CHAPTER 6

30 13 0
                                    

Naglalakad na ako sa hallway ng may maramdaman akong basa sa likod ko.

Agad akong lumingon para tignan kung ano yon.

Wtf! Iced Coffee? Ang dumi ko!

"Anong problema mo Kim!?" pagalit kong tanong.

"Ikaw ang problema namin Summer! Ang landi mo! Hindi kapa nakontento kay Wind at pati si Kurt ay dinadamay mo sa kakatihan mo?!" sigaw niyang sagot.

Nakapa nonsense niya. Wala siyang alam. Puro fake news ang alam.

Tumalikod na ako at naglakad ulit. Uuwi na siguro ako dahil wala naman akong ibang damit. Ang dumi ko na. Letseng Kim to!

Hindi pa ako nakakalayo ng mapasigaw ako dahil hinatak niya ang buhok ko!

"Aray!!! Ano ba Kim!" sigaw kong sabi.

Sobrang higpit ng hawak niya sa buhok. Makakalbo ata ako. Naiiyak na din ako dahil ang sakit talaga ng hawak niya, ang tutulis pa ng kuko.

"Ang kapal mong ignorin ako, akala mo ang ganda ganda mo! Malandi ka! Anong akala mo na makukuh----" naputol yung sasabihin niya dahil may nagsalita sa likod namin.

"Enough!"

Naramdaman kong tumigil si Kim at ng mga alipores niya. Lumuwag din ang hawak niya sa buhok ko.

"S-steven?" Nauutal niyang bigkas.

Napaangat din ang ulo ko at agad nanlaki ang mata ko. Andaming tao at nakakalat na ang mga gamit ko. Nagvivideo pa yung iba.

Kapag ako nakaganti dito baka sa morgue ang bagsak nitong mga to.

"Let her go. Nakapachildrish mo talaga" malamyang sabi niya.

"Pero Steven, malandi siya! Inaakit niya kayo pati na din si Wind!" ayaw paawat niyang sabi.

"Bitawan mo na ako Kim! Puro fakenews yung alam mo!" galit kong saad.

"Aray!" reklamo ko.

Humigpit ulit yung hawak niya sa buhok ko kaya napasigaw na naman ako.

Kapag ako talaga nakaganti ewan ko nalang kung makakalapit pa kayo sa akin.

"Summer!" sabay na sigaw ng mga kaibigan ko.

Hinatak nila ako kay Kim at sa mga alepores niya. Nabunot tuloy yung iba kong buhok. Ang sakit!

"Anong problema mo girl? Lagot ka kapag nalaman ni Wind to!" sigaw sabay ngisi ni Hannah.

"I'm not scared idiot! Baka nga pagtawanan pa yan ni Wind kapag nalaman niyang lampa pala yung nilalandi niya!" maarte niyang sabi.

"Ha? Ah ganon! Tatawagan ko siya at tignan natin kung anong mangyayari sayo! Demonyita!" sabat ni Kristtine.

Lagot ako kay Kuya Wind at ayoko siyang mapahiya.

Kukunin na sana ni Hannah ang phone niya para tawagan si Kuya Wind pero hinawakan ko ang kamay niya.

"Huwag, hayaan na natin. Okay lang naman ako. Uuwi nalang ako" sabi ko sakanila ng nakangiti para naman hindi na sila mag alala.

"P-pero Summer, look at you!" sabat ni Kristtine.

"I'm okay girls, let's go" mahinahon kong sabi.

KAPAG NAGLARO ANG TADHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon