07

506 276 155
                                    


Nakatitig lang ako kay Iver at pilit pinoproseso ang sinabi niya. Nakatitig lang din siya sa'kin. Naramdaman ko ring unti-unting nagsialisan ang mga kasama niya sa game. Narinig ko pa silang nagpapaalam sa isa't isa.


"Good luck nga ba?" Tanong ko sa kanya nang sa wakas ay makabawi ako. He gave me a small smile and a pat on my head. "Oo, na-save ko nga eh kasi dumating ka."


Hindi ko na napigilang mapangiti sa sinabi niya. I won't deny, I felt butterflies in my stomach too. OMG huhu ikaw ba naman pagsabihan ng gano'n ng isang napakagwapong nilalang.


"Baka nga kung and'yan ka na from the start of the game, panalo pa kami," mayabang na sabi niya. Nagkibit-balikat pa! Tinaasan ko naman siya ng kilay dahil doon. "Ang yabang mo!" Tumawa lang siya ng malakas.


"Eng yebeng me!" He mocked. Inulit-ulit niya pa habang inaayos ang gamit sa duffel bag niya. Nilagyan pa niya ng tono! Hay. Binabawi ko na p alang kinilig ako kanina.



Naghihintay na 'ko ngayon kay Iver sa labas ng CR kasi magsho-shower daw siya saglit. Actually, uuwi na sana ako sa condo pero pinilit niya akong hintayin siya kasi hinintay niya raw ako noong kumukuha ako ng exam. Mapanumbat talaga! Wala na yata 'tong pagiging gentleman sa katauhan niya.


Ilang minuto pa ay lumabas na siya at binigyan ako ng malawak na ngiti nang makalapit sa'kin. "Naghintay ka!" Inismiran ko naman siya. "Pinilit mo 'ko," walang emosyong sabi ko.


Ngumuso naman siya at umarteng nalulungkot. "Oo nga," aniya. Nakonsensya naman ako sa sinabi ko kahit totoo naman kaya sinubukan kong bawiin 'yon.


"Uy joke lang!" Sabi ko sa kanya. Tumawa pa 'ko at nag-peace sign para mapaniwala siyang joke talaga 'yon kahit totoo naman talaga.


Lumiwanag ang mukha niya kaya napahinga ako ng maluwag. "Joke lang din! Hehe. Yieee, concerned siya ih," patawang sabi niya. Tinuro niya pa ang mukha ko. Nahiya naman ako nang bahagya doon. Ba't pa kasi ako nakonsensya eh hindi naman dapat pinagkokonsensyahan 'to? 


Inirapan ko siya at nagsimula nang maglakad paalis. Oh, 'di ba? Naghintay talaga ako roon para lang mainis. Ang galing! Hello? I'm Aileen Ayala tapos pumapayag akong inisin no'n?


Hindi ko rin alam ba't ako sumasama-sama sa lalaking 'yon eh! Actually, maayos siya kasama, masaya naman pero malakas lang talaga siyang mang-inis! Naaalala ko ang Kuya ko sa kanya. Para siyang second version ni Kuya, 'yung masaya kasama pero gago at the same time. Gano'ng gano'n!


Nang makauwi na 'ko sa condo ay nagbihis kaagad ako ng pambahay. Gumagawa ako ng assignments ngayon at plano ring mag-review kasi baka may biglaang quiz bukas. Oo, may mga professor pa ring nag-su-surprise quiz! Kainis.


Nang matapos na 'ko sa paggawa ng assignments ay tumungo na ako sa kitchen at nagtitingin-tingin ng available stocks na pwedeng lutuin. Kumpleto ang ingredients ko ngayon para sa sinigang na baboy kaya 'yon na lang ang lulutuin ko. 


Ay marunong ako magluto 'no! Kahit lumaki ako sa mayamang pamilya, marunong ako sa mga gawaing bahay. Aba, syempre! Kailangan kong matuto ng ganoon, gusto ko ngang maging independent, 'di ba?


Hinipan ko ang sabaw sa kutsara at tinikman ang niluto ko. Napapikit at nanginig pa 'ko sa asim! Haha, asim kilig ah!


Kinuha ko ang phone ko at pinicturan ang niluto. Nilagay ko 'to sa IG story at may nilagay ring text na 'Sinigang na lang nakakapagpakilig ngayon. #AsimKilig.'


Nilagay ko na sa bowl ang sinigang at naghain na rin ng kanin galing sa rice cooker. Kumuha rin ako ng tubig sa ref at nagsalin sa baso. Huhu, 'pag ako talaga naging lalaki, jojowain ko sarili ko. Wife material eh! Chos!


We Were (We Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon