"Hi, Kuya!" Bati ko agad pagkasagot sa nag-vi-video call sa tablet ko. "Kailan ka uuwi? Miss you na," paglalambing ko pa sa kanya."Luh! Pasweet ka? Kulang allowance mo?" Imbis na batiin niya rin ako, nambara lang siya. Ngumuso na lang ako at hindi siya sinagot. Tumawa naman siya sa kabilang linya. "De joke lang! Syempre miss na kita, tumawag nga ako 'di ba?" Sabi niya at tinaas-baba pa ang kilay niya. Ngumiti naman ako.
"Dapat samakalawa na 'ko uuwi but something really important came up eh. Baka madelay," pagpapaliwanag niya sa'kin kaya tumango-tango lang rin ako.
"Kumusta ka naman d'yan? How's school? Kamusta ka r'yan sa condo?" Sunod-sunod na tanong ni Kuya kaya sunod-sunod din ang pagsagot ko sa kanya. Nakikinig lang din siya sa 'kin.
"Hindi mo ba kukumustahin sila Daddy?" Tanong ko. Nawala naman ang ngiti ni Kuya at parang nag-iba agad ang mood niya.
"Maria, alam mo namang I don't like your father," seryosong sagot niya, ngumisi pa siya. Nalungkot naman ako roon kahit naiintindihan ko kung bakit siya ganyan.
"Anong my father eh tatay nating dalawa 'yon! Our father!" Pagsita ko kay Kuya, i-deny ba naman ang Daddy!
"Oh edi our father, ama natin. Sumasalangit siya." Kahit pabulong niyang sinabi ang panghuli ay narinig ko pa rin 'yon. Hindi ko alam kung matatawa ba 'ko o hindi. Parang 50/50 na 'ko sa langit dahil kay Kuya.
"Kuya!" Pagsita ko ulit sa kanya pero inirapan niya lang ako. "Oh siya siya, may gagawin pa 'ko. Ingat ka r'yan! Ikumusta mo nalang ako kay Mommy," aniya.
"You too! Love you!" Pagpapaalam ko sa kanya. Nag--flying kiss pa 'ko sa screen pero nag-make face lang siya na parang nasusuka. Tumawa pa siya bago binaba ang tawag. Attitude! Parang si Iver lang.
That's my brother, Orville.
Oh, wait...
Half-brother. Magkapatid lang kami sa nanay.
Yes, hindi niya totoong ama ang Daddy pero tatay niya pa rin 'yon kasi doon naman siya kanila Mommy at Daddy lumaki. Kahit noong wala pa ako, si Kuya talaga ang tinuring na first born ng pamilya kahit hindi siya totoong anak ni Daddy. Ayala ang dinadalang apilyedo ni Kuya kaya walang ibang nakakaalam na hindi siya totoong anak ng tatay ko.
He hates our father, though. He hates him so much simula pagkabata. Our father doesn't like him, as well. Kahit pinalaki niya si Kuya, naging malupit siya rito. He controlled my brother's life. Pinag-aral niya nga si Kuya pero pinilit niya 'to sa kursong kinuha para makapagtrabaho sa kumpanya.
My brother didn't have any choice. Kahit si Mommy, walang magawa. Malupit kasi si Daddy, maliban nalang siguro sa'kin.
Parang buong buhay ni Kuya ay kontrolado ni Daddy. 'Di ko alam pero parang pinaparanas ni Daddy 'yung mga naranasan niya noon. Tulad ng nangyari sa kanila ni Mommy, pinakasal niya si Kuya sa babaeng hindi niya mahal. Oo, ewan, 21st century na pero may arranged marriage pa rin. Again, in the name of business.
Kaya ayon, naiintidihan ko si Kuya kung bakit ayaw niya kay Daddy. Pero kahit papaano, umaasa pa rin ako na isang araw ay magiging maayos din ang pakikitungo nila sa isa't-isa.
Sunday ngayon at wala akong magawa at wala rin naman akong gagawing requirements sa school kasi katatapos lang ng exam.
Kaya rin siguro wala pa masyadong pinapagawa ang teachers namin kasi InterLasalle na next week. Sports event 'yon na puro Lasallians lang din ang magkakalaban. Ibig sabihin, pupunta dito ang athletes from other La Salle schools next week kasi dito sa campus namin gaganapin ang event.
BINABASA MO ANG
We Were (We Series #1)
Roman d'amour[ EDITING ] Maria Aileen Ayala was just living her life as she wishes it to be. She was clear with her ambitions; persistent and uncontrollable. She was ideal. She was the girl people would always remember like she was imprinted in anyone's memory...