"Doc Hernandez?" ani ni Doc Castro.
"Yes po, doc?" tugon ko kahit inaantok na ako dahil sa puyat. Kahapon pa ako naka duty.
"Can you please check the patient in Room 232? He's a boy. Report to me after." utos niya.
"It's okay, doc." May choice ba ako? " No problem po." hell no, pagod na pagod nako. Intern palang ako, gusto ko ng sumuko.
Ganito naman talaga sa trabaho ko, laging puyat at kulang sa tulog. Wala naman akong magagawa, ito ang pangarap ko. Ang saya kaya makakita ng mga patients na gumagaling at nadudugtungan ang buhay. My happiness is here. I know, I belong here.
"Huy wassup, kapatid!"
Lumingon ako dahil alam ko naman kung sino yon.
"What are you doing here? Papalibre ka na naman?" bintang ko sa kaibigan kong si Alhen.
Parati kasing nandito sa ospital, kunwari napadaan pero papalibre lang. Ang dami namang pera nagpapalibre pa.
"Hoy! For your information doktora, tama ka dyan." sabay tawa niya.
Binatukan ko naman siya, agad naman siyang nagreklamo.
"Ano ba kasi yon? May gagawin pa ako. Huwag mo akong guluhin please lang." inis na sabi ko.
"Lilibre kita ngayon! Mayaman ako ngayon, kapatid! Hindi mo kaya yon!" pagmamayabang niya at sabay akbay sa akin.
"Oo na sige, pagkatapos ko. May pinapagawa pa si Doktora sa'kin." pigil na inis ko.
"Bakit ka pa kasi nag doctor, pwede namang pasyente nalang!" walang kabuluhang sabi niya.
Inirapan ko siya at tinalikuran, ngunit sumigaw siya na hihintayin nalang daw niya ako sa cafeteria ng ospital. Tumango na lamang ako at dumiretso sa room na sinasabi ni Doc Castro. Hindi naman na bago sa akin ang pagbisita sa mga pasyente.
Bago ako pumasok, kumatok muna ako at pinagbuksan naman ako agad ng ina ng bata.
"Good afternoon, ma'am. Check ko lang po si Baby." ani ko sa Mommy ng bata. Natigilan pa ako sa ganda ng babaeng nagbukas ng pinto. Mukha siyang hindi nadadapuan ng stress.
"Oh, okay, come inside. He just woke up." sabi ng Mommy ng bata.
Tumango na lamang ako at pinuntahan ang bata. Natigilan ako sa unang kita ko sa itsura ng bata, parang nakita ko na siya noon. Pero hindi ko nalang pinansin iyon.
"Hi boy, I'm Doc Tin. I'll be assisting you for a while." pakilala ko.
"Doc, you're so pretty! I'm Charles Velarde!" sabi niya.
Natigilan ako dahil sa pagkasabi niya ng apelyido niya, ngunit hinayaan ko nalang at tumugon.
"N-nice to meet you, Charles! You're so cute!" tugon ko.
Ngumiti naman siya at ginawa ko na ang mga dapat kong gawin.
"Everything is good. You will be discharged maybe the day after tomorrow. Always eat on time. Drink your meds, so you will not be here again." paalala ko kay Charles.
"It's that all? You're going already, doc?" reklamo niya.
Bago pa ako makapagsalita nagsalita na si Mrs. Velarde.
"Charles, Doc Tin has a lot to do. Say thank you and goodbye to her." ani ng mommy niya.
Ngunit bago palang ako makasagot, may pumasok ng dalawang lalaking nag aasaran. Bumaling kami roon at nagkatinginan kami ng mga lalaki. At nanlaki ang mata ko dahil sa isa sa mga lalaki na iyon ay kilalang-kilala ko.
"Daddy!!" excited na sabi ni Charles.
Tinignan ko muli si Charles at ang lalaki at nakumpirma na ang lahat.
Hindi na ako nagpaalam sa kanila at dumiretso ng lumabas dahil hindi ko maintindihan ang mararamdaman ko.
May anak na siya? Parang kelan lang, sabay kaming nangangarap tungkol doon.
"Ang daya naman, siya masaya na, ako nandito pa." bulong ko sa sarili ko.
YOU ARE READING
Eyes Can Tell
RomanceCelestine Aislynn yearns for family love. But a man enters her life and makes her feel the warmth and comfort. Are they meant for each other? Will Celestine take some risk for love?