Nilapitan ko silang dalawa. Mariin pa rin ang tingin ni Lolo sa lalaki.
"L-lo" tawag ko.
Lumingon si Lolo sa akin habang nakataas ang kanang kilay. Kinakabahan ako sa pwede niyang sabihin.
Ano ba kasing ginagawa ni Jax dito?
"Celestine, kilala mo raw sya?" tanong ni Lolo sa akin.
Tumango ako bago sumagot. "Opo, Lo."
"Sino sya? Kaklase mo?" mariin tanong pa rin nya.
Tinignan ko si Jax at nakatingin lang siya sa akin, tila naghihintay ng aking sasabihin.
"A-ano po, s-si Jax p-po." kinakabahang sambit ko.
Paano ba magpakilala ng manliligaw?!
Inilagay ni Lolo ang dalawang kamay niya sa dibdib nya at mariin ang tinignan.
"A-ano po, Lo-" utal utal na saad ko.
Tumikhim si Jax at nagsalita. "Hi, po." Binalingan namin ni Lolo ang lalaki. "I'm Jax po, manliligaw po ni Celestine." sambit niya na ikinagulat ko.
Nasabi niya 'yun ng diretso?! Bakit ako nauutal-utal pa?!
"Ano? Manliligaw?" hindi makapaniwalang tanong ni Lolo at tinignan ako na tila nagtatanong kung totoo ba ito o hindi.
Ibinaba ko ang tingin ko dahil masyado akong nahihiya. "T-totoo po, Lo." mahinang sambit ko.
Tumikhim si Lolo bago nagsalita. "Pumasok kayo sa loob, dun tayo mag-uusap." pagkatapos niyang magsalita dumiretso na siya papasok ng bahay.
Inangat ko ang tingin ko ang lalaki sa harap ko at bumuntong hininga.
Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at tinignan ako diretso sa mata. "Hey, I'm sorry. I got worried, so I want to bring you food and medicine."
Ngumiti ako. "That's fine, sabi ko naman sa 'yo 'di ba ipapakilala kita."
Tumango siya. "Kinakabahan ako, Ais. "
I chuckled. "Really? Ang diretso mo nga nasabi na nanliligaw ka!"
Natawa siya. "'E syempre, praktisado ako 'e!"
"Nako, dati pa namang black belter sa taekwondo si Lolo." pabiro kong sambit.
Nanlaki ang mata niya. "Huh?! Napagkamalan ko pa naman siyang driver kanina!"
"What?!" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Oo! Sabi ko ba naman 'Manong, si Celestine po?' Malas, minus points." sambit niya at sabay gulo ng kanyang buhok.
Pinatigil ko siya sa paggulo ng buhok niya at inayos ko ito. "Ano ka ba, just be yourself. Magugustuhan ka ni Lolo." pampalubag loob ko. "Tara na, pumasok na tayo baka mag sample ang black belter 'pag di pa tayo pumasok." sambit ko.
Pumasok kami at nakita ko si Lolo na nasa sala at nakaupo sa one-seated the upuan.
"Maupo kayo." mariin sambit niya.
Kinakabahan akong umupo sa tapat ni Lolo. Alam kong kinakabahan din si Jax dahil napagkamalan ba naman niyang driver si Lolo.
First time kong magpakilala ng manliligaw sa kanya. Hindi ko alam kung anong reaksyon ang meron siya, pero batay kanina sa riin ng mga salita niya, hindi siya masyadong kombinsido.
"Kelan pa?" paunang tanong ni Lolo.
Tumingin si Jax sa akin at sumenyas na siya na ang sasagot.
YOU ARE READING
Eyes Can Tell
RomanceCelestine Aislynn yearns for family love. But a man enters her life and makes her feel the warmth and comfort. Are they meant for each other? Will Celestine take some risk for love?