"Ang kasalukuyan muna ang ating isipin! Talunin muna natin ang kalaban nating lahat bago natin iyan pag-usapan" sabi ko kung kaya't nanahimik na sila
Dalawang araw na kaming naghahanda at mula rito natatanaw nga namin ang hukbo na sinasanay ng Gobernador sa ilalim. Sa ikatlong Araw mga alas kwatro ng hapon tinuturuan kong magtago ang mga nakakabatang binatang sumali sa samahan ng dumating si Aoustreya.
Manghang-mangha ang mga tao kay Aoustreya kung kayat hinigit ko muna ang kanyang kamay at dinala kay tiya Josefa
"Naku pagkagandang bata, isa kang Aranazona tama ba?" Tanong ni tiya
"Nang pinili kong iligtas si Jallente at Kitano ay kinalimutan ko nang isa akong Aranazona" sabi ni Aoustreya. Tinignan ako ni tiya na mukhang naghihingi ng paliwanag sa sinabi ni Aoustreya ngunit tinitigan ko siya ng makahulugan na mamaya ko na lamang ikukuwento.
"Ang ngalan ko ay Tiya Josefa ako ay kapatid ng ama ni Kitano, ikaw hija ano ang iyong ngalan?" Tanong ni tiya.
"Ang ngalan ko ay Aoustreya" sagot niya.
"Ikinagagalak kong makilala ka Aoustreya, magsisimula na akong ika'y ayusan ha"sabi ni tiya.
"Oh Kitano ano pang ginagawa mo dito? Umalis ka na" sabi ni tiya at nahimasmasan naman ako sa mangyayari kung kayat nagmadali na akong umalis.
Mag-isa si Jallente doon sa isang sulok na nagsasanay kung kaya't nilapitan ko siya.
"Maaga kang mamamatay sa labanan kung ganyan ka humawak at gumamit ng sandata" sabi ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin
"Ganun ba pasensya na di ko napagaralan ang tungkol dito sa Estados" sabi ni Jallente kung kaya't natuwa ako. Sa wakas ay inamin niya rin na hindi niya alam ang isang bagay hindi na siya gaanong hambog.
"Dito sa pilipinas tumataga ka hindi tulad sa ibang bansa na espada ang gamit at dapat tuwid dito sa pinas nakapagilid dapat o nakaharang sa iyo ang iyong sandata upang madali mo itong maitaga o magamit pansalo ng taga ng iba" sabi ko sa kanya.
"Kung may baril dito ay tuturuan sana kita kaso wala, hayaan mo sa sunod makakatulong din ako sayo" sabi ni Jallente
"Matigas ang pagkakahawak lagyan mo ng puwersa ngunit wag sa gawing ito lamang ang bantay mo dapat alerto ka sa nangyayari pa na rin sa likod mo" sabi ko.
"Sige turuan mo ako" sabi niya kung kaya't naglaban kaming dalawa upang maturuan ko siya.
"Kulang pa ang iyong lakas" sabi ko sa kanya
"Ngunit yan na ang buo kong lakas" sabi niya at umaamba ulit ng tyansa upang managa.
"May ilalakas ka pa!" Sabi ko at umatake ang akala ko ay di na siya sasangga ngunit nagkamali ako sinangga niya at tumilapon ako.
"Wow! Naku pasensya na" sabi niya sabay patayo sa akin.
"Sabi ko naman kasi sayo may ilalakas ka pa eh" sabi ko
"Halika na tumayo ka na nakakahiya sa mga babaeng nanunuod sayo" sabi niya habang nakangiti at pinatayo ako.
"May napupusuan ka na ba sa kanila?" Tanong ko sa kanya dahil sigurado namang narito sila dahil kay Jallente.
"Mayroon na akong napupusuan pero wala sa kanila" sabi niya sa akin.
"Sino? Kilala ko bah?" Tanong ko sa kanya na nakangiti rin
"Oo kilala mo, ikaw may balak ka pa bang magmahal muli?" Tanong ni Jallente.
"Alam mo nang mamatay si Louisianna nadurog ako, sa tingin ko ay hindi ko siya kailanman kayang palitan ng iba" sabi ko kay Jallente.
BINABASA MO ANG
Miranasa: Unang Kabanata[COMPLETED]
FantasySa mundo na puno ng sakim sa kapangyarihan at mayayabang na tao maniniwala ka ba kung sabihin nila sayong intensiyon nila'y mabuti? Si kitano ay hindi lamang magandang lalaki matalino rin ito kung kaya't alam niyang di maganda ang pamumuno ng mga Es...