Ilang segundo pa siyang tumitig sa'kin bago tumango. Siguro iniisip niya kung bakit 'yon ang sinabi ko.Sa isip ko, mas mabuting sikreto na lang muna kasi mas mapapahamak si Iver kapag hindi. Ayoko namang palagi na lang siyang sasalo ng kamao. Hindi porket kaya kong linisin at gamutin ang mga sugat niya ay hahayaan ko lang din siyang masaktan.
"Okay lang ba sa'yo? Kasi ako, gusto kong ipagmalaki ka," tukoy niya sa kagustuhan kong isikreto ang lagay naming dalawa. Napangiti ako dahil doon.
Marahan akong tumango habang nakatitig sa mga mata niya, "If it's with you, Iver." I felt him stiffen pero agad din siyang nakabawi.
Yumuko siya at sinandal ang ulo sa balikat ko. Humigpit din ang pagkakahapit niya sa aking bewang. Nararamdaman ko ang bawat paghinga niya. Inangat ko naman ang kamay ko at pinaglaruan ang buhok niya. Nanatili lang kami sa ganoong posisyon.
Hindi ko akalaing magkakaroon ako ng ganitong pagkakataon kasama si Iver. 'Yung tahimik lang at payapa. 'Yung hindi niya ako ginagago at hindi ako naiinis sa kanya. Parang ang precious lang ng moment na 'to.
"Gusto kitang halikan," aniya at nag-angat ng tingin sa'kin.
"ANO?!" Takte naman 'tong si Iver, nag-mo-moment na 'ko rito eh! Sabi ko nga, ang precious talaga noong ayos namin kanina kasi minsan lang siyang hindi nanggagago.
"Boyfriend ka? Boyfriend ka?" Pambabara ko. Halik halik na iniisip nito, naka-fast forward? Tumayo na ako sa pagkakaupo sa hita niya.
"Sabi ko nga hindi! Gusto lang naman, hindi ko naman sinabing hahalikan kita ngayon!" Inis na bawi niya at inirapan pa ako. Wala na, sira na talaga 'yung moment.
"Uwi na 'ko," sabi ko at nagsimula nang maglakad papunta sa pintuan. Sumunod naman siya sa'kin.
"Hatid na kita." Napatingin ako sa kanya nang magsalita siya.
"Bababa lang ako ng ilang floors, Iver. 'Wag na," baka 'pag sumama ka pa sa 'kin sa unit, doon kita halikan. Syempre hindi ko sinabi 'yon, baka isipin niyang gustong-gusto ko siya. I mean, totoo naman pero 'wag niya lang isipin hahaha.
Hindi na nagpumilit si Iver at hinayaan na lang ako. Pagkaabot ko sa unit ay halos mapagod ako kakatalon. Hinampas-hampas ko pa ang mga unan. Ngayon ko lang binubuhos ang kilig kong kanina ko pa pinipigilan!
Para akong highschool na pinansin ng crush sa hallway. Aaack! Sure na ba 'to? I mean, totoo 'to? I'm dating someone? For real? Gosh! Parang nagka-flavor ang buhay ko.
Ilang minuto pa akong nagpahinga sa katatalon nang tumunog ang phone ko. Tiningnan ko naman kung ano ang notification na naroon.
Iver Lacson sent you a friend request.
Napasinghap pa ako nang mabasa ko iyon pero agad ko namang in-accept. Matapos kong gawin 'yon ay may bagong nag-pop up na notification.
Iver Lacson sent an attachment.
Iver Lacson: Punta hehe
Binuksan ko ang messenger ko at nakita roon ang messages niya. In-open ko naman ang attachment at binalik ako nito sa Facebook kung saan may isang post ng travel page na sikat.
'Yung post ay tungkol sa isang peak doon sa Don Salvador Benedicto, isang lungsod dito sa Negros. Kilala ang DSB bilang mini Baguio or mini Tagaytay kasi magkatulad ang weather nila at ang anyo ng lugar.
Ang peak naman na gustong puntahan ni Iver, overlooking siya sa kabundukan sa ilalim nito. May mga pictures na 'yung ulap ay naaabot na ng peak. Open ang area kaya kitang-kita talaga ang tanawin.
BINABASA MO ANG
We Were (We Series #1)
Romance[ EDITING ] Maria Aileen Ayala was just living her life as she wishes it to be. She was clear with her ambitions; persistent and uncontrollable. She was ideal. She was the girl people would always remember like she was imprinted in anyone's memory...