Kabanata 16

18 2 1
                                    

Hindi ko alam ang isasagot ko kay Jax. Nag isip muna ako kung mag oo ba ako o hindi.

"But, it's okay if I can't call. I understand, you need to rest." dagdag niya.

Sa tagal ko yatang nag iisip kaya inakala niya ay hindi pwede.

"No, it's okay," I replied.

Wala naman sa akin kung tatawag siya. Ang kaso nga lang ay nahihiya na naman ako. Hindi ko alam kung paano makipag usap. Kailangan ko na bang mag search ng topics sa google? Paano kung ma boring siya sa akin?

"Thank you! You can continue what you were doing. Just update me if you're done, so I can call you." he replied.

"Okay." tanging sagot ko.

Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa. Mamaya ko na iisipin ang mangyayari.

Mabilis din naman akong natapos dahil hindi naman ganun kahirap ang mga nasa libro.

Huminga muna ako ng malalim bago ko kinuha ang cellphone ko at ichat si Jax.

"I'm done, Jax," I said.

Tulog na kaya siya? Ang tagal ko yata bago matapos. Baka nainip na.

Habang naghihintay ng reply ni Jax. Inayos ko muna ang mga gamit ko na nasa kama at inayos ko na rin ang pag hihigaan ko.

"Okay, I'll call now," he replied after 3 minutes.

Kinabahan ako nang mag ring ang cellphone ko. Umupo ako ng maayos at isinandal ang ulo ko sa headboard ng kama. Huminga na naman ako bago sagutin ito. Mabuti na lang pala hindi video call ang sabi niya. Kung hindi, hindi ko na talaga alam.

[Hello] bungad niya sa kabilang linya.

Alam na alam mong nasa loob na siya ng kwarto dahil sa boses niya. I still can't believe that we're talking this late.

[H-hello] nauutal na sagot ko.

What the hell, Tin! Umayos ka. Nakakahiya ka!

[Ang sipag mo talaga 'no] pambobola niya.

Napailing ako sa kinauupuan ko pagkatapos niyang sabihin iyon.

[Edi gayahin mo] sakay ko sa sinabi niya.

Rinig na rinig ko ang tawa niya mula sa kabilang linya.

[Sige, sa susunod sabay ulit tayo mag aaral, ginaganahan ako mag-aral 'pag kasama ka.] dahil sa sinabi niya kaya napatigil ako. Bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit ba siya parating nambibigla!

Mag aaral ulit kami ng sabay? Kelan?

[O-okay.] tanging sagot ko.

Wala namang problema kung sabay kami ulit. Basta nakakapag aral ako ng maayos, ayos na sa akin 'yon. At makakatulong pa sa kanya.

[By the way, I already talked to Tanya.] sambit niya.

[And?] I asked. I think he wants to talk about this right now, even though this will be better if in person but it's okay with me.

[She cried.] tugon niya.

What? Bakit siya umiyak?

[Why? You made her cry?] I asked.

Hindi sa nambibintang ako. Baka kasi anong sinabi ng lalaki sa babae.

[No? I mean, I just talked to her and I also asked her why did she do that to you. I also said I like you and I don't like her.] he said those lines confidently.

Eyes Can TellWhere stories live. Discover now