CHAPTER 16

21 6 0
                                    

Lumipas ang ilang linggo. Malapit nang maganap ang Ms. and Mr. Malaya. Nandito kami sa isang boutique na pagmamay-ari nila Bea. Siya daw kasi ang mag-aayos sa akin. My Mom knows about it. Ayoko nalang din siyang mamoblema kaya nang magoffer si Bea ay pumayag na ako. Magkaibigan naman na kami.

Walang nangyari sa plano kong kausapin si Kuya Wind nung araw na nagcutting ako. Ayoko siyang pilitin na magsabi sa akin, I chose to wait him to tell me kung ano bang mayroon sakanila Steven. Naging maayos naman ang mga naging araw ko nang matapos iyon. Bea also told me na huwag na naming problemahin yon, may time para don. Tama nga naman siya.

Naging okay din kami Kuya Wind. Sila Kim? Pinagpapasalamat ko na hindi na niya ako masyado ginugulo pero nandon pa din yung panglalait at pangbibintang niya na nilalandi ko daw sila Kurt pero hindi ko siya pinapansin.

"Summer, look at this. Maganda ba? Sukatin mo na. Ayan yung susuotin mo sa evening gown portion niyo" sabi ni Bea.

"Taray naman ng Summer naming HAHAHAHA" pang-aasar ni Hannah.

"Kaya nga, parang dati lang uhugin kapa HAHAHA" sapaw pa ni Kristtine.

Nagtawanan tuloy kami.

"Stop teasing her na. Magsukat kana. Andiyan na din yung sa casual wear at sports wear mo. I want to eat na" singit ni Bea.

"Sige. Bibilisan ko na" sagot ko.

Natapos kami sa pagsusukat at maganda naman daw lahat. Buti nalang ay may sariling boutique sila Bea dahil wala akong gastos sa mga damit.

Pagkatapos naming ay kumain na kami. Nagmcdo nalang kami dahil hapon na din. Bukas ay maaga pa kami dahil may photoshoot para sa Ms. and Mr. Malaya. Kasama daw kasi yon at ipopost nila online at ibabandera daw sa school para makita at makaboto ang mga estudyante.

Nang makauwi kami ay tinawagan ako ni Steven, susunduin niya ako dahil magprapractice kami para sa talent portion. Hindi pa nga naming alam kung ano ang gagawin namin. Naligo muna ako at nagbihis nang denim skirt at polo croptop, nagrubbershoes din ako.

Naghintay lang ako ng 10minutes at dumating na siya.

Pagbaba ko ay nakaupo si Kuya Wind sa sofa sa sala.

"Saan ka pupunta? Kakauwi mo lang ah?" tanong niya.

"Kailangan namin mag-usap ni Steven para sa gagawin naming talent portion" mahina kong sabi.

Hanggang ngayon kasi ay ayaw niya pa rin akong sumasama kay Steven. Pinagbibigyan niya lang ako dahil nga sa Ms. and Mr. Malaya.

"Fine. Text me kapag pauwi kana" sabi niya sabay tingin sa cellphone.

"Okay, bye Kuya Wind" paalam ko.

Paglabas ko kay nasa harap na nang gate ang kotse ni Steven. Kumatok ako at binuksan ang pinto niya.

"Kamusta ang lakad niyo kanina?" tanong niya pagsakay ko.

"Nagshopping kami kanina para sa mga susuotin ko, ikaw? Nakahanda kana ng susuotin mo?" tanong ko pabalik.

"Not yet dahil hindi ko pa nakikita ang gown na gagamitin mo. Kailangan kong makita yon para makahanap ako ng ipapares na kulay sa gown mo" sagot niya at pinaandar na ang kotse.

"I have a picture naman, papakita ko sayo later" sabi ko.

"Okay" sagot niya.

Pagkarating namin sa bahay nila ay sinalubong agad ako ng kapatid niya.

"Ate Summer!!" sigaw niya.

"Hi, Shawn" bati ko sakanya at kinandong siya.

"Ate, girlfriend kana po ba ni Kuya?" inosente niyang tanong.

"Why you always ask that question, Shawn?" pabiro kong tanong kahit sa loob loob ko ay kinakabahan ako.

"Because I like you for my Kuya, Ate Summer!" bibo niyang sagot.

"Stop that, Shawn. Your Ate Summer, won't like me" seryoso niyang sabi.

Napatingin naman sa akin si Shawn at parang iiyak na. Tumingin naman ako kay Steven na nakatingin din pala sa akin. Bumalik ang tingin ko kay Shawn na umiiyak na pala at dahil sa taranta ko ay hindi ko alam ang gagawin ko.

"Oo sige na! I like your Kuya Steven na at girlfriend na niya ako" taranta kong sabi.

Biglang tumigil sa pag-iyak si Shawn at napasapo ako ng noo dahil bigla kong narealize ang sinabi ko. Napatingin agad ako kay Steven at kita ko sakanya ang gulat, namumula din siya.

"Talaga po? Yeheyyyyyy!" sigaw ni Shawn at iniwan kami. Aakyat daw muna siya para bigyan kami ng alone time ng kapatid niya.

"Mga bata nga naman oh" napabulong ako.

Lilingon na sana ako kay Steven nang hilain niya ako paakyat sa kwarto niya.

"Bakit na naman ba?" taranta kong tanong sakanya.

"I thought you are my girlfriend? I want to kiss my girlfriend" seryoso niyang sabi.

"It's a joke! Sinabi ko lang yon para patahanin si Shawn" sabi ko at pumiglas sa hawak niya.

"Hindi mo agad sinabi na gusto mo pala ako" sabi niya nang maipasok ako sa kwarto niya, rinig kong nilock niya iyon.

"I told yo----" naputol ang sasabihin ko nang isandal niya ako sa pinto.

"Nasabi mo na, Summer. Walang bawian" sabi niya at hinalikan ako.

Dahil sa gulat ko ay hindi ko siya naitulak. Hindi ako sumagot sa mga halik niya but he hug me closer to him. I hate this pero naramdaman ko nalang na sumasagot na ako sa halik niya. I put my arms on his neck dahil hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang mga braso ko. Muntik na akong mitumba dahil nanghihina ako sa mga halik niya. He picked me up and carried me to his bed. I should have pushed him but I had no strength.

Kinubabawan niya ako at tinignan ako sa aking mata.

"I told that I like you right, Summer? It's true. Please be my girlfriend and I will do anything for you" seryoso niyang sabi.

Hindi ko man maitatanggi ngunit alam ko sa sarili ko na gusto ko din siya. Natatakot lang ako dahil kay Kuya Wind. I knew he would get mad at me when he found out.

"P-pero paano si Kuya Wind? Magagalit siya sa akin at lalo sayo" mahina kong sabi.

"But you like me?" tanong niya.

"Y-yes" nahihiya kong sagot.

Naramdaman kong nanigas siya dahil sa sinabi ko.

"T-talaga?" tanong niya muli.

Dahil nahihiya ako ay itinulak ko siya. Nahihiya ako sa puwesto namin at pati na rin sakanya.

"Paulit-ulit? Gusto mong bawiin ko?" nang-aasar kong tanong pero deep inside ay nahihiya ako.

Ngumiti siya at hinila muli ako upang halikan.

To be continued.

KAPAG NAGLARO ANG TADHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon