Iniwas ko ang tingin ko sa kanya baka sabihin niya gusto ko siya. Kumain na lamang ako. Isa ang lengua beef sa mga paborito ko. Pinagluluto ako parati ni Mama noong nandito pa siya.
Pinagtitinginan din kami ng ibang estudyante dahil hindi siguro sila sanay na may kasama akong ibang lalaki bukod kay Alhen. Sa tingin ko rin ay masyadong famous ang lalaking kasama ko kaya tinitignan kami.
"Gusto mo pa ba ng rice? Kanina ka pa tumitingin sa pagkain ko e'!" bintang niya habang nakataas kilay.
"Duh? Busog na'ko!" saad ko. Kapal talaga ng mukha nito.
"Weh? I feel like you can finish at least 3 to 4 cups of rice!" saad niya habang tumatawa.
"Tanga ka? Ano ako baboy?!" inis kong sabi sa kanya. Bwisit talaga ito.
" 'Di mo sure, besh" tawa niya.
I glared at him. Tawa lang siya ng tawa habang nakatitig sa'kin at nakikitang naiinis ako. Bwisit to. Suntukin ko yata e'. Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy sa pagkain.
"Hoy! Czyrus Jax! Nandito ka lang pala!" sigaw ni Alhen mula sa malayo. Boses pa lang ng lalaki ay alam ko na. Hindi na ako tumingin sa likod dahil alam ko papunta na rin naman siya dito. "Kanina pa kita hinaha- Aba! May kasama ka pang chiks ah! Mas inuuna mo pa talaga yan!" hindi niya pa ako nakikita dahil naka talikod ako sa kanya. Inirapan ko na siya kahit 'di niya alam.
Ngumisi si Jax dahil alam niya ang magiging reaction ni Alhen after niyang makita na magkasama kami.
"Oo tol, ang gandang chiks neto." sabay ngisi niya.
I glared at him. At hindi niya pinansin.
Nakarating si Alhen sa pwesto samin at laking gulat niya na makita ako sa harap ng kaibigan niyang lalaki.
"Hoy! Bat magkasama kayo?! Nasa lib ka lang kanina!" sigaw niya pa rin kahit magkakaharap na kami.
Nahihiya na ako sa lakas ng boses ng isang to'. Niyuko ko na lang muna ang ulo ko bago ko siya pinagsabihan.
"Putangina ka, ang ingay mo!" bulong ko sa kanya. "Maupo ka na lang!" utos ko sa kanya.
Umupo siya sa tabi ni Jax bago nagsalita. "Si Jax kasi e'. Parang bobo." parang batang nagmamaktol ang boses niya. "Bigla kang nawala! Tara na tangina ka! Ang init init! Mag-practice na tayo! Tangina mo!" saad niya sa lalaki.
"Mamaya na. Hindi pa tapos kumain si Tin." sabay tingin niya sa plato ko.
"Hindi sige, mauna na kayo. Ayos lang ako rito." sabi ko sa kanila. Hindi na ako baby. Duh. I can handle myself.
"No, we'll wait." pilit niya.
Tumango ako at hindi nakipagtalo. "Anong ipa-practice niyo?" tanong ko.
"Kapatid, magkabanda kami! 'Di ka kasi nanonood ng practice at performance ko e'! Sumasama na talaga loob ko sa'yo!" saad niya.
Nagtaas ako ng kilay habang kumakain. "Magaling ka na. Alam ko na yon. Pero talaga ba?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Siya?" saad ko sabay turo sa lalaki.
"Hoy! Oo ako! Aba, guitarist yata ako ng banda! Makaturo ka pa sakin! Manuno ka niyan, bahala ka!" parang batang may umaaway sa kanya.
"Fine, sorry. Hindi ko kasi ma-imagine na nagbabanda ka. It's weird!" sabi ko.
"Pareho pala kayo, kapatid e'! Marunong ka rin mag gitara di'ba?" tanong niya.
"Oo, noon pa naman yon." sabay yuko ko ng ulo. Ayokong pag-usapan yon, may naaalala lang ako.
YOU ARE READING
Eyes Can Tell
RomanceCelestine Aislynn yearns for family love. But a man enters her life and makes her feel the warmth and comfort. Are they meant for each other? Will Celestine take some risk for love?