"Alright, nurses! You'll have your graded return demonstration next week. Same partners as last time, okay? Pwede kayo mag-practice sa laboratory during your free time," sabi ng aming clinical instructor bago kami idismiss mula sa aming related learning experience class.
Hay, magtatapos na kasi ang midterm kaya may mga pahabol pang retdems bago mag exams.
"Hala sis, 'di ba tayo magpapractice para sa retdem?!" Pagpapanic na tanong ni Cherry sa'kin. Bitbit pa yung procedures manual at ang record book niya.
Pababa kami ngayon sa café sa ground floor nitong building. Nag-aya kasi ako ng lunch kasi gutom na gutom na ako.
Sino ba namang hindi magugutom eh simula 7:30 nang umaga hanggang 1:30 ng hapon ay nagkaklase kami? Tama! Six hours 'yung klase.
"Luh, ipapractice mo 'yung intramuscular injection eh ang sakit sakit no'n!" Sabi ko sa kanya habang naghahanap kami ng table. Halos puno kasi rito; daming tao!
Ayoko nga ipractice 'yun, huhu. Sasakit lang pwet ko ro'n.
'Yung ire-retdem kasi namin ay ang pag-aadminister ng intradermal injection, meaning mag-i-i-skin test kami. Yung isa naman ay intramuscular injection. Sa may part naman ng butt cheek kami mag i-inject niyan.
'Yung intradermal ay medyo keri lang. Mas nangangamba ako sa intramuscular. Ayoko na nga sa karayom tas itutusok pa sa pwet. Ano ba yan!
"Oo nga, 'wag nalang natin ipractice 'yun. Haha! Bahala na nga," pagsang-ayon na lang si Cherry sa'kin.
Natawa na lang ako sa pagsasawalang bahala namin sa darating na return demonstration. Parang noong mga nakaraang retdems lang ay todo practice pa kaming dalawa kasi gusto namin makakuha ng perfect score lagi. Syempre, para manatili kami sa Dean's list 'no!
Kumakain na kami ngayon ng lunch dito sa Forum kasi puno talaga ang café. Nasa labas lang naman ng café ang Forum kaya bumili nalang kami ng pagkain doon at dito na lang naupo.
Kahit naka-bun ang buhok ko ay pinagpapawisan pa rin ako. Tsk, kaya ayoko rito eh. Ang init init!
"Sis, ang hot sis. Whoo!" Ani Cherry habang pinapaypayan pa ang sarili niya.
"Oo nga. Sana sa Stingers na lang tayo kumain. May aircon pa," tukoy ko sa main cafeteria rito sa unibersidad.
"Hindi 'yun, ano ba. 'Yun oh!" Sabi niya kaya napakunot ang noo ko.
"Don't make it too obvious ha, 4 o'clock mo," pagpatuloy niya kaya dahan-dahan naman akong lumingon sa kanyang tinutukoy.
Napatingin ako sa tatlong lalaking naglalakad. Magkakaibigan ata.
Napapalingon din ang ibang nadadaanan nila, especially mga babae.
Sabay na naglalakad ang dalawa sa harap at nasa likod naman 'yung isa; ang pinakamatangkad.
Diretso lang siyang nakatingin sa harap niya habang 'yung dalawa naman ay ngumingiti sa mga bumabati sa kanila.
Napahinto sila sa paglalakad nang nang may kumausap doon sa nasa harap.
Napatingin ulit ako sa lalaking nasa likuran. Nakakunot na ang noo nito at magkasalubong pa ang kaniyang makakapal na kilay.
Parang bad trip sa buhay ah.
Napagtanto ko lang na nakatitig na pala ako sa kaniya nang lumingon ito sa gawi namin kaya agad akong kinabahan.
Marahas akong lumingon ulit kay Cherry na nakangiti na sa'kin ngayon.
BINABASA MO ANG
We Were (We Series #1)
Romance[ EDITING ] Maria Aileen Ayala was just living her life as she wishes it to be. She was clear with her ambitions; persistent and uncontrollable. She was ideal. She was the girl people would always remember like she was imprinted in anyone's memory...