigyan ng lakas ng loob na magsabi ng katotohanan" sabi ko sa ginang.
"Isang kahunghangan ang pagbaba mo dito kung ganoon kitano. Alam nating dalawa na kahit naabutan mo man sila ay di ka nila pipiliin lalo na't may suhol na silang malalaking halaga" sabi ng Ginang Baryosa.
"Wala naman pong masama sa pagsubok diba?" Tanong ko
"Nagkita na ba kayo ni Jallente?" Tanong ni Ginang sa akin.
"Wala po, at kung magkikita man kami babasagin ko ang bungo niya" sabi ko at nainis nanaman dahil narinig ng pangalan niya.
"Pumunta siya sa bundok upang balaan ka" sabi ni Ginang Baryosa.
"Tungkol sa ano naman po? Imposible iyon, di kakayanin ni Jallente pumunta sa bundok lalo na at dadaan pa sa gubata" sabi ko at natawa.
"Kaibigan ko ang kasambahay ng mga Escobar, mahilig apat na araw na raw na nawawala si Jallente at ang paalam nito sa kasambahay ay wag sasabihin sa ama nitong nawawala siya at pupunta sayo" sabi ni Ginang.
"Traydor ang lalaking iyon, di ako magtitiwala sa kanya" sabi ko sa ginang ngunit nakatikim ako ng mahinang palo ng pamaypay.
"Walang alam sa gubat o bundok si Jallente ngunit pumunta siya sayo naaayon lamang na iyo siyang hanapin at alamin ang hatid niyang ulat sa iyo. Tandaan mo Kitano lahat ng mababait na tao ay may kakayahan ring maging masama at ang masasamang tao ay may tyansa ring maging mabait pa" sabi ng Ginang.
Ako'y namaalam na noong dumilim na ang paligid upang bumalik na at hanapina ang kumag na si Jallente.
Ako'y natagala pa sa pagpuslit paalis sa aming bayan sapagkat napaka higpit ng seguridad lalo pat nakadikit sa paligid ang iginuhit kong mukha na nagsasabing mayroong pabuya ang sinumang makakahuli sa akin.
Nanuyo ang aking lalamunan at akoy naging tila estatwa nang may dumaang guwardiya sa gilid ko. Binilisan ko ang aking lakad nang bumaling muli ang paningin niya sa akin, nang akoy makalayo na ay sumigaw siya kaya kinailangan kong maghanap ng mapagtataguan at makaalis na kaagad rito.
"Mga kasama may pumupuslit!!!" Sigaw ng guwardiya.
BINABASA MO ANG
Miranasa: Unang Kabanata[COMPLETED]
FantasySa mundo na puno ng sakim sa kapangyarihan at mayayabang na tao maniniwala ka ba kung sabihin nila sayong intensiyon nila'y mabuti? Si kitano ay hindi lamang magandang lalaki matalino rin ito kung kaya't alam niyang di maganda ang pamumuno ng mga Es...