Pagpasok ko sa bahay nasa sasakyan na pinagbabaan ko ang tingin ni Lolo.
"Lo" tawag ko sa kanya. Binalingan niya ako. Baka umalis na rin ang sasakyan.
"Sino 'yon, apo?" tanong niya.
"Kaibigan ko po. Kasama 'kong nag aral kanina." paliwanag ko.
Tinaasan niya ako ng kilay. "Talaga bang kaibigan lang?" pagtuloy niya.
Tumango ako. "Opo, 'yun lang po talaga." sagot ko.
"Mukha hindi 'e. Sa tingin ko, may gusto sa'yo 'yun." sambit niya.
Nagulat at naguluhan ako sa sinabi niya. Itatanong ko pa sana kung paano niya nasabi ngunit naglakad na siya papunta sa kwarto niya.
May kumalabit sa akin. Nagulat ako ngunit nakabawi rin naman. "Ate, ganyan talaga si Lolo. Alam niya kung ano ang intensyon sa'yo ng tao na 'yon." sambit ni Bella.
Nagkibit balikat ako. "Hindi naman ganun turing ni Jax sa akin." sabi ko at dumiretso sa kwarto para magpalit.
Pagkatapos kong mag palit nagluto na rin ako para sa hapunan. Alam kong maaga pa, ala sais palang pero ayoko na kasing marinig na kumuda si Auntie.
Sakto naman nang dumating sila, tapos na akong magluto. Naghain na rin ako para makakain na sila.
"Bella, paki tawag na lang si Lolo." utos ko.
Tumango ang bata at tinawag si lolo. Akala ko sisigawan ako ni Auntie dahil inutusan ko si Bella pero mabuti na lang ay hindi siya kumibo.
Nagkukwentuhan sila Auntie at Uncle tungkol sa pinuntahan nilang kasal kaya nakikinig lang kami nila Bella at Lolo, ngunit hindi nakatakas sa paningin ko ang tingin ni Uncle sa'kin, parang may gusto siyang gawin ngunit may pumipigil sa kanya. Ilang beses na siyang ganyan makatingin pero madalas hindi ko na lamang pinapansin.
Nang matapos silang kumain, naghugas ako ng mga pinggan. Habang naghuhugas pumunta ng kusina si Uncle para kumuha ng baso. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paghuhugas. Mabilis din naman akong natapos kaya napag desisyunan ko na mag scroll sa social media para dalawin ng antok.
Finallow din pala ako ni Jax sa twitter at ig kaya finallow back ko siya. Ang dami niyang followers. May isang ig post lang siya, picture niya na nasa sasakyan niya, ang lapad na ngiti na rito. May ig story rin siya kay pinindot ko. Sa coffee shop 'to kanina at may text na maliit sa picture, "With you." ang nakalagay. In fairness, ang ganda ng pagka picture niya. Pwede na siyang maging photographer.
Sa twitter naman 6 mins ago lang ang last tweet niya. "Best day." 'yun lang ang nakalagay. Ang dami na agad like. Wow, famous!
Hindi na rin naman ako nagtagal sa account niya dahil baka may mapindot na naman ako.
Nakatulugan ko ang panonood ng videos sa youtube. Kaya pagkagising ko lowbat ang cellphone ko. Dadalhin ko nalang 'yung powerbank ko.
Nagawa ko na ang lahat ng dapat gawin sa bahay kaya pumasok na ako. Nakita ko sa labas ng bahay si Jax, nakapatong ang dalawang siko sa hood ng sasakyan niya. Soot niya ang uniform nila. White polo patterned with black slacks and black shoes. Suot din niya ang id niya. Ang linis niya lalo tignan.
Nilapitan ko siya. Wala pa ako sa mismong harap niya, naamoy ko na ang pabango niya. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko nang makalapit ako.
Ngumiti siya. "Sinusundo ka. Tara na, sakay ka na." aya niya.
Hindi na rin naman ako nagpaka choosy kaya sumakay na ako. Nagpatugtog siya at sinabayan niya ito. Napangiti ako.
"Come on, Aislynn! We couldn't turn around 'til we were upside down" kanta niya habang nasa kalsada ang tingin.
YOU ARE READING
Eyes Can Tell
RomanceCelestine Aislynn yearns for family love. But a man enters her life and makes her feel the warmth and comfort. Are they meant for each other? Will Celestine take some risk for love?