Ika-Walong Kabanata

35 29 17
                                    

KITANO'S POV

"Mga kasama may pumupuslit!!!" Sigaw ng guwardiya.

Nagtago ako sa ilalim ng isang bahay ngunit tumatahol ang asong alaga nila kung kayat napilitan akong tumakbo ulit. Wala na napapalibutan na sana ako nang may humila sa aking damit at tinakpan ang aking bibig.

"Huwag kang maingay!" Sabi ng lalaki at itinago ako sa loob ng kanyang bahay.

"Sino ka?" Tanong ko

"Shhh! Huwag kang maingay nariyan pa sila" sabi niya kung kayat naniwala naman ako sa tinuran niya.

Nang makaalis na ang mga guwardiya ay inalok niya ako ng pagkain at maiinom.

"Ako si Giliamo ako ay kaibigan ng iyong ina noong siya ay nabubuhay pa" sabi ni Giliamo.

"Salamat sa iyong tulong Ginoong Giliano ngunit ako'y aalis na" sabi ko sa kanya ngunit pinigilan niya ako at hinabol ng higpit na hawak ang aking mga kamay

"Bitiwan mo ako!" Sabi ko ng mahinahon.

"Wala akong masamang balak sayo Kitano ngunit kung ikaw ang tagapagligtas ng ating bayan dapat lamang na makinig ka sa akin dahil ako ang narito at alam ko kung ano ang stratehiya ng mga yan. Tuwing may pumupuslit rito o nagtatangkang makaalis di nila titigilang hanapin iyan, halika sumilip ka sa bintana nakikita mo ba ang mga alagang ibon nilang iyan? Matalino ang mga yan at tapat sa mga panginoon nito kung kayat dapat bukas ka na umalis kung ayaw mong mabulag o di kaya naman makagat ng mga asong yun" sabi niya at tinuro ang mga aso.

"Sige salamat at paumanhin kung ako ay nakagagambala" sabi ko sa kanya.

"Ako ay balo na at tanging ang kambal na mga anak ko na lamang ang akin kasama sa buhay" sabi niya sabay turo sa mga babaeng nagtatago sa likod ng kurtina at sa mga lalaking nakatayo sa may dulo ng munting bahay.

Mayroong siyang apat na anak na kambal dalawa ay lalaki dalawa naman ay babae. Napakalinis at ganda ng bahay nila kahit na maliit man ito.

"Mukhang kayo po ay biniyayahan ni bathala ng labis na swerte dahil dalawa ang inyong kambal" sabi ko

"Labis nga Kitano, ako'y tumatanda na at kung magtatagumpay kang makuha ang bayang ito sa mga Escobar masaya akong papanaw dahil sigurado akong nasa mabuting kamay ang aking mga anak" sabi niya at ngumiti.

"Ama nais kong sumama sa paghihimagsik ni Kitano laban sa mga Escobar" sabi ng anak niyang babae. Kulot ang buhok nito na parang ganun sa sanga ng kalabasa at medyo maputi ang dalaga.

"Linda maghunos dili ka nga, iiwan mo ba ako?" Tanong ng isa pang babaeng kambal. Ang babae namang ito ay ma-alon ang pagkakulot ng buhok at medyo maputi rin, ito ay may kakaibang kulay ng mata dahil hindi itim ang kulay ng mata nito kundi ay kayumanggi.

"Linda napag-usapan niyo na iyan ng iyong kapatid, wala kang dapat ipagpaalam sa akin dahil malugod kong tatanggapin ang iyong pasya ngunit huwag mong paiiyakin ang iyong kapatid" sabi ni Giliamo.

"Matagal ko nang nais na sumunod sa bundok Greta at alam mo yan!" Sabi ni Linda

"Ngunit napag-usapan na natin ito ayaw kong mawala ka sa akin, una ay si ina wag ka nang sumunod Linda!" Sabi ni Greta.

"May kanya-kanya kayong daan na gustong tahakin Greta kelan mo ba siya papakawalan?" Tanong ng isang lalaking kambal kulay kayumanggi ang balat nito kulot ang buhok at matangos ang ilong.

"Greta hayaan mo siyang alamin ang pinipili niyang kapalaran" sabi ng isa pang kambal na kayumanggi rin ang kulay matangos rin ang ilong ngunit imbes na itim ay kayumanggi rin ang mata.

Miranasa: Unang Kabanata[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon