Ako 'yung tipo ng tao na kapag nasira mo ang tiwala na binigay ko sa 'yo, mahihirapan ka ng ibalik ito. Pero handa naman akong magpatawad. Lagi.
"What do you want?" he gently asked.
We're in a drive-thru fast food restaurant because it's getting late. We need to make this fast.
"A chicken sandwich and a drink will do."
He nodded and said our order to the crew. After we ordered, we decided to stop at the park we last went to. Nasa loob lang kami ng kotse. It's dark, only the moon and the stars are visible in the sky.
We're just eating as if we're alone. Hinayaan ko siya dahil sa tingin ko, gutom din siya kagaya ko. Nakikita ko sa gilid ng mga mata ko na paulit-ulit ang tingin niya sa akin na tila may gusto siyang sabihin.
Umayos ako ng upo at tinignan siya. "Why?"
"A-are you okay now?" he nervously asked.
Inilapat ko sa harapan ang tingin ko. Hindi ko alam kung okay na ako. Pero handa na akong makipag-usap. Hindi rin biro ang nalaman ko mula kay Auntie.
"Yeah, kaya ko pa," I answered.
"You know, I'm here, right?"
Tumango ako. Hindi ko masabi sa kanya na hindi ko pa rin kayang magtiwala ng buo sa kanya ngayon. Nagkaroon ng lamat ito dahil sa nangyari kanina, kahit na nagpaliwanag siya. Hindi ko maintindihan.
"Sinundan kita kanina dahil sa takot na saan ka pumunta. I didn't know na sa cemetery ka pupunta." mahinang sambit niya na tila tinatansya kung magagalit ba ako o hindi.
"Okay lang. Nasanay lang akong magsumbong sa kapatid ko kapag nasasaktan ako."
Tila nagulat siya sa narinig. "K-kapatid?"
Tumango ako. Diretso pa rin ang tingin. "Oo, a premature baby. She died. Hindi nakayanan ng katawan niya."
"I-I'm sorry, I didn't know. Sana pala iniwan nalang kita."
"It's fine. Nalaman mo na, ang pangit naman kung magsisinungaling pa ako." sagot ko.
Nagpatuloy ako sa pagkain nang hindi siya tinitignan. Tanggap ko na naman na wala na ang kapatid ko pero mas masaya siguro kung nandito pa siya. May kasama talaga ako.
"What are you thinking?" he suddenly asked.
Bumuntong-hininga ako. "Wala, naisip ko lang kung paano kaya kung nandito 'yong kapatid ko. Siguro hindi ako mag-isa. Hindi rin aalis si Mama para magtrabaho sa ibang bansa. Magkakaroon siya ng rason para manatili rito."
Yumuko siya. "I'm sorry, ang sabi ko hindi ako dadagdag sa mga paghihirap mo pero tangina, eto."
"It's okay. Linawin na natin lahat bukas kay Tanya, please. Sawa na akong umintindi." mahinang sambit ko.
Ayoko na. Pagod na akong makipagsagutan kay Tanya. Gusto ko na ng tahimik na buhay.
Hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Hinahaplos niya ito na tila inaalis ang lungkot na nararamdaman ko.
"We'll talk to her. Hindi ko hahayaang saktan ka niya at guluhin niya tayo ulit."
Tumango ako. "It's our last day tomorrow. Sana peace of mind na lang iregalo niya sa 'kin ngayong pasko." I joked.
Ngumiti siya ngunit makikita mo sa mata niya ang awa para sa akin. "I'll make sure of that."
Hindi rin nagtagal at napagdesisyunan na rin naming umuwi. Hindi na ako nagpahatid sa tapat ng bahay namin dahil paniguradong makikita ni Auntie si Jax.
YOU ARE READING
Eyes Can Tell
RomanceCelestine Aislynn yearns for family love. But a man enters her life and makes her feel the warmth and comfort. Are they meant for each other? Will Celestine take some risk for love?