"Harot! 'Di mo nga tinabihan sa dare, katabi mo naman pagtulog," pabulong na tukso ni Cherry. Kinurot pa ako sa tagiliran bago kami naupo.Nandito kami ngayon sa mini restaurant sa baba ng dorm ni Cherry at chinichika ko sa kanya ang nangyari after no'ng party habang naghihintay sa order namin. Tanong kasi nang tanong edi kinuwento ko na lang!
Last day na namin ng exam ngayon at ilang araw na rin ang lumipas mula noong nagising ako sa unit ni Iver. It's only 10:30 in the morning at may three hours break pa kami para makakain at makapagreview para sa last exam namin sa isang major.
Hindi ko na lang pinansin ang mga panunukso ni Cherry sa'kin at nilabas na lang ang reviewers ko. Nakapag-aral naman na ako pero mag-re-review ako ulit para sigurado.
"Ay sis, may Respiratory ka d'yan? May Cardiovascular ako rito. Swap na muna tayo, please. 'Di ako masyadong confident sa Respiratory ko eh," sabi niya nang mapansing nagbabasa-basa ako ng key notes.
"Oh, sa'yo muna. 'Wag na magswap, may Cardiovascular din naman ako rito," tugon ko sa kanya sabay abot ng reviewer ko.
Minsan ang weird namin pakinggan kasi para kaming naghihiraman ng organs o kaya body systems pero ang totoo ay naghihiraman lang naman kami ng reviewers.
Maya-maya pa ay dumating na ang inorder naming pagkain kaya tahimik na lang kaming nag-lunch habang nag-re-review. Para kaming walang pakialamanan sa isa't isa.
Wala masyadong tao rito sa loob ng resto kaya hindi maingay. 'Yung music naman nila ay Lo-Fi kaya parang nakaka-relax lang at hindi nakaka-distract sa pag-re-review.
Tapos na siguro si Cherry sa pagbabasa kasi nag-ce-cellphone na lang siya ngayon. Napapansin kong pasulyap-sulyap siya sa'kin at paminsan, pangiti-ngiti pa! Ano na naman kayang iniisip nito?
"In coming," pakanta niyang sambit bago ko marinig ang tunog ng wind chime; ibig sabihin, may pumasok sa resto. Napakunot na lang ang noo ko nang mas lumawak ang ngiti ni Cherry habang nakatitig sa likuran ko.
Bago pa ako makalingon ay dumaan na sina Iver sa table namin. May dalawang lalaki siyang kasama, isa na roon ang hiningan ko ng number sa Portiko.
Hoy! May atraso pa 'to sa'kin ah!
Naupo sila sa katabi naming table at umorder na.
Hindi ko na lang sila pinansin at inubos na lang ang pagkain ko. Medyo maingay din sila sa katabing table kaya hindi ko na lang pinagpatuloy ang pag-re-review.
'Pag ako talaga bumasak... Charot!
Kinuha ko ang cellphone sa bag at nag-Facebook na lang.
Hindi pa nagtagal ay pumasok din si Liam sa resto. Binati niya pa sina Iver sa kabilang table bago bumaling sa'min ni Cherry.
"Ang sama ng ugali! Ba't 'di kayo nag-aya?" Inis na sabi niya sa'min bago umupo sa tabi ni Cherry. Ang sama pa ng tingin!
Tinaasan ko siya ng kilay bago sumagot, "Aba bakit, jowa ka ba?" Biro ko sa kanya.
Tinaasan niya rin ako ng kilay at nag-chin up pa! "Parang 'di mo ako crush noong grade 11 ah!" Aba! Ang kapal ng mukha!
"Hoy, one day lang 'yon! First day crush lang kita. Ang kapal ng mukha mo!" Sagot ko. Nag-make face nalang siya kasi loser siya, 'di niya ako kaya sa asaran. Ew.
BINABASA MO ANG
We Were (We Series #1)
Romansa[ EDITING ] Maria Aileen Ayala was just living her life as she wishes it to be. She was clear with her ambitions; persistent and uncontrollable. She was ideal. She was the girl people would always remember like she was imprinted in anyone's memory...