08

488 272 165
                                    


"Para lagi mo rin akong aalagaan."


Pumasok na naman sa isip ko ang mga salitang 'yan kahit ilang linggo na ang lumipas mula noong sinabi 'yan sa akin. Walang paramdam si Iver mula noon, ni message sa Instagram wala. Hindi ko rin siya nakakasalubong sa campus, kahit dito sa condo.


Na-vi-view ko ang mga stories niya sa IG, pumupunta naman siya sa school, nandito naman siya sa condo, pero hindi talaga siya nagpaparamdam. Vini-view niya naman ang stories ko pero hindi siya nagrereply o react man lang. In short, hindi na talaga kami nag-uusap.


Ano 'yon? Matapos naming lumabas-labas kasama ang isa't isa, 'di na siya magpaparamdam? Matapos niya akong pagsabihan ng gano'n, hindi na siya makikipag-usap? Aba, kagaling!


The doorbell rang which made me run out of my room. Kahit hindi ko man aminin sa sarili ko, alam kong may parte sa'kin na umaasang si Iver ang nasa labas ngayon ng unit ko. Nagpasya akong hindi na sisilipin sa butas ng pinto kung sino ang nasa labas kasi parang hindi naman ako handang humarap kung siya talaga 'to.


Kung siya man, anong sasabihin ko? Anong ibubungad ko sa kanya?


Uhm, 'hello, nice to see you again' o 'hi, long time no see' o 'welcome back'? Parang ang plastic naman kung ganoon. Ano ba dapat? Uhm, 'what brings you here?' Ewan! Bahala na nga.


Huminga ako nang malalim at binuksan ang pinto. 


"Make some noise, Aranetaaaa!" Sigaw ni Kuya Orville pagkapasok niya sa unit. Nilagpasan pa ako sa may pintuan. Masaya akong makita ang kapatid ko pero hindi ko tinatangging nadismaya ako kasi hindi siya ang inaasahan kong pumunta rito ngayon.


Lumingon siya sa'kin at nginitian ako. Ngumuso naman ako kasi nilagpasan niya lang ako kanina. He opened his arms widely kaya tumakbo ako sakanya at niyakap siya ng mahigpit. Ganoon din ang ginawa niya sa'kin at kumembot-kembot pa habang magkayakap kami. Gosh, I missed my brother!


"Dito ka matutulog?" Tanong ko kay Kuya. Para akong batang naglalambing sa nakatatandang kapatid. Kumakain na kami ngayon ng hapunang niluto ni Kuya.


Tiningnan niya 'ko at ngumiti. Ni-pat niya ang ulo ko at bahagyang ginulo ang buhok ko. Magkatabi lang kasi kaming kumakain. "I have a wife waiting at home," aniya. Nanlaki naman ang mga mata ko. First time kong marinig 'yon ah!


"Wow wife! Mahal mo na?" Namamanghang tanong ko. Nagkibit-balikat lang siya. Ngi, ano 'yon?


Sa pagkakaalala ko, kinasal si Kuya the day after his college graduation. Last year lang 'yon. Another arranged marriage just to save another clan's business.


I'm happy to hear na tinawag niyang wife ang pinakasalan niya. I mean, oo, wife niya naman talaga 'yon pero noong nakaraan ay hindi niya nga 'to gustong pag-usapan. That's why I was amused when he called her that way. I just hope my brother makes a family that's not like ours. I hope he makes a family out of love.


"Bye bye! Send my regards to your wife." I really gave emphasis on the last two words. Nagpaalam na rin siya sa'kin at iniwan na 'ko rito sa unit.


At ayon, mag-isa na ulit ako. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang exam schedule sa paparating na finals. Magrereview na lang siguro ako para roon. Parang ang bilis lang ng panahon, parang kailan lang midterms pa tapos next week finals na! I have exactly one week to prepare na lang kasi Tuesday ngayon at Tuesday next week magsisimula ang exams.


Tulad ng sinabi ko, buong linggo ay nag-focus ako sa school at sa pagrereview. Hindi na ako masyadong nag-so-social media kasi nadidistract ako. Kapag nagrereview at nakahawak ng cellphone, nauubos ang oras ko katatawa sa mga memes kaya nag-stick na lang ako sa usual routine at study habit ko buong linggo.


We Were (We Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon