"What a tiring day."
I sighed after putting all my things inside my bag. Nandito ako ngayon sa break room kung saan nagpapahinga ang mga nars tuwing may break time at ngayon, nagliligpit na ako dahil alas dos na ng hapon at tapos na ang aking shift.
Pumunta muna ako sa Nurse's Station para mag insert ng time card para mag log out.
Naglalakad na ako palabas ng hospital nang maisipan kong dumaan muna sa isa sa mga clinics dito.
"Wow. Busy ka yata, Doc." Bati ko sa doktor ng clinic na ito pagkapasok sa opisina niya.
"Paka-pormal mo ah. Wala namang ibang tao rito," tukoy niya sa pagtawag ko sa kanyang titulo habang nakatingin sa kanyang iPad. She didn't even bother to look at me.
"Oh edi wow, V. Busy tayo ah," sarkastikong pagbati ko ulit sa kanya gamit ang kanyang pangalan.
Dr. Vien Gauzon, ang bestfriend kong OB Gynecologist.
Umismid lang siya at sinenyasan akong umupo sa silyang nasa harap ng kanyang mesa.
"May binabasa akong article tungkol sa case ng-"
Napahinto siya sa sinasabi at stressed na binaba ang kanyang iPad sa mesa bago tumingin sa 'kin at inirapan ako.
Ha! Maldita talaga 'to kahit kailan!
"Tapos na shift ko. Hehe," mapang-asar na sabi ko. Mas lalo yata siyang nastress nang makita niya akong ngingiti-ngiti sa harap niya dahil tapos na ang duty ko. Haha!
"Oh? Edi sana all," sabi niya sabay irap ulit. Natawa nalang ako sa asal niya.
"Inggit ka lang eh!" Pang-aasar ko pa kaya sumama agad 'yung tingin niya sa'kin.
"Off ko na rin tomorrow. Ipapasyal ko si Pierre. Sama ka?" Pag-aaya ko sa kanya.
"Pwede rin naman. Text mo na lang ako kung what time. I'll see to it if matatapos agad ang schedule ko bukas," sabi niya at tumangu-tango na lang ako.
Tinuon niya naman ulit ang kanyang atensyon sa iPad kaya natahimik kaming dalawa. Kinalikot ko nalang rin muna ang aking cellphone at agad akong napangiti nang makita ko ang lock screen ko.
Si Pierre.
Magpapaalam na sana ako nang magsalita ulit si Vien.
"A." Tawag niya sa'kin kaya nag-angat muli ako ng tingin.
"Pierre is getting bigger na. 'Di ka pa rin ba mag a-abroad? Ang liit ng sweldo mo rito sa Pinas," pagpatuloy niya. Napangiti nalang ako dahil na-se-sense kong worried lang siya sa amin.
"Kaya ko pa naman, Vien. Besides, pwede naman akong magtrabaho na lang sa kumpanya if 'di ko na talaga keri mag nurse."

BINABASA MO ANG
We Were (We Series #1)
Romance[ EDITING ] Maria Aileen Ayala was just living her life as she wishes it to be. She was clear with her ambitions; persistent and uncontrollable. She was ideal. She was the girl people would always remember like she was imprinted in anyone's memory...