Ika-Limang Kabanata

35 30 14
                                    

Mahigit Apat na buwan na kaming magkasintahan ng aking mahal na si Louisianna at sa apat na buwan na iyon mas lalo lamang siyang nahihirapan. Walang sapat na kaalaman ang mga doktor rito sa amin noon upang magamot ang iniinda ni Louisianna kaya hinintay pa naming dumating ang doktor mula maynila na ipinatawag ni Gobernador.

"Ayaw ko sayo pero salamat sa pagpapatatag sa kapatid ko" sabi ni Jallente.

"Ayaw ko rin naman sayo" sabi ko sa kanya.

"Mayroon palang asthma ang binibini, iiwanan ko itong mga gamot na ito upang mapainom niyo sa binibini. Huwag niyo siyang pakakainin ng bawal, hahayo na ako" sabi ng doktor.

"Gagaling pa po ba ang kapatid ko?" Tanong ni Jallente.

"Kung pagpapalain Jallente, mahina ang puso ng kapatid mo at hirap rin sa paghinga ang mga baga niya isang milagrong nalampasan niya ang nasusunog na silid na yun" sabi ng doktor at umalis na.

Purong mga tulong lamang ito sa paghinga ng maginhawa ang mga ibinigay niyang gamot, pan madalian lamang ang epekto nito.

"Manalig ka malakas si Louisianna lumalaban siya" sabi ko sa kanya. Lumabas naman ng silid si Jallente matapos kong sabihin iyon.

Third Person's POV

Kulang na lamang ay sumabog si Jallente sa kwartong kinaroroonan ng kapatid niya kung kaya lumabas siya.

"Kasalanan ko toh" iyon ang nasa isip niya paulit-ulit niya itong pinagsisisihan gabi-gabi. Pilit na idinadalangin ang pag-galing ng kapatid niya ngunit ang hindi niya alam ay naplano na ng panginoon ang pagpanaw ni Louisianna, tanging si Louisianna na lamang ang ayaw pa magpaawat at kinakaya pa din ang hirap.

"Jallente!!!" Nakarinig siya ng malakas na sigaw mula sa silid ni Louisianna.

"Jallente halika rito!!!" Sigaw ulit ni Kitano.

Pagbukas ni Jallente sa pinto ay nakasungab ng yakap si Kitano kay Louisianna at nananangis.

"Hindi na siya humihinga Jallente" nanangis si Kitano habang hinahagkan ang kanyang mahal.

"Hindi! Louisianna gumising ka!" Ilang beses pilit na ginising ni Jallente si Louisianna.

"Tawagin niyo ang doktor!!!" Sigaw ni Jallente ngunit alam ni Kitano na huli na ang lahat hindi na siya humihinga.

Walang nagawa ang binata kundi tanggapin ang kapalaran ng babaeng kanyang mahal. Lubos siyang nagpapasalamat dahil kahit apat na buwan lang ay nahagkan niya si Louisianna bago ito namatay, ngunit nananangis pa din ang kanyang damdamin sa pagkamatay ng pinaka una niyang mahal.

Lubos na naapektuhan ng pagkamatay ni Louisianna ang ikot ng kalakalan sa Miranasa kung kaya't medyo mahina ang kita ng pera ng lahat. Dahil tuliro at hindi masyadong maayos kausap si Jallente ay walang katulong ang ama niya sa nalalapit na halalan. Dahil maraming nagugutom na tiyan at di mabigyan ng sapat ng atensyon ng kanilang Gobernador ay maraming nag-aklas laban sa kaniyang pamamalakad.

"Jallente hijo lumabas ka na sa kwarto mo, i invested the people's money to build a big Casino in Miranasa. Tulungan mo ako anak, nalulugi na tayo" sabi ni Juarlito

"Solve your own problems" sabi ni Jallente, masakit pa din ang loob ni Jallente dahil sa pagbabaliwala ng Gobernador sa kapatid niya ng maraming panahon, at di man lang ito pumunta sa libing ni Louisianna.

"Jallente hindi kita pinaaral sa Estados upang magkulong diyan sa Kwarto mo!" Sigaw ng Gobernador.

"At si Louisianna? Wala man lang ba kayong nararamdamang sakit ha ama" tanong ni Jallente.

Miranasa: Unang Kabanata[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon