Tumango na lang ako at hindi nakipagtalo. Nakakahiya naman, si Alhen lang naman kaibigan ko, tapos pati kaibigan niya naghahatid sa'kin.
"Sa color black na gate." turo ko sa gate ng bahay namin.
Hininto niya ang sasakyan at tinignan ang bahay namin.
"Sino kasama mo sa bahay niyo?" tanong niya.
"Bakit ka nagtatanong?" taas ko ng kilay. "Salamat sa paghatid." dagdag ko at bumaba na ng sasakyan.
Pagkapasok ko ng bahay, narinig kong umalis na rin siya. Papasok palang ako sa pintuan naririnig ko na ang boses ni Auntie.
"Auntie, mano po." sabay abot ko ng kamay niya ngunit iniwas niya agad.
"Aba Celestine Aislynn Hernandez, anong oras na! Hindi ka man lang nagpaalam na gagabihin ka! Kung mapano ka dyan sa daan, ako pa ang sisisihin ng nanay at tatay mo! Akala mo naman nagbibigay sila ng sustento sayo! Wala naman akong maraming pera!" singhal ni Auntie.
"Birthday po kasi ni Alhen, kumain lang po kami. Pasensya na po. " mahinang sabi ko.
"Wala kang ibang inatupag kundi 'yang lalaki na yan! Diba sabi ko layuan mo na yan noon pa! " sigaw niya.
"Hindi naman po gaya ng iniisip niyo ang relasyon namin ni Alhen. Magkaibigan lang po kami Auntie." sagot ko.
"Kaibigan?! Hindi ako naniniwala sayo! Puro ka kalandian manang-mana ka sa pinagmanahan mo!" sigaw niya.
Nagulat ako sa sinabi niya ngunit hindi ko nalang pinahalata. Hindi na naman bago sa akin ang mga panunumbat ni Auntie. Parati naman akong mali sa mga mata niya. Minsan nga napapatanong ako, bakit ganitong pamilya ang napunta sa akin? At bakit parang iba na ngayon ang mga sinasabi niya?
Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Lolo. Dinaluhan niya ako kaagad at pinagsabihan si Auntie.
"Gabing-gabi na Mercedes, magpahinga ka na. Ako ng bahala kay Tin." mahinahong sabi ni Lolo.
Walang nagawa si Auntie kung hindi pumasok sa kwarto para magpahinga.
"Apo" tawag sa akin ni Lolo. Agad ko naman siyang tinignan. "Pagpasensyahan mo na ang Auntie mo. Nag aalala lang siya sayo." dagdag niya.
"Naiintindihan ko naman po, Lo." sabi ko sa kanya habang nakangiti. "Magpahinga na po kayo, magpapahinga na rin po ako. Maaga pa po ang pasok ko bukas." palusot ko para makapagpahinga siya.
"Sige apo." sagot naman niya at pumasok na sa kwarto niya.
Pagkatapos kong makitang nakapasok na siya sa kwarto niya, naghilamos at nag palit ako ng damit para gumawa ng assignment. Mag aalas dose na nang matapos ako. Kaya humiga ako agad.
Ngunit alas dos na, hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Nakatulala lang ako sa kisame at nag iisip kung bakit ganon makitungo si Auntie sa akin, ilang beses ko ng iniisip ito. Hindi na nagsawa ang utak ko, wala naman akong nakukuhang sagot. Masyado na ba akong pabigat sa kanya? Nag bibigay naman tuwing akinse ng pera ang papa ko para sa tuition at allowance ko at kung minsan kasama na rin ang tulong sa mga gastusin dito sa bahay. Ano pa ang kulang?
Alas tres na nang makatulog ako at alas singko nang magising ako. Nagluto na ako bago nag bisikleta.
Hindi gaanong malamig ngayon kahit November na. Iba na rin ang klima sa tuwing nalalapit na ang kapaskuhan. Dati-rati September pa lang malamig na, ngunit ngayon, tuwing madaling araw na lang.
