Third Person's POV
dinala ni onomatreya ang kanyang bagong Alipin sa pinunong Akida, sa kanyang ama.
"Azura bidonya(maliit ang katawan), ganyan na ba talaga ka payat ang mga tao sa bayan?" Tanong ng pinuno.
"Ezure, Azura bidonya zaful teknolohiya(putot, maliit ang katawan dulot ng teknolohiya)" sabi ni Onomatreya.
"Zarzena ya Goyap(ipakain sa hayop)" sabi ng pinuno at sinunod naman ito ni Onomatreya.
Hindi sila naiintindihan ni Jallente ngunit natatakot ito dahil base sa ga ekspresyon ng mga taong ito hindi maganda ang balak nito sa kanya.
Dinala siya ng babaeng halos walang suot na saplot sa isang kulungan.
"Pakawalan mo ako please, ako ay napadaan lamang" sabi ni Jallente.
"Ikaw ay umapak na sa Aranolo kaya hindi ka na makakalabas pa" sabi ng babae kay Jallente at umalis na ito.
Takot na takot si Jallente dahil hindi lamang siya ang nag-iisang naruon sa kulungan mayroon ring ibang mga tao sa kabilang kulungan at halos wala ng laman puro buto na lamang ang mga ito. Mayroon ding mga buto ng tao sa labas ng mga kulungan, may mga sira ring kulungan na mukhang sinira ng isang malakas na nilalang.
"God please help me, kung may diyos mang nakakarinig sa akin patnubayan niyo po ako" sabi ni Jallente at naupo na lamang sa tabi.
"Hoy ikaw! baguhan. Wag ka nang magdasal dahil dito sa lugar na to walang diyos na nakakarinig sayo" sabi ng isang lalaking ubod ng dumi at puno ng putik ang katawan.
"Anong mangyayari sa atin?" Tanong ni Jallente
"Kita mo yang mga buto na yan, ganyan ang kahihinatnan mo!" Sabi ng lalaki na hindi nakatulong sa pagpapakalma ni jallente sa sarili.
"Oh God, patnubayan niyo po ako" sabi niya at wala nang nagawa kundi manalangin.
Samantalang si Kitano at Aoustreya ay tuluyan na ngang pumasok sa Aranolo. Itinago muna ni Aoustreya si Kitano sa bahay nito upang pumunta sa kapatid at tanongin kung nandito nga ba ang hinahanap ni Kitano at magtatanong na din tungkol sa digmaang nagaganap sa tribo nila.
Nagkita ang magkapatid na kambal at nagpasyang mag-usap habang kumakain sa hapag ng kanilang amahing pinuno.
"Kamusta ang digmaan ama?" Tanong ni Aoustreya gamit ang kanilang lenggwahe
"Ganun pa rin, huwag kang mangamba dahil malakas ang ating pwersa hindi tayo magagapi" sabi ng kalaban.
"Sampo na ang bilang ng aking huli Aoustreya gumalaw-galaw ka naman kapatid" pang-aasar ni Onomatreya.
"Wala lamang napapadaan masyado sa gawi ng gubat na aking pinangangalagaan onomatreya" sabi ni Aoustreya.
"Ang mga Za-u ay lalo pang pumapandak at lumiliit, mayroong nahuli kanina si Onomatreya na napakaliit at napakapayat animoy hindi nakakakain" sabi ni pinunong akida
"Ya-ibe(kakaiba)" sabi ni onomatreya
"Bakit?" Tanong ni austreya
"Hindi niya tayo gaanong kakulay, tila isang dayuhan" sabi ni pinunong kida.
Naalala ni Aoustreya ang sabi ni Kitano na ang hinahanap niya ay dayuhan sa sarili nitong bayan kung kayat binilisan na ni Aoustreya ang pagkain upang makuha ang oras na nalilingat pa ang kanyang kapatid.
"Ako'y matutulog muna bago aalis" paalam niya at umalis na.
"Aoustreya, umuwi na ang gabay ng iyong ina mayroong dalang balita para sa inyong dalawa ni onomatreya" sabi ng pinuno
BINABASA MO ANG
Miranasa: Unang Kabanata[COMPLETED]
FantasiaSa mundo na puno ng sakim sa kapangyarihan at mayayabang na tao maniniwala ka ba kung sabihin nila sayong intensiyon nila'y mabuti? Si kitano ay hindi lamang magandang lalaki matalino rin ito kung kaya't alam niyang di maganda ang pamumuno ng mga Es...