Kabanata 13

12 2 0
                                    

He sighed before proceeding on driving.

Hindi naman talaga big deal sa akin 'yon. Kaibigan daw ng ex niya so, okay lang. Pero feeling ko, akala ng babae na bagong jowa ako ni Jax kaya may diin ang pag-sabi niya ng ex kanina.

"Still, sorry. I feel like nabastos ka niya in some way." sabi niya.

Umiling ako. "Hindi naman, feeling niya siguro bago mo akong jowa kaya ganun siya makaasta. Ayos lang 'yon." sambit ko.

Natigilan siya ngunit nakabawi naman. He smiled. "Akala niya gf kita ganon?" tanong niya.

"Oo, kaya siguro ganun kadiin ang pag emphasize niya ng salitang ex." sabi ko ng may halong tawa. "Shipper ni'yo siguro ng ex mo 'yon." dagdag ko.

He laughed. "Hindi ko nga siya kilala 'e. We never met before. " he said.

"Well, maybe your ex shares something with her, kaya nakilala ka niya." kibit balikat na sambit ko.

May mga ganun kasi 'di ba? Lalo na sa mga babae, kinukwento nila sa mga kaibigan nila kung anong nangyari sa kanila ng boyfriend nila.

"Why? You're like that?" he asked while smirking.

Tumawa ako. "Hindi naman masyado, I mean wala naman akong kaibigan na babae, so parang hindi." sagot ko.

Tumawa siya. "Well, Alhen knows about this somehow?" he asked.

Tumango ako. "Oo, pero hindi naman lahat sinasabi ko sa loko na 'yon, kasi I know he has his own life to deal with." sambit ko.

Tumango siya. "I'm getting to know you because of this day, huh?" may tawang sambit niya.

Tumawa ako. "Well, maybe?" biro ko kaya tumawa rin siya. At ngayon ko lang napansin na may dimples pala siya. Tuwing ngumingiti at tumatawa lang kasi siya evident ang mga ito.

Nakarating kami sa karinderya na sinasabi niya. Hindi siya normal na karinderya. Feeling ko nga papunta na ito sa restaurant. May mini garden din ito sa likod. At ang mga upuan ay maayos na nakasalansan.

Pumili ako ng pwesto at siya naman ang nag order. As usual, pinili ko ang pinaka dulo.

Nilapag niya ang mga order bago umupo sa tapat ko. "Bakit ba gusto mo parati sa pinakadulo?" curious na tanong niya.

"Walang titingin." maikling sabi ko.

Tumango siya. "Ayan, may sinigang na shrimp, kaldereta, at adobo. Okay na ba yan sa'yo?" sabi niya.

Tumango ako. "Oo naman, ang dami na nga nito 'e." sambit ko.

Nilabas ko ang wallet ko. "Magkano?" tanong ko.

Tinaasan niya ako ng kilay. "No, it's okay. My treat." he said.

Kumunot ang noo ko. "Huh? I said I'm the one who'll treat you, right?" I said.

Tumango siya. "Yeah, but I won't let a woman pay for my food." he explains.

Umiling naman ako. "No, I'll pay." I insisted. "Please?" I said the magic word while my palms are together.

He smiled. "Fine, whatever you want. It's 165 pesos." he said. And I gave it to him. "Damn, ang cute niya." he mumbled kaya hindi ko na naman narinig.

We ate our lunch peacefully. Nagkukwentuhan din kami habang kumakain kaya mas naenjoy ko ang pagkain. At hindi nga siya nagsisinungaling, masarap nga talaga ang mga ulam dito.

"Gusto mo pa ba ng kanin?" tanong niya.

Naubos na namin ang kanin at may konting tirang ulam na lang. Napag desisyunan naming ibigay na lang sa matandang nasa labas ng karinderya ang tira.

Eyes Can TellWhere stories live. Discover now