"Surprise?"
Hindi pa rin ako makapaniwala na nasa harapan ko ngayon sina Jax at Alhen.
"Loko kayo! Anong ginagawa niyo rito?" singhal ko sa kanila nang makalapit ako sa kanila.
Sabay silang tumawa. "Si Jax kasi 'e puta, sabi magbabasketball kami tapos pinagdala ako ng damit. Hindi naman ako nainform na magbabasketball kami rito sa Nueva Ecija." parang batang sumbong ni Alhen.
Tinawanan lang siya ni Jax at nilapitan ako upang higitin ako para sa isang yakap.
"I missed you," he mumbled.
I hugged him too. Hindi ko naman ipagkakaila na hindi ko siya namiss sa mga araw na lumipas. Kahit na nag-uusap kami gabi-gabi at nagbatian noong holidays, iba pa rin kapag nasa mismong harapan mo na.
"Puta naman, mga tol. Umuwi na tayo Jax kung papatayin niyo lang ako sa inggit. Sana sinaksak niyo na rin ako."
Tumawa kami ni Jax. Inaya ko sila sa loob. Sakto namang palabas si Nanay kaya nakita niya ang dalawa.
"Oh apo, may mga bisita ka pala." ani ni Nanay.
Tumango ako. "Opo, nay. Mga kaibigan ko po."
Narinig ko naman sa likuran ko ang impit na tawa ni Alhen. Alam kong inaasar niya si Jax ngayon. Loko-loko talaga.
"Aba, ang gagwapo naman ng mga 'yan."
"I know right, Lola." mahinang sagot ni Alhen.
Nilingon ko siya at kitang-kita ko ang pagsapok ni Jax sa kanya. Umiling na lang ako sa kanila. Parang mga bata.
"Pasensya na po, Nay, hindi ko nasabi sa inyong darating sila. Maski ako nagulat 'e."
"Ano ka ba, ayos lang 'yon! Mabuti nga 'yon para mas marami kang supporter mamaya 'e." sambit niya habang nakangiti.
Ngumiti na lamang ako. Inaya sila ni Nanay na mag-meryenda. At ang lokong Alhen nangunguna pa.
Umupo ako sa tabi ni Jax. Round table ang meron kami sa kusina. Gawa ito sa narra, sabi ni Nanay. Matagal-tagal na rin ito. Inilapit naman ni Jax ang upuan niya sa tabi ko para may ibulong sa akin.
"Friend pala ah," mahinang sambit niya.
Tinitigan ko siya. "Ano gusto mong sabihin ko?"
Tumawa siya at lumayo sa akin. Ginulo na lamang niya ang buhok ko bilang sagot. Weirdo.
Habang kumakain kami ng hinanda ni Nanay, nakipag kwentuhan naman ang dalawa sa kanya. Lalong-lalo na ang madaldal na Alhen na 'to. Kung ano-anong kinukwento kay Nanay!
"Alam niyo po kasi, Nay, itong si Tin napaka studious kulang na nga lang po sa library na tumira." hirit niya. Nanay na ang pinatawag ng lola ko sa kanila. HIndi kasi talaga siya sanay sa salitang 'Lola', bata pa raw siya para sa word na 'yon.
Umiling na lamang ako dahil alam kong naniniwala talaga si Nanay sa lahat ng sinasabi ng isang 'to.
"Sino ba sa inyong dalawa ang nanliligaw sa apo ko?" tanong ni nanay na ikinagulat ko.
Saktong umiinom naman si Jax nang tanungin ito ni Nanay. Nabuga niya ng konti ang tubig kaya napatingin kami lahat sa kanya. Natawa ako pero tumayo ako agad para kumuha ng tissue para ibigay sa kanya.
"Nako po, hot seat pa nga." biro ni Alhen.
Tinaasan ng kilay ni Nanay si Jax.
Pagkaabot ko ng tissue sa lalaki ay nagpunas agad siya bago magsalita. "I'm so sorry about that po. Nagulat lang po ako. A-and... as for your question po, I'm the one who's c-courting, Ais po."
YOU ARE READING
Eyes Can Tell
RomanceCelestine Aislynn yearns for family love. But a man enters her life and makes her feel the warmth and comfort. Are they meant for each other? Will Celestine take some risk for love?