Ika-Labing Isang Kabanata

29 29 13
                                    

Kitano's POV

Alam kong pinaalalahan ako ni Aoustreya na huwag pumunta sa kung saan-saan ngunit talagang gusto ko nang umalis dito dahil parang may tinig sa aking isip na nagsasabing dapat na akong umalis rito.

Tumungo ako sa bahay ni Onomatreya ngunit nakita ko ang pinuno na kinakausap siya. Nakatali ang mga kamay ni Jallente at hawak ni Onomatreya ang lubig na ibnigay niya rin sa pinuno.

"Magaling anak, salamat ay iyo akong naunawaan" sabi ng pinuno.

"Kinausap ka nanaman ba ni Aoustreya? Zaful ika ibibigay mo yaibe Za-u iyo (dahilan kaya ibibigay mo ang kakaibang tao na toh)" tanong ni Onomatreya.

"Oo" sagot ng pinuno.

Di ko sila masyadong naintindihan ngunit sapat na iyon upang maintindihan ko ang kanilang pinag-uusapan. Sinundan ko ang pinuno sa kanyang bahay upang itakas sana si Jallente ngunit labis akong nagulat nang aking masaksihan ang nangyayari. may hawak na itak ang pinuno at hinahabol si Jallente upang di ko alam patayin siguro.

"Jallente!" Tawag ko at nakita ko ang isang patpat na sandata at tinapon ko yun sa kanya upang kahit papaano ay malabanan niya ang pinuno.

Ngunit napakalakas ng pinuno kaya napahiga sa sahig si Jallente at saktong dadampi na sa katawam niya ang itak nang may punyal na tumama sa likod nito.

Tinulungan ko si Jallente na makatayo mula sa pagkakahiga at tumakbo na. Saglit kong tinitigan ang tumapon ng punyal at si Aoustreya pala iyon, sinalubong niya kami sa baba ng bahay ng pinuno kung saan wala gaanong mga guwardiyang nakabantay at umalis na kami roon.

Hindi pa kami nakakatawid sa kwebang daanan ay dinig na namin ang sigaw ng isang babae na sa tingin ko ay si Onomatreya.

"Bilisan niyong tumakbo kung ayaw niyong maabutan tayo ni onomatreya" sabi ni Aoustreya ng nakangiti habang nakatingin sa akin.

Nang araw na yun hindi man sabihin ni Aoustreya alam kong iniwan niya ang lahat para sa amin ni Jallente. Pinatay niya ang amain niya at ginalit ang kapatid niya para lamang mailigtas ako, at ang pinakahindi ko malilimutan sa lahat ay noong binitawan niya mg mga salitang-

"Kitano tutulongan ko kayong mabawi ang bayan niyo kung tatanggapin mo ako bilang kaibigan" sabi ng babaeng Aranazona.

"Hindi mo pa man yan sinasabi Binibini yan na mismo ang ginagawa mo, tinutulongan mo na ako nitong nagdaang mga araw at kung hindi ko pa alam mula noong pinakawalan mo ako sa gubat kaibigan na ang tingin ko sayo Aoustreya" sabi ko sa kanya.

"Uhm hello? Hindi mo ba ako ipapakilala sa kanya?" Tanong ni Jallente at napangisi na lamang ako, pinagdaan ko ang lahat ng yun para lamang isalba ang kaaway ko?

"Ang baho mo Jallente!" Kumento ko.

"Aba mas mabaho ka!" Sabi niya sabay tingin kay Aoustreya.

"Ako si Jallente" pakilala niya sa sarili niya.

"Aoustreya" pakilala naman niya sa kanyang sarili.

"Paano kayo naging magkaibigan ng walang utak na toh?" Tanong ni Jallente.

"Sa parehong rason na nahuli ka ng aking kapatid" sabi ni Aoustreya at napakamot naman si Jallente sa ulo.

"Ano daw?" Bulong niya sa akin.

"Nahuli niya rin ako, kumag!" Sabi ko at lumayo na sa kanya.

Napagpasiyahan naming magpahinga muna ng makalagpas kami sa talon.

"Kitano salamat" sabi ni Jallente at ngumiti sa akin

"Ginawa ko lamang iyon dahil narinig kong may balita ka daw para sa akin?" Tanong ko sa kanya. Hanggat maaari ayaw kong magtiwala kay Jallente dahil hindi ko alam kung bakit nga ba siya nandito.

"Ah oo" sabi niya at medyo nawala ang ngiti niya.

"Ano iyon?" Tanong ko

"Kitano makinig ka kailangan niyo nang lisanin ang inyong kuta dahil alam na ni ama ang pinagtataguan niyo, at susugod sila may dala silang mga dinamita at mga baril" sabi ni Jallente.

"Dalawang linggo na mula ng lumisan ka sa inyo ngunit wala pa akong nakikitang hukbo na papunta sa gubat na ito" sabi ko sa kanya.

"Susunogin nila ang gubat upang lisanin ng lahat ng nagtatago rito ang mga kakahuyan, sunod ay tutugisin nila kayo" sabi ni Jallente.

"Hindi nila masusunog ang gubat binabantayan ito ng mga Aranazona" sabi ni Aoustreya kampanteng sagot niya

"Hindi mo naiintindihan may dala silang daynamita, isamg uri ng pambasabog na nagdudulot ng apoy" pagpapaintindi ni Jallente kay Aoustreya.

"Ngunit bakit niya susugin ang ang gubat? Hindi ba niya pinapahalagahan ang inang kalikasan?" Tanong ni Aoustreya.

"Pasensya na Aoustreya ngunit sa tingin ko ay wala na tayong oras upang matulog kailangan na nating makaabot sa kampo namin upang makapaghanda sa labanang magaganap" sabi ko

Nagsitayo na kami at nagtungo na sa kuta bago pa man kami makaabot sa kuta ay may humarang sa amin na pagkalaking sawa, yun na yata ang pinakamalaking sawa na aking nakita doble ito ng taas ko at kasinlaki ng katawan ko ang katawan nito.

"Sawa!" Sigaw ni Jallente at napatigil sa paglalakad.

"Huwg kayong gumalaw!" Sabi ko sa kanila na kinakabahan.

"Pura aking alaga!" Tawag ni Aoustreya sa sawa.

"Ang laki!" Sabi ni Jallente.

"Ibig mong sabihin yan ang iyong alaga na inirason mo kanina na kakain kay Jallente?" Tanong ko.

"Siya nga! ang kanyang ngalan ay Pura." Sabi ni Aoustreya.

"Kailangan na nating dumiretso" sabi ko

"Susunod na lamang ako kailangan ko pang hanapan ng makakain si Pura dahil may sakit siya nahihirapan siyang manghuli ng makakain" sabi ni Aoustreya kung kaya't iniwan na muna nami siya roon.

Sinalubong ako ng mga nagbabantay na mga kasamahan namin.

"Kitano kinagagalak namin ang iyong pagbabalik pinuno!" Sabi ng guwardiya.

"Nakarating ba dito ang magkapatid na Linda at Ricuo?" Tanong ko agad.

"Opo nagsimula na nga po ang pagsasanay nila kanina" sabi ng guwardiya.

"Nasaan sila Ama may balita ako, kailangan nating maghanda susugod si Escobar" sabi ko.

"Ano't kasama mo ang anak ng Gobernador?" Tanong ni Mang Precioso.

"Bihag mo ba siya anak?" Tanong ni ama

"Siya ay isang kaanib" sabi ko at nagsimula na silang mag-ingay

"Ni ako ay hindi man makapaniwala na tratraydorin ko ang aking ama ngunit siya ay mayroong mga binabalak sa Miranasa na pati ako ay di sang-ayon kung kaya't nais kong umanib sa inyo" sabi ni Jallente.

"Ngunit paano kung natapos na ang lahat ng ito? Sino ang magiging Pinuno sa inyong dalawa ni Kitano?" Tanong ni Mang Precioso.

"Ang kasalukuyan muna ang ating isipin! Talunin muna natin ang kalaban nating lahat bago natin iyan pag-usapan" sabi ko kung kaya't nanahimik na sila

Miranasa: Unang Kabanata[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon