Kabanata 23

5 0 0
                                    

"Mag-iingat ka. Uminom ka parati ng tubig. Kumain ka ng marami."

Tinititigan ko lang si Jax habang nagsasalita siya. Pinabaunan pa niya ako ng agahan na siya mismo ang nagluto at isang hydro flask na may tubig. Ala sais palang ng umaga ay nasa terminal na kami ng bus. Gusto pa nga niya akong ihatid pero umayaw ako. Masyadong malayo 'yon, wala siyang kasama pabalik.

Nakapagpaalam na ako kina Auntie na aalis ako, mabuti naman daw para walang sakit ng ulo.

"Are you listening, Ais?"

Tumango ako. "Oo naman. I just love listening to your voice."

He smirked. "So, are you already falling in love with me?"

I chuckled. "Neknek mo."

Tumawa siya sagot ko at binigyan ako ng mahigpit na yakap. Hinilig ko ang ulo ko sa dibdib niya at naramdaman kong natatamaan ng labi niya ang gilid ng ulo ko kaya hindi na ako nagtaka nang naramdaman 'kong hinalikan niya ako roon.

"See you in three weeks," mahinang paalam ko habang nakayakap pa rin sa kanya.

"See you."

Hindi naman mahirap magustuhan ang lalaki. At aaminin ko, gusto ko na siya, wala pa nga lang sa puntong pwede ko na siyang sagutin. Gusto ko ng sigurado.

Kumaway na lamang ako sa kanya nang magsimulang umandar ang bus. Mahaba-haba ang biyahe ko. Sosopresahin ko si Nanay sa pagdating ko. Matagal na rin kasi mula noong huli akong umuwi roon.

Pagkaraan ng mahigit apat na oras na nakaupo sa bus, nakarating na ako sa probinsya ng Nueva Ecija. Makikita mo ang ekta-ektaryang bukirin. May mga tanim na palay at tubo. Sariwa rin ang hangin dito. I miss this place. I miss the place where I grew up.

Pagpasok ko palang sa gate ng lola ko, naririnig ko na ang ingay ng paborito niyang takure. Magkakape na naman siguro siya.

"Nay," tawag ko. Nanay ang tawag naming lahat magpipinsan sa kanya dahil ayaw niya kasi ng lola dahil nakakatanda raw.

Unti-unti siyang lumingon. Kitang-kita ko mula sa mga mata niya ang pagkagulat nang makita ako.

"Apo!" sigaw niya habang papalapit sa 'kin at binigyan ako ng isang mahigpit na yakap. "Ang laki-laki mo na! Dalaga ka na talaga."

Tumawa ako. "Nay, noong huling uwi ko rito sinabi mo na rin yan 'e."

"Aba'y sobrang nag dalaga ka ngayon kumpara noon!" sambit niya at bumitaw ng yakap sa akin. "Hindi ka man lang nagsabi na pupunta ka, nakapaghanda sana ako ng pagkain mo."

Umiling ako. "Ayos lang po, kung ano nalang po ang nandyan 'yon ang kakainin ko."

Tumango siya at naghanda ng makakain. Maliit lang ang bahay ng lola ko rito. Magmula noon hanggang ngayon ganito pa rin ang ayos nito. Gawa sa kahoy ang nagsisilbing second floor ng bahay, nandoon ang kwarto niya. May isang kwarto rin sa baba na ginawang bodega. May maliit na tindahan din siya rito para nalilibang siya.

"Sabayan mo na ako, Nay." aya ko.

"Hindi na, nakapagkape na rin naman ako. Tatawagin ko nalang si Tricia para sabayan ka." tugon niya at lumabas ng bahay para tawagin ang pinsan ko na nakatira sa likod ng bahay.

"Hala, insan!"

Tumawa ako. "Para ka namang nakakita ng artista sa reaksyon mo! Halika na rito, sabayan mo 'kong kumain."

Tumango siya at kumuha ng pinggan. Habang kumukuha siya ng pinggan, tinext ko si Jax na nakarating na ako. Nagreply naman siya agad na nagsasabing kumain na muna ako.

Eyes Can TellWhere stories live. Discover now