CHAPTER 12

27 9 0
                                    

Pababa na kami galling nang kwarto ni Steven. Pinagtritripan ata ako nito dahil paglabas ko ng cr kanina ay bigla niya akong isinandal sa pinto at sinabihan akong huwag akong tatabi kay Kurt. Ano bang problema nito?

Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit grabe ang bilis ang tibok ng puso ko kanina at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito kumakalma.

Pagdating naming sa sala nila ay didiretso na sana ako kung saan ako umupo kanina ngunit hinila ako ni Steven paupo sa tabi niya.

"Bakit mo siya jan pinaupo?" takang tanong ni Kurt.

"May ipapaturo ako saglit" sagot ni Steven pero sa laptop ang tingin.

Ano naming ipapaturo niya sa akin? Siraulong to.

"Okay" sagot nalang ni Kurt kahit alam kong hindi siya kumbinsido.

Kinuha ko nalang din ang laptop ko at naghanap muna ng puwedeng orderin sa shopee, hahanap lang ako ng new earpods. Nasira na kasi yung dati ko.

Hinihintay pa din kasi namin si Kyle dahil siya ang magchecheck ng mga ginawa namin last time.

Scroll, Scroll, Scroll.

"Uhmm, Summer?" tawag sa akin ni Kurt.

Tumingin agad ako sakanya.

"Bakit?" tanong ko.

"Puwede bang ako ang maghatid sayo pauwi?" tanong niya.

"Bakit?" nagtataka kong tanong.

"I have something to tell you" nakangiti niya sabi.

Napalingon naman ako sa katabi ko dahil naramdaman kong sinipa niya ang paa ko, nakamedyas lang kasi ako.

Tinignan niya ako ng masama na parang sinasabi na huwag akong pumayag.

Eh bakit? Boss ko ba siya? Ngumiti ako sakanya at inapakan ang paa niya. Agad napangiwi ang mukha niya. Ano ka ngayon? Akala mo hindi ko pa nalilimutan yung ginawa mo kanina ah.

Agad akong tumingin kay Kurt.

"Sure! Libre mo ako ah?" biro kong sagot.

"Sure!" masigla niyang sabi.

Naramdaman kong tumayo si Steven kaya napalingon ako. Umalis siya at umakyat. Mukhang badtrip pero bakit?

"Anong problema non?" tanong ko kay Kurt.

"Don't mind him" natatawang sagot ni Kurt.

Hindi ko nalang pinansin at nagscroll nalang ulit sa laptop.

Maya maya ay dumating na din si Kyle. Nag-assign ulit siya sa amin ng gagawin naming part sa research. Next week ay magsusurvey na kami.

Hanggang ngayon ay wala pa din si Steven, hindi pa din siya bumababa. Bakit kaya?

Tinignan ko sila Kurt at Kyle, busy sila parehas.

"Cr lang ako ulit ah?" paalam ko.

Tumango naman sila parehas.

Tumayo ako at sinundan kung saan kami kanina dumaan ni Steven. Hindi ko rin alam kung bakit ako pupunta sa kwarto niya basta naisip ko lang. Umakyat ako ng hagdan at nilingon lingon ang ulo ko, sa sobrang laki kasi ng bahay nila ay nakakalito.

Tumigil ako sa isang pinto. Feel ko ito yung kwarto niya. Kakatok na sana ako nang biglang bumukas yung pinto. Nagkagulatan tuloy kami. Parehas nanlalaki ang mga mata.

KAPAG NAGLARO ANG TADHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon