"Arghhhhhhh!!! Ama!!!! Pinatay mo si Ama! Magbabayad ka Aoustreya!" Hindi na magkamayaw sa pagsigaw si Onomatreya dahil sa galit sa kapatid.
Sinubukan kong pigilan ang pagkamuhi niya kay Aoustreya ngunit wala. Mukhang nakatadhana talaga silang magtunggali.
"Paano mo nagawa sa ating ama ito Aoustreya? Pinalaki ka niya nang mamatay si Amang Hinawo" sabi ni Onomatreya na ginagamit ang kanyang balarao sa pag-atake.
"Hindi siya purong kabutihan kagaya ng iniisip mo Onomatreya" mahinahong sagot ni Aoustreya na sinasangga ang mga atake ni Onomatreya.
"Siya lamang ang nagpalaki sa atin, siya lang ang nagturing sa ating pamilya nong gusto tayong dispatyahin ng lahat" sabi ni Onomatreya
Umamba nang napakalakas na atake si Onomatreya ngunit nasangga ito ni Aoustreya at ang mga sunod na nangyari ay napakabilis natumba si Onomatreya at itinutok ni Aoustreya sa kanya ang bolo nito ngunit napakabilis gumalaw ni Onomatreya at di na napigilan ni Aoustreya tumama sa isang mata ni Onomatreya ang talim ng bolo ni Aoustreya kaya napasigaw si Aoustreya.
"ONOMATREYA!!!" sigaw ni Aoustreya. Noon ko lamang siya narinig na sumigaw, kadalasang walang emosyon ang dalaga.
"Ang aking mata, Aoustreya bakit lahat nalang ay kinukuha mo sa akin?" Tanong ni Onomatreya habang umiiyak.
"Hindi ko sinasadya Onomatreya" iyak ni Aoustreya.
"Isa kang taksil! Bakit kailangan mo pang patayin si Ama?" Tanong ni Onomatreya.
"Ginahasa niya ako Onomatreya! Kinamumuhian ko siya! Matagal ko nang gustong lisanin ang Aranolo ngunit di kita maiwan-iwan" sabi ni Aoustreya habang umiiyak.
"Di ko ito sinabi dahil tama ka! Siya lamang ang nagturing sa ating pamilya, siya lamang ang kumupkop sa atin" sabi ni Aoustreya.
"Mas mainam kung sinabi mo na lamang ang totoo, ngunit pinatay mo ang pinuno ng Aranolo Aoustreya hahabulin ka ng mga Aranazona" sabi ni Onomatreya.
"Isa man akong taksil sa inyong panigin wala akong pinagsisisihan, itakwil niyo na ako at kamuhian ngunit sa ngalan ng pagmamahal ay tinatanggap ko lahat" sabi ni Aoustreya at pinatayo ang kapatid niya.
"Hindi mo ako papatayin?" Tanong ni Onomatreya kay Aoustreya
"Kapatid kita Onomatreya, hindi ko magagaw yun" sabi ni Aoustreya.
Halatang di nila kayang saktan ang isat-isa kung kaya' t nalungkot na lamang ako sa sinapit ng magkapatid na ito.
"Sa oras na bumalik ako sa Aranolo magiging kalaban ka na naming lahat Aoustreya ngunit nais kong malaman anong rason kung bakit nagawa mong kumawala, nais kong malaman paanong nagkaroon ka ng lakas ng loob na talikuran ang Aranolo?" Tanong ni Onomatreya.
"Ako ay nagmamahal Aoustreya, ang alam ko lamang ay nang pagtagpuin ng mga diyos ang aming mga landas ay sinundan ko na siya pagkatapos" sabi ni Aoustreya.
"Alam mong hindi ka niya iibigan Aoustreya" sabi ni Onomatreya na nagbago ang tingin kay Onomatreya. Puno ng pagkamuhi ang mga mata nito, dumilim ang mga ito at pati ang mga ulap ay dumilim rin.
"Higit sa lahat ako ang unang nakaalam niyan Onomatreya kaya hindi mo na kailangan ipaalala sa akin" sabi ni Aoustreya.
Sa puntong ito ng pag-uusap nila ay hindi ko na talaga sila maintindihan, napakalalim ng galit ni Onomatreya kay Aoustreya na kahit sinabi na nito ang dahilan sa pagpatay nito sa amain nila ay kinamumuhian pa rin siya nito.
"Kung ganun ay isusumpa kita Aoustreya, hindi ko na kailangan itanong kong sino ang lalaking iyon. Isusumpa ko kayong dalawa" sabi ni Onomatreya
"Tatanggapin ko ang aking kaparusahan" sabi ni Aoustreya at mas lalo pang nadagdagan ang luha nito. Napakatapang na babae.
"ang nakaraan ay uulit ng uulit hanggat ito'y di maitama, dalawang lalaking mag-aagawan sa trono ng miranasa. Babaeng taksil na gumuguhit ng sariling tadhana, magiging sanhi ng pagkawasak ng bayan mula sa mapa." Dumilim lalo ang mga ulap nang bigkasin ito ni Onomatreya. Hindi ako naniniwala sa mga sumpa at sa mga mangkukulam ngunit talagang nakakatakot ang mga nangyayari ang mata ni Onomatreya ay umilaw ng kulay puti.
"Masaya ka ba na isinumpa mo ako kapatid?" Tanong ni Aoustreya habang nakangiti kay Onomatreya.
Bigla namang dumating si Kitano at pumasok sa bahay ngunit tumigil rin ng nakita ang mga nangyayari.
"Sa ika-limang henerasyon niyo mauulit ang pangyayari hanggat di maitama ang mga kamalian uulit at uulit ito hanggang sa ika-limang henerasyon ulit ng apo ng inyong mga kaapo-apohan. Di niyo matatakasan ang sumpa ng mga Elemento, mauubos lamang ang lahi nito!" Sabi ni Onomatreya habang nakatingin sa aming dalawa ni Kitano.
"Wag mo na isali ang kanilang Pamilya Onomatreya, hayaan mo nang maging malaya ang hinaharap" sabi ni Aoustreya.
"Kailangang panagutan ng mga Bunga ang mga ugat, kailangan malaman nila ang dumi ng kanilang Pamilya" sabi ni Onomatreya at lumabas sa pinto.
Muling bumalik sa dati ang mga ulap nang umalis si Onomatreya.
"Ayos ka lang ba Binibining Aoustreya?" Tanong ni Kitano kay Aoustreya dahil andami nitong natamong mga sugat.
"Ayos lamang ako ang mga taong-bayan ang isipin niyo" sabi ni Aoustreya at muli di na muling makikita ang ekspresyon sa kanyang mukha.
Lumabas na si Aoustreya at sumunod kami ni Kitano. Ang paligid ay napuno ng mga malamig na katawan ng mga nadamay sa mga plano ni Ama.
"Di man niya ipakita ang Ekspresyon niya kita pa din ang sakit sa mga mata niya" kumento ni Kitano tungkol kay Aoustreya.
"Siya nga, nawa'y mapatawad pa siya ng kapatid niya" sabi ko
Umurong na ang mga Aranazona at bumalik na sa gubat. Ang nailikas na mga mamamayan ng bayan ay nakabalik na, ang mga galing sa bundok ay bumaba na rin.
Sa unang buwan matapos ang digmaan ay puro iyakan lamang at hinagpis ang bumalot sa Miranasa. Araw-araw may mga katawan na nadidiskubre at kailangan ilibing. Nadurog ang puso ng lahat nang makita ang Bangkay ni Ginoong Jose ang ama ni Kitano.
Umiyak siya ng umiyak hanggat wala na siyang luhang mailalabas. Sabay naming inilibing ang aming mga ama, total napagalaman na rin naman naming dati palang magkaibigan ang dalawa.
Inabot pa ng isang taon bago makabalik sa dati ang Miranasa.
BINABASA MO ANG
Miranasa: Unang Kabanata[COMPLETED]
FantasySa mundo na puno ng sakim sa kapangyarihan at mayayabang na tao maniniwala ka ba kung sabihin nila sayong intensiyon nila'y mabuti? Si kitano ay hindi lamang magandang lalaki matalino rin ito kung kaya't alam niyang di maganda ang pamumuno ng mga Es...