Pagkauwi ko minadali ko na ang pagligo at pag-aayos upang makapasok sa eskwela. Ayaw ko ng maabutan ako ni Auntie sa bahay, baka ano na naman sabihin niya sa akin.
"Hey, Celestine!"
Lumingon ako at nakita ko ang lalaking naghatid sa akin kagabi rito sa baranggay namin. Nakasakay siya sa kotse niya at naka andar ito habang tinatanaw ako.
"Bakit?" tanong ko.
"Papasok ka na?" tanong niya.
"Obvious ba?" sabi ko sabay irap sa kanya. Ano ba kasing ginagawa niya dito?
"Tara sabay ka na!" alok niya.
"Hindi na, salamat nalang. " tanggi ko at binilisan ang paglakad. Masyado naman atang makapal mukha ko kung makikisabay na naman ako sa kanya.
"Come on! Hop in! I'm waiting!" sigaw niya.
"Are you deaf? I said I don't want to. Just leave! You're making my day even worst!" sigaw ko pabalik sa kanya.
Hindi naman sa pagiging choosy pero nakakahiya na kasi. At wala ako sa mood makipagtalo. Masyado kong inisip ang mga sinabi ni Auntie kagabi, gusto ko munang mapag-isa.
Umalis nga siya at iniwan ako. Nagpatuloy ako sa paglalakad at sumakay ng jeep. At hindi naman nagtagal nakarating ako sa eskwelahan.
Nakayuko lang ako at walang pinapansin. Pinaka ayoko ang atensyon. I feel like they are judging me the way they look at me. I don't want that ever since.
"Hey Tin, hinatid ka raw ni Jax kagabi?" bungad ni Tanya pagkapasok ko ng room.
"Oo, pero kasama naman namin noong una si Alhen." I said. I don't think I need to explain anything to them.
"Oh really?" taas kilay niya.
"Oo. " mahinang sabi ko.
"Oh I see, naaawa na naman siguro sayo. Kawawa ka kasi e'." sabi ni Deth habang tumatawa.
Hindi ko na lamang sila pinansin. Pagod ako. Ayoko ng gulo. Nanahimik na lang ako buong klase, at nang matapos ito, dumiretso ako sa library para matulog. Pinilli ko ang pinaka hindi masyadong pinupuntahan na section sa mga libro ng mga estudyante.
Ngunit hindi ako nakatulog dahil iniisip ko pa rin ang sinabi ni Auntie at ang mga sinabi ng mga kaibigan ko. Tinungkod ko ang kamay ko sa mga tuhod ko. Unti-unting tumulo ang mga luha pababa ng mata ko. Hindi ko alam kung saan ito nanggaling. Masyado kasi akong sensitibo 'pag pamilya na ang usapan.
"Kapatid.." bulong ni Alhen. Pinunasan ko kaagad ang luha ko bago humarap sa kanya. Naka indian seat para mag pantay kami.
"Oh?" tanong ko.
"Kanina pa kita hinahanap. Okay ka lang? May nangyari ba? Nag lunch ka na? Bakit natutulog ka na naman dito?" sunod sunod na tanong niya.
Tumingin ako sa lalaking nakatayo at nakita ko si Jax na seryosong naka-tunghay sa amin.
"O-Oo, okay lang ako. Walang nangyari. Hindi pa, mamaya na lang. Matagal pa naman bago ang susunod na klase ko." sagot ko at iniwas ang mga mata ko sa lalaking nanonood sa amin.
"O'sige sabi mo e'. Basta nandito lang ako. Pwede mo akong sabihan, dating gawi!" sabi niya. "Alis na kami, tulog ka na ulit." mailkiling dugtong niya.
Tumango ako at bumalik sa dating posisyon. Narinig ko rin ang mga yapak ng mga sapatos na paalis. Inangat kong muli ang ulo ko at nagulat na nakatingin sa akin si Jax.
"Why did you lie?" he asked.
YOU ARE READING
Eyes Can Tell
RomanceCelestine Aislynn yearns for family love. But a man enters her life and makes her feel the warmth and comfort. Are they meant for each other? Will Celestine take some risk for love?