Matagal bago ko nakuha ang sinabi niya. Kumurap ako. "A-anong ibig mong sabihin?" kinakabahang tanong ko.
"Nothing. I just want to share it with you, cuz' you're my friend." inosenteng sambit niya.
Tumango ako at tumayo. "Ah sige. Una na'ko masyado ng gabi."
"Hatid na kita." mabilis na sabi niya.
Umiling ako. "Hindi na kailangan. Kaya ko naman ang sarili ko. Salamat na lang." sabi ko.
Ayoko na kasing makaabala sa kanya. Marami na siyang favor na ginawa para sa akin.
"Hindi, ayos lang talaga. Kahit kaya mo man, hahatid pa rin kita. Baka may mga lalaki d'yan sa daan, mapano ka pa. 'E di kargo pa kita." sabi niya.
Hindi na ako nag inarte at tumango na lang. Ang dami niyang sinasabi 'e.
"I'll carry your guitar." he presented.
I nodded. "Thanks." I only said.
Naglakad na kami. Sakto lang para magka-rinigan kami ang pwesto namin. Hindi naman kalayuan ang playground sa bahay. Ngunit dahil sa bagal niyang maglakad feeling ko aabutin kami ng siyam-siyam.
Habang naglalakad, hinawakan niya ang siko ko at itinabi sa tabi at siya naman sa bandang nadadaanan ng mga sasakyan.
"San ka pala mahilig? I mean anong favorite food mo?" panimulang tanong ko.
Gaya ng sabi ko marami na siyang favor na nagagawa para sa akin. Ang paghatid sa bahay tuwing uwian ay malaking bagay na. Kahit isa wala pa akong naibabalik sa kanya. Kaya napag-desisyunan ko na tanungin. May allowance pa naman ako kasi nakuha ko na ang pera galing kay Papa. Pwede ko siyang ilibre ng meryenda or lunch.
"Favorite kong fast-food resto is Jollibee. Favorite ulam ko naman, 'yung mga ulam na may shrimp." sagot niya. "Why? Are you going to treat me? Or you're simply asking for a date?" he smirked.
What the freaking hell? Saan ba niya nakukuha ang apog niya na yan?
Tinaasan ko siya ng kilay. "Feeling ka! Gusto ko lang makabawi kasi ilang beses mo na'ko naihatid sa bahay. Nakakahiya na. So, sa monday lunch tayo. My treat!" paliwanag ko, para naman malaman niya ang tunay na dahilan.
He nodded. "I thought I'm going to score a date with you. Freak, that's one of my dreams," he mumbled that I couldn't understand and hear well.
"What?" I asked. Bakit ba siya bumubulong-bulong mag-isa? At infairness ang hina talaga, kahit magka-tabi kami hindi ko marinig. Naglinis naman ako ng tenga.
"Huh? Nothing," he said.
I just nodded. Weird.
"So, what are you going to do kay Alhen?" he suddenly asked.
"What will I do? I'll support him. He's my friend. I want, and we want the best for him, and maybe this is the start." I said.
He nodded. "I like the way you talk," he said. I just smiled. "But I like you more." he mumbled again.
Hinarap ko siya at naglakad ng patalikod. "You're getting weirder and weirder! You keep on mumbling something to yourself! I'm here! I'll liste-"
Hindi pa ako tapos singhalan siya, nang muntik akong matisod sa isang bato kung hindi niya lang ako nahawakan sa bewang. Kitang-kita ko na naman sa malapitan ang mga mata niya. It is black and it adds color in the night sky. Bagay na bagay sa kanya.
"Be careful, miss," he said kaya napabalik ako sa reyalidad.
Inalis ko ang hawak niya, and I smiled awkwardly. "T-thanks."
YOU ARE READING
Eyes Can Tell
RomanceCelestine Aislynn yearns for family love. But a man enters her life and makes her feel the warmth and comfort. Are they meant for each other? Will Celestine take some risk for love?