09

445 270 156
                                    


"Sis, ano na? Anong gagawin d'yan? Ayaw bumangon," ani Cherry na nasa tabi ko. 

Nakatayo kami ngayon sa harap ni Iver na nakahiga sa couch, tulog. Naparami kasi siya ng inom dahil na rin siguro sa laro nila kanina. Lahat ng dare ay tinanggihan niya. Dapat pala truth or truth na lang sinalihan niya kung may ganoon man.

It's already 2 AM at unti-unti na kaming kumukonti rito sa table. 'Yung iba, nasa baba na at nagsasasayaw. 'Yung iba naman, hindi ko alam kung saan, baka umuwi na o ewan.

"Aba, ba't ako tinatanong mo? Hindi ko 'yan anak," sabi ko kay Cherry kaya napabuntong-hininga siya. Humarap naman siya sa'kin at nagpamewang. 

"Baka nakalimutan mong noong nalasing ka, hindi ka pinabayaan niyan," aniya at tinuro pa si Iver.

Ano ba naman 'to? Parang history repeats itself pero nag-change ng point of view! Oh edi sige, siya naman nalasing ngayon, ako naman ang mag-aalaga. Tapos mag-uusap kami, lalabas, mag-cha-chat, tapos kunwari sweet ako sa kanya, tapos hindi ko na lang siya kakausapin bigla. Try ko nga para maramdaman niya.

Inisip ko pa kung ano bang posibleng mangyari kung ako ang mag-uuwi kay Iver sa condo nang sikuhin ako ni Cherry.

"Oo na! Ako na!" Singhal ko sa kanya. Ngumiti naman siya at bumaba sa dance floor, hinahanap si Liam.

Yumuko ako para maka-level si Iver. Tinitigan ko siya na para bang inuusisa ko kung ano ba talagang nangyari rito. Hindi naman ganito ang hitsura niya noong nagkikita pa kami. Palagi siyang fresh noon. Ibang-iba ngayon. May mga pasa siya sa mukha, may benda pa. Putok pa ang labi. Ang alam ko, football player 'to at hindi boxer. Ba't siya parang nabugbog?

"Iver. Iuuwi na kita," sabi ko. Nakita ko namang kumunot ang noo niya. 

"Uwi? Ayoko umuwi. Ayoko sa bahay," sagot niya. Medyo malabo pa ang pagkakasabi dahil sa kalasingan at sa antok. Mahina at husky ang boses niya kaya nahirapan din ako sa pag-intindi.

"Sa condo," marahang sabi ko. Tumango-tango naman siya habang nakapikit pa rin. Minulat niya ang mga mata at pilit iniupo ang sarili. Babangon naman pala eh! Kanina pa sigaw nang sigaw si Cherry rito pero parang patay lang siya kanina. Parang gusto ko tuloy ibalik sa kanya ang sinabi niya sa'kin noon. 

You were dead, mister. Para maramdaman niya rin!

Tumayo siya pero napakapit din sa couch nang bigla siyang matumba. Nilagay ko sa balikat ko ang braso niya at hinawakan siya sa bewang para maalalayan. Nasaan ba kasi si Liam kapag kailangan siya? Kanina pa siya hinahanap ni Cherry pero hindi pa sila nakakabalik rito! Ano ba naman 'yan?!

Nakakalakad naman si Iver pero inaalalayan ko pa rin siya kasi hindi siya tuwid maglakad! Baka makabunggo pa 'to, para pa namang bato ang katawan niya. Kawawa naman ang mabubunggo, 'di ba?

Pinaupo ko siya sa shotgun seat ng kotse ko. Umikot ako sa kabila at pumasok na rin. Kinabitan ko pa siya ng seatbelt kasi nakayuko lang siya. Baka mabunggo pa sa dash board, kawawa naman ang sasakyan ko, 'di ba? Char, oo na nga, siya na nga kawawa.

May bottled water ako sa gilid kaya binuksan ko ito at sinubukan muling gisingin si Iver. Gumising naman siya at ininom ang tubig na binigay ko. Actually, lunok lang talaga ang ginawa niya kasi ako naman ang nagpainom! Para na ulit akong yaya ng isang three years old.

Pinaubos ko sa kanya ang tubig para hindi siya ma-dehydrate. Naparami pa naman ang ininom niyang alak.

Humagikhik naman siya pagkatapos niya 'yong inumin kaya bumaling ako sa kanya. Tumingin siya sa'kin at ngumiti. Ngiting lasing. Kinunutan ko lang siya ng noo at pinaandar na ang sasakyan.

We Were (We Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon