03

666 355 254
                                    


Tumayo na 'ko at sumunod kay Iver tungo sa dining area ng unit niya. 


Ang dress shirt niya'y abot hanggang hita ko. Naka-paa lang din ako pagkat hindi ko alam kung nasaan ang aking sandals.


Iniikot ko ang paningin sa condo niya habang nakasunod sa kanya. Sobrang linis ng unit niya, napaka-organized. Dominant ang white paint sa walls. Ang mga furnitures niya naman, black halos lahat. 'Yung sofa niya sa sala ay navy blue. Naka-open naman ang curtains niyang navy blue at white.


Hindi pa masyadong mahiwaga sa labas pero nagsisimula nang mag-sunrise. Ang ganda ng mga kulay. 


It's like you would want to wake up everyday just to witness this beautiful phenomenon. Parang kahit anong lungkot ng kahapon mo ay malilimutan pagsikat ng bagong araw. 


Parang kahit anong pagod mo, maaalis dahil sa siglang dala nito. I would need this every day.


Overlooking ang unit niya sa ibang matataas na buildings sa labas. Hindi ganito ang view sa unit ko; may nakakatapat akong ibang buildings na humaharang sa view. Marahil ay nasa higher floor 'tong unit niya compared sa'kin.


Habang naglalakad kami, napansin kong isa lang ang bedroom dito. Hala! Saan kaya siya natulog?


Tumikhim muna ako bago magsalita. 


"I'm sorry I slept in your bedroom..." Panimula ko kaya napatingin siya sa 'kin. 


Naghahain na siya ngayon ng pagkain sa mesa habang ako naman ay nakaupo na. "Where did you sleep?" dugtong ko.


Parang nakaramdam naman ako ng hiya sa sinabi ko. Bakit ko naman tatanungin ng gano'n ang mismong may-ari nitong unit? Argh, gusto ko sanang bawiin 'yon pero wala naman na akong magagawa kaya umakto na lang akong walang pake.


Umupo na siya sa tapat ko at naglagay ng kanin sa plato niya. 


Nagluto siya ng corned beef at scrambled egg na may kamatis at sibuyas. Meron din siyang hot coffee sa tabi ng plato niya at hot choco naman ang binigay niya sa 'kin.


"On my bed," tipid niyang sagot. Halos masamid ako sa choco na iniinom ko dahil doon. Eh 'di ba isa nga lang ang kwarto niya? Tapos nagising akong nakahiga sa kama niya. Ibig sabihin tabi kaming natulog?


"Did we... Uhm..." 


Sleep together? Sleep beside each other? 


Hindi ko alam paano itutuloy ang sinasabi ko. We barely even know each other tapos tabi pa kaming natulog? Are we even friends? Does he even know me? OMG, what am I doing with my life?


"I slept beside you. Why? It's my bedroom," walang pakeng sabi niya. 


Hala, bakit 'yung mga nababasa ko sa Wattpad noong highschool kapag lasing 'yung babae at natulog sa kwarto ng lalaki, sa labas natutulog 'yung guy o 'di kaya sa couch? What he said sounded a little bit wrong to me but he's undeniably right! Unit niya 'to.


Na-conscious ako sa sinabi niya kaya tiningnan ko ulit ang suot ko. Wala namang kakaiba o masakit sa 'kin. The only thing that's new to me is his white dress shirt on me.


We Were (We Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon