Hindi ko alam kung saan nanggaling ang inis sa akin ni Tanya. Wala naman akong nakikitang masama na ginagawa ko.
"Ano bang pinagsasabi mo?" tanong ko.
Umirap siya. "Whatever, bitch!" sabay talikod sa'kin at bumalik sa pwesto niya.
Lahat ng mga kaklase ko sa akin nakatingin. Wow, great! I said I don't want attention but look what happened. Freaking life.
Mabuti na lang dumating na ang prof namin kaya tumigil sila kakatingin.
Sino bang sinasabi ni Tanya? Kanino ako nag papansin?
Kay Jax ba? Oo, halata ko naman na may gusto siya sa lalaki pero big deal ba na makipag-kaibigan ako sa lalaking gusto niya? I mean, hindi naman sila. Hindi ko rin naman matanggihan ang lalaki dahil walang ginawa 'yon kung hindi maging mabuti sa'kin.
Makakasira ba ito sa pagkakaibigan namin nila Tanya? Kailangan ko na bang iwasan si Jax? Pero 'di ba sabi niya noon, gusto niya rin si Alhen? Sino ba talaga?
Hindi ko na lang pinansin at nakinig na lamang ako. Baka bumagsak ako ng wala sa oras. Sayang tuition.
Mabilis natapos ang dalawang klase ko na walang kumakausap sa akin. Hindi na rin naman ako nag expect na kakausapin ako ni Deth or Sadie. Alam ko namang kay Tanya sila kampi. Hinayaan ko na lang, ayoko na rin naman ng gulo, kung ipagpipilitan ko pa ang sarili ko sa kanila.
Mag-isa akong naglakad papunta ng canteen. Sana nandoon na si Alhen. Baka mabulok na laway ko, kasi anim na oras na akong hindi nagsasalita.
Luminga-linga ako sa canteen para sana hanapin si Alhen ngunit iba ang nakita ko, si Jax na may malapad na ngiti at kitang-kita ko mula sa pwesto niya ang mga pagkain. Mga limang klase ng ulam yata 'yon. Kinawayan niya ako at sinenyasan na lumapit. Wala akong nagawa.
"Ang dami mong order?" panimula ko bago umupo.
"Ah wala. Gutom kasi ako." sagot niya. "Kain ka na. Pumunta lang ng library si Alhen." dagdag niya.
Umiling ako. "Hintayin na natin siya. Mahaba pa naman ang vacant ko." sambit ko.
Wala siyang nagawa kaya hinintay nga namin si Alhen. Hindi rin naman nagtagal dumating ang lalaki na pawisan dahil yata sa init.
"Ang pawis mo, tanga." sabi ko nang makalapit siya.
Sinamangutan niya ako. "Mainit, okay? At ang layo ng library mula rito!" singhal niya.
Kibit-balikat na lang ang sinagot ko at sinenyasan siyang maupo na para makakain na.
"Libre ba ito, tol?" Tanong niya kay Jax.
"Oo, 'di ko rin naman mauubos 'yan." sagot naman ni Jax.
Syempre tuwang-tuwa si Alhen at dahil nakalibre na naman.
"May okasyon ba? Bakit ka nag-libre?" tanong ko.
"Yeah a little, I just want to celebrate kasi nakapasok ka sa panlalaking CR." sabi niya at hinaluan pa niya ng tawa.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"W-what? She did what?" tanong ng isang loko-loko sa tabi niya.
"Dude, pumasok siya sa CR ng boys kaninang umaga! Mabuti na lang kamo, walang tao sa loob!" kwento niya. At wala namang ibang ginawa si Alhen kundi tumawa.
"Whatever, Jax! It should be a secret for the both of us!" singhal ko.
He smirked. "For the both of us?"
"Oo! Bakit mo pa sinabi sa isang 'to!" sagot ko habang nakaturo kay Alhen.
"Hoy, Celestine Aislynn! Dapat alam ko rin! Ang tagal na nating mag-kaibigan! Akala mo naman, 'di ko alam 'yung nadulas ka sa harap ng mga seniors natin noong high school! " singhal niya pabalik sa'kin.
YOU ARE READING
Eyes Can Tell
RomanceCelestine Aislynn yearns for family love. But a man enters her life and makes her feel the warmth and comfort. Are they meant for each other? Will Celestine take some risk for love?