The word cheating is painful for me.
The way they kissed reminds me of the fact that my dad cheated on my mom. Gano'n na gano'n. Naghalikan sila ng babae niya kaya nasira ang pamilya namin. I still don't know the reason why he did it but I want answers from him. Are we not enough to fulfill his happiness? Tangina, kahit pala may anak ka na, kaya mo pa ring talikuran ang mga 'to para sa pansarili mong kaligayahan.
Why are people not content with what they already have? Why do they keep on wanting more?
The heavy cry of my mother is still vivid in my mind. Asking herself why my father did it. The way she finds answers to her questions but couldn't find one. It breaks me into pieces. It hurts.
When I witnessed my mom's hardship to stand up again, I promised myself that my future children will not experience what I've experienced. They deserve all the good things in this world.
Baka isa 'yon sa dahilan kung bakit ayokong magka boyfriend noon, dahil sa tingin ko lahat ng lalaki tatalikuran, ipagpapalit, at sasaktan ako. Sarili ko ngang ama nagawa 'yon, sila pa kaya?
Mabilis akong lumabas ng sasakyan niya. Pinunasan ko ang mga luha ko dahil pingtitinginan na ako ng mga estudyante. Tingin-tingin niyo d'yan? Gusto niyo rin umiyak? Inirapan ko sila. Wala akong pakialam, gusto ko na lang umuwi.
Mabilis lang din naman akong nakapara ng jeep dahil marami sa mga ito ang nakapila. Dali-dali akong sumakay dahil ayokong makita niya ako. Hindi ko alam anong masasabi at magagawa ko sa kanya.
Nang makarating ako sa labas ng bahay, may ibang sapin sa paa ang nasa lagayan ng mga sapatos. Napagtanto kong may bisita siguro si Auntie dahil pang-babae ito.
Hindi nga ako nagkamali dahil dinig na dinig ko sila mula sa kinatatayuan ko. Hindi muna ako pumasok sa loob para ayusin ang sarili. Ayokong makita nilang galing ako sa pag-iyak.
"Dito pa rin ba nakatira 'yong pamangkin mo?" tanong ng kaibigan ni Auntie.
"Oo." iritang sagot ni Auntie.
Tumawa naman ang kaibigan nito. "Mainit pa rin pala ang dugo mo sa batang iyon?"
"Aba, oo naman! Sino ba namang hindi iinit ang ulo sa batang hindi naman dapat narito!" galit na galit na sambit ni Auntie.
"Ikaw, magsabi ka nga sa akin. Ano ba talagang ginawa ng bata na 'yon sa 'yo? Bakit ka nagkakaganyan? Simula noon hanggang ngayon, parati ka na lang galit sa tuwing tatanungin ko 'yan." takang tanong ng bisita.
"Ewan ko ba, wala talaga akong kaamor-amor sa batang 'yon!"
Bumuntong-hininga ako. Oo, noon pa man mainit na ang dugo ni Auntie sa akin. Akala ko noon, kaya lang siya galit dahil hindi ko nasusunod ng maayos ang mga utos niya. Pero ngayon, hindi ko na maintindihan kung saan nanggagaling ang galit niya.
"Magsimula noong nabuo 'yan! Nagka leche-leche na ang buhay ni Ate!" dagdag ni Auntie.
Kumunot ang noo ko. Bakit? Anong nangyari kay Mama noong pinagbubuntis ako? Kasalanan ko ba?
"'E 'di ba sabi mo, iyong ate mo at ang dating niyang asawa 'e hindi naman talaga sila nagmamahalan noong nabuo ang bata na 'yan?" klarong sambit ng kaibigan ni Auntie.
Lalong kumunot ang noo ko. Hindi nagmamahalan? Bakit?
Hindi ako bunga ng isang pagmamahal?
Matanda na ako kaya naiintindihan ko na ang mga sinasabi nila. Hindi rin naman ako inosente gaya ng sinasabi ng iba.
So, it means I was made not by love, but rather made of lust? A sin?
"Oo! Bunga lang naman 'yan ng isang gabing pagkakamali!" sagot ni Auntie. "Nandidiri ako sa tuwing nakikita ko ang bata na 'yan! Nakakasuka!" pawang diring-diri na sambit ni Auntie.
YOU ARE READING
Eyes Can Tell
RomanceCelestine Aislynn yearns for family love. But a man enters her life and makes her feel the warmth and comfort. Are they meant for each other? Will Celestine take some risk for love?