Kitano's POV
Matapos kong sabihin yun sa aranazonang babae ay umalis na siya at pababayaan na lamang sana kami ngunit hindi ko kayang tignan siyang umaalis nang malungkot.
"Binibini sandali!" Tawag ko sa kanya at sumabay sa paglalakad niya.
"Malaya na kayo ng mga kasama mo huwag lamang kayong papahuli sa mga kasamahan ko" sabi niya.
"Nais kong itanong bakit sa ikalawang pagkakataon ay pinapalaya mo nanaman ako?" Tanong ko sa babaeng aranazona.
"Alam mo lalaki tama ka hindi ako magiging masaya kung sasaktan kita kaya humayo na kayo bago pa magpalit ang pasya ko" sabi niya sa akin.
"Di kita kilala Binibini ngunit napakalungkot mong tignan dito sa gubat, kung ano man ang rason ng lungkot mo sana mawala na ito upang manumbalik na ang ngiti sa iyong mga pisnge. Kami ay hahayo na at para malaman mo hindi ako naniniwalang sasaktan mo kami kung makita mo man kami ulit" sabi ko sa kanya at naglakad na kami.
"Auostreya" sambit niya.
"Ano iyon binibini?" Tanong ko sa kanya
"Ang aking ngalan ay Auostreya" sabi niya.
"Ako naman si Kitano si Riocu at Linda naman ang aking mga kasamahan" sabi ko sa kanya.
"Mapanganib sa dako ng gubat na ito, hayaan niyong samahan ko kayong tawirin ang Gubat Arazona" sabi ni Aoustreya.
Naglakbay kami at buong araw nangati ang bibig ko dati pinipigilan kong magtanong tungkol sa kanilang tribu, tunay ngang kamangha-mangha ang kanilang tribu dahil may sarili silang uri ng pagsulat na napansin ko sa mga puno. Pinilit ko mang hindi magtanong ay nabigo ako.
"Ikaw ba ang tigapangalaga ng Gubat? Bakit parang ikaw lamang ang lagi kong nadadatnan dito binibini?" Tanong ko
Nagtataka rin kasi ako kung bakit siya ang narito at kung bakit nag-iisa lamang siya? Mukha siyang nangungulila at malungkot sa ginagawa niya ngunit andito siya nagbabantay sa paanana ng gubat Arazona.
"Nasa digmaan ang aking mga kasamahan hindi ako kasin puro nila upang mapayagang makisali sa digmaan kung kaya't inatasan na lamang akong magbantay sa Gubat kasama ng aking kapatid" sagot niya.
Kung ganon ay kaya siguro siya malungkot dahil may digmaan sila. Wala akong alam sa mga tribo at sa mga alitan nila ngunit mukhang lubhang masama ang digmaang ito dahil bakas sa kanya ang pag-aalala.
"Kami rin nasa digmaan, sa katunayan ay mayroong akong hinahanap na lalaki na maaring makatulong sa amin upang manalo may nakapagsabi sa akin na dito siya tumungo" sabi ko kay Auostreya.
"Kung ganun hunghang ang lalaking iyon. ipakasi, ibig sabihin non ay hindi marunong mag-isip bakit siya tutungo sa gubat ng mga Aranazona?" Galit na tugon ni Auostreya.
"Isa siyang dayo, tiga-rito siya sa bayan ngunit hindi siya dito lumaki kaya iyo siyang pagpasensyahan" sabi ko biglang nagbago ang eskpresyon ni Aoustreya at nalungkot ngunit bigla siyang bumilis maglakad nang mapansing nakatingin ako.
"Kung tunay nga ang iyong tinuran maaring nahuli na siya ng aking kapatid at dinala na sa Aranolo" sabi niya at humarap sa akin.
"Nasaan ang Aranolo? Malayo ba ito? Dahil nagmamadali kaming mahanap ang lalaking ito" sabi ko.
"Kung kayo ay mayroong Miranasa kami ay merong Aranolo" sagot ni Auostreya.
"Ah iyon ng inyong bayan, ang inyong tahanan tama ba?" Tanong ko
"Oo, tigilan mo na ang iyong pagtatanong dahil iyon na lamang ang aking huling sasagutin tungkol sa aming bayan. Maiiwan ang dalawa mong kasamahan dahil hindi ko kayo kayang protektahan lahat" sabi ni Auostreya.
"Ngunit sumama ako rito upang protektahan ang aming pinunong Kitano" sabi ni Linda.
"Linda tama ang babaeng Aranazona hindi niya tayong kayang protektahan na tatlo mas mainam na iyong magpaiwan tayo kaysa isusugal natin ang buhay ni Kitano siya kaya niya protektahan ang pinuno" sabi ni Riocu.
"Diretsohin niyo ang daan na yan, pakinggan niyo ang huni ng tubig mula sa talon. Wag kayong lilihis sa daan kung ayaw niyong mahuli kayo ng aking kapatid" sabi ni Auostreya.
"Linda at Riocu sumunod na lamang kayo, kailangan ko pang hanapin ang kumag na iyon ngunit sabihan niyo ang hukbo na magsanay at humanda sa aking pagdating" sabi ko.
Mayroon na akong mga naisip na paraan upang dahan-dahan naming makuha ang bayan.
"Hanggang sa muli pinuno" sabi ni Linda. Isa siyang napaka tapang at tapat sa tungkulin na babae, kung nagkataon ay magkakasundo sana sila ni Louisianna.
"Bilisan mo na at baka pinugutan na ng ulo o binitay na ang iyong hinahanap na lalaki" sabi ni Auostreya kung kaya't binilisan ko na sa paglalakad. Namamangha talaga ako sa paligid lalo na nang masulyapan ko ang labas ng kweba ng Aranolo.
"Ang iyong amoy ay kakaiba, ibuhos mo ito sa iyong katawan" sabi ni Auostreya sabay bigay ng likidong sinalod niya sa malalaking tila galon na gawa sa kahoy.
"Ano ba ito?" Nangunot ang noo ko habang inaamoy ito kakaiba ang amoy nito parang amoy hayop.
"Tubig-ulan lang yan na may pinaghalong dumi ng hayop" sabi niya kung kayat natapon ko ang lalagyan na kanyang ibinigay.
"Wag mo sayangin ang tubig, magagalit sa iyo ang mga diyos" sabi niya at nagsalod ulit ng tubig saka tinapon sakin.
"Ang bantot ko na" sabi ko sabay amoy sa sarili.
"Maganda iyan upang hindi ka mapagkamalang tiga-labas, suotin mo rin ito" sabi niya sabay bigay ng bahag sa akin.
Hindi ko alam bakit ginagawa ko toh para kay Jallente ngunit mayroong tinig sa loob ng utak ko na nagsasabing ito ang tamang gawin o desisyon.
BINABASA MO ANG
Miranasa: Unang Kabanata[COMPLETED]
FantasiSa mundo na puno ng sakim sa kapangyarihan at mayayabang na tao maniniwala ka ba kung sabihin nila sayong intensiyon nila'y mabuti? Si kitano ay hindi lamang magandang lalaki matalino rin ito kung kaya't alam niyang di maganda ang pamumuno ng mga Es